Okay. So ang subject ko ngayong sem ay PHILO 1 na ang descriptive title ay Logic and Philosophy. Ayun. So yung prof ko kasi... magaling. Yung outlook niya sa life. Yon. Tapos basta. Mapapa-"Oo nga noh." ka sa lahat ng mga ipapaliwanag niya sayo. Sa lahat ng idi-discuss niya. Ang cool ni ser kasii kung makipag-usap yun, parang hindi siya teacher. Parang tambay lang. HAHAHAHAHA. Totoo. Nag-mu mura sa klase. Ganon. Hahaha.
So yun. Yung lesson namin kanina napunta sa... nationalism. Actually maraming napuntahan, pati nga sa Bible at kay Rizal at sa Phil Ins. pero eto na lang muna iba-blog ko.
Yun nga. Sabi niya yung mga Pinoy daw masyado nating tinitingala yung mga foreigner, lalo na yung mga Americano. Sobra nating tinatangkilik yung mga gawa nila. Tapos kapag may nakikita tayong foreigner, sinasabi natin,"Ay, Amerikano siya." Yun bang parang hangang-hanga tayo.
Tapos sabi niya, kung bibili ka ng product na Philippine made tapos palalaguin mo yung bansa mo. Yung hindi lang sarili mo yung tinulungan mo para yumaman kundi buong bansa mo, someday baka kapag may nakakita satin na foreigner, baka next time sila naman ang mapa-"Ay Filipino siya! Magaling yan. Mayaman ang bansa niyan." Parang Japan diba.
Kaya lang hindi diba. Kasi tayo, kapag gawa ng ibang bansa or mga gamit na mainstream, patok na patok na satin na hindi natin naiisip na yung gamit na yun kapag binili mo, hindi naman napupunta sa bansa mo kundi sa ibang bansa at lalo lang silang yumayaman at tayo habang buhay na lang na ganito.
Nakakahiya mang aminin, totoo yun diba. Wala na eh. Filipino pride? Nationalism? Patriotism? Wala na ah. Konting tao na lang talaga at aminin na natin na hindi tayo kasama sa mga yon.
Unang una, kapag Philippine made yung phone ng isa nating kababayan, pinagtatawanan sila. Hindi nila alam, sila dapat ang pag-tawanan dahil mga wala silang silbi sa bayan. Di ba. Masakit man marining yung totoo, kaya lang yun yung totoo. Sa sobrang idol natin sa gawa ng ibang bansa, ang nasa isip natin kapag gawang Pinoy, kalait-lait. Aminin mo na. Wag ka na mag-malinis. Totoo to. Totoo yung sinabi ng prof ko.
Actually nakakahiya. Kasi sapol talaga. Sakin, satin, sating lahat.
Wala lang. Naisip ko lang kasi na tama si ser. Napaka-hypocritical na ngayon kapag sinabi mong nationalistic ka. Ultimo nga yung pag-sasalita ng English sobrang napa-proud na tayo ngayon pag English salita natin di natin iniisip na dapat mas maging proud tayo kapag yung national language natin yung ginagamit natin.
Wala. Sobrang eye-opener lang kasi. At yun nga, nakakahiya. Nakakahiya sa sarili kong bayan...

No comments:
Post a Comment