Hindi ko alam kung ano ang middle name na sinasabi pero ang alam ko kasi, yung middle name yung kasunod nang first name mo, hindi yung maiden name ng nanay mo. Kaya ang middle name ko ay...
Jonas.
Actually, mas gusto ko ang second/middle name ko kesa sa first name ko. Hahahaha. And yung Jonas, siya yung nasa Bible. Tapos meron kaming dictionary tapos may meaning yung names sa likod, kaya nung bata ako hinanap ko yung meaning ng names ko. Yung first name ko ang ibig sabihin, belonging to Christ. Tapos yung Jonas ang ibig sabihin ay "dove".
Tiningnan ko ngayon sa Wikipedia (mga 1 minute ago) kung tama nga yung dictionary namin (tamang duda lang haha) eh tama naman. At ang meaning daw ng "dove" ito ay symbol ng "peace". So lalo ko pang minahal ang middle name ko dahil sabi ko nga sa Twitter noon, kung bibigyan ako ng isang wish na talagang matutupad, World Peace ang hihilingin ko.
Tapos yun nga. Yung name ko talagang kinuha sa Bible. Yung Book of Jonah. Long story short, si Jonas inutusan siya ni Lord na pumunta sa Nineveh para i-turn yung mga tao kay God tapos ayaw niya pumayag kaya tumakas siya. Sumakay siya sa barko tapos nagkaron ng storm kaya nalaglag siya sa dagat, tapos kinaen siya ng malaking isda. Tatlong araw at gabi siya don. Tapos nung huli, nag-sorry na din siya ni Lord. Pinatawad siya ni Lord kaya pinakawalan siya nung isda kasi kinausap ni God yung isda. Napunta na ngayon si Jonas sa Nineveh. Nagawa ngayon ni Jonas na mag-repent yung mga tao kay Lord, tapos pinatawad na ni Lord yung mga tao sa Nineveh. Nagalit ulit si Jonas, gusto niyang mamatay na lang. Pero ayaw ni Lord. Tapos basta, si Jonas ang isa sa mga magagaling na propeta.
Tapos nito lang, yung isa sa mga favorite book ko Jonas yung pangalan nung main protagonist! Ang title ng book ay The Giver by Lois Lowry.
Kaya ayun. Love na love ko ang middle name ko and kung tutuusin, gusto ko nga na yun na lang itawag sakin ng mga tao. Lol. =))

No comments:
Post a Comment