Siguro nung Wednesday yon. Nakakita ako ng job ad na tiniweet ng isa sa mga favorite kong tech bloggers. Ano kase, hindi naman talaga ako nag-e expect or something. Kaya lang kase yung efficiency test nila, ano tinry ko lang naman e tapos nakapasa ako. Wahahaha. Ano ayun, tapos para kasing 89% yung result ko nga tapos sinend ko ngayon sa email nila. Tas the next day, tiningnan ko walang reply the whole day. As in. So hindi na ko talaga nag-expect. Tapos nung Friday morning habang nag-lalaro kami ng Monopoly ng mga pinsan ko biglang may nag-text na lang. Actually, hindi ko rin naman alam yung company na pinag-apply-yan ko. Hahahahaha. Tapos yung sa text, sa isang sikat na company pala. Fuck lang hindi ko talaga ine expect yon kasi kilala ko yung company. And as an IT student, parang dream ko den na mag-trabaho dun someday so ako naman kahapon... "Tangina totoo ba to. Shet." As in hindi ko alam yung gagawin ko.
Ano kasi, since nung nawala si daddy, syempre wala namang trabaho yung nanay ko, yung mga kamag-anak ko na lang yung tumutulong sakin para makapag-aral ako. Yun talaga yung isang reason kung bakit ako lumipat dito sa NEUST kasi kahit mura tuition sa CLSU, yung boarding and lodging mejo magastos. So ayun nga. Si kuya at yung dalawa kong tita na lang halos nagpapa-aral sakin.
Kaya kahapon talaga, as in gustong gustong gusto (emphasis dun sa gusto) ko na i-accept yung offer. Kaya lang nga, sa MoA yung company address tapos sa Monday na yung start (kasi nga immediate talaga), tapos naka-enroll na ko.
Nag-alangan ako syempre. Kasi nag-shift ako ng course, and isang year na kong behind para grumaduate. And ayoko ng patagalin pa yung pagpapa-aral sakin nila kuya at ng mga tita ko kaya gusto ko na rin na madaliin yung pag-aaral ko (kung pwede lang i-summer yung course ko pero hindi pwede).
Pero kahapon talaga gusto ko na talaga kunin. Dahil sa mga reasons below:
Kahapon, nanghingi ako ng advice sa best friend ko, tapos dun sa sinabi niya nahimasmasan talaga ako. Kasi all the while na nag-co computer ako kahapon ang lamig talaga ng kamay ko, adrenaline plus sari-saring emotions. Pero dun sa sinabi niya, talagang na-open yung isip ko. Dags, sating dalawa ikaw talaga yung logical eh. Parang ikaw yung nanay, ako yung anak na laging nanghihingi ng words of wisdom. I love you talaga pa-kiss nga huhu.
Ayon. Hindi ko na kinuha kasi sabi niya, kapag daw nakayari ako ng studies ko, mas maraming opportunities. Pero syempre at the back of my mind, hindi ko maiwasan na malungkot kasi sabi nga sa title ng post na'to, ayoko ma-regret yung mga chances na hindi ko ite-take ngayon. Ayoko talaga manghinayang. Pero sa reality kasi ng buhay, kailangan practical ka. Logical.
Gusto ko din mag-sorry kay Jorenn kasi nung sinabi niya sakin yon, yung kapag nakatapos kami ng studies nga na maraming opportunities na dadating, nagalit ako kasi akala ko ayaw niya lang ako lumayo. And inaaway ko talaga siya kahapon kasi sabi ko hindi niya ko naiintindihan kasi mayaman sila, etc. etc. Ayon. So kaya kagabi tuloy sa party ni Pat wala akong gana masyadong mag-salita kasi iniisip-isip ko talaga yung job offer. (Belated happy birthday nga pala, Pat! :D)
Ayon. Hahahaha. Wala lang. Nag-share lang ako mehehehe.

- Nahihiya na ako.
- Kailagan namin ng pera and gusto ko ng makatulong.
- Yun nga, gusto ko ng makatulong and naiinip na ko mag-aral.
- Sobrang kailangan talaga namin ng pera. Wahahaha.
- Ayoko na dine sa bahay. Hahaha.
Kahapon, nanghingi ako ng advice sa best friend ko, tapos dun sa sinabi niya nahimasmasan talaga ako. Kasi all the while na nag-co computer ako kahapon ang lamig talaga ng kamay ko, adrenaline plus sari-saring emotions. Pero dun sa sinabi niya, talagang na-open yung isip ko. Dags, sating dalawa ikaw talaga yung logical eh. Parang ikaw yung nanay, ako yung anak na laging nanghihingi ng words of wisdom. I love you talaga pa-kiss nga huhu.
Ayon. Hindi ko na kinuha kasi sabi niya, kapag daw nakayari ako ng studies ko, mas maraming opportunities. Pero syempre at the back of my mind, hindi ko maiwasan na malungkot kasi sabi nga sa title ng post na'to, ayoko ma-regret yung mga chances na hindi ko ite-take ngayon. Ayoko talaga manghinayang. Pero sa reality kasi ng buhay, kailangan practical ka. Logical.
Gusto ko din mag-sorry kay Jorenn kasi nung sinabi niya sakin yon, yung kapag nakatapos kami ng studies nga na maraming opportunities na dadating, nagalit ako kasi akala ko ayaw niya lang ako lumayo. And inaaway ko talaga siya kahapon kasi sabi ko hindi niya ko naiintindihan kasi mayaman sila, etc. etc. Ayon. So kaya kagabi tuloy sa party ni Pat wala akong gana masyadong mag-salita kasi iniisip-isip ko talaga yung job offer. (Belated happy birthday nga pala, Pat! :D)
Ayon. Hahahaha. Wala lang. Nag-share lang ako mehehehe.
No comments:
Post a Comment