5.29.2013

Wala akong maisip na title: Episode 1

Okay, since I can't say most of  the things that I wanted to express on Twitter, I'll state them here on my blog. Ang topic natin today is... Vice Ganda's so-called "joke" about Jessica Soho.
Okay. So... number one thing na dapat mong tandaan before you give an opinion over something or someone, make sure to do a research first. Okay. So ayon sa nabasa ko on different sites and different articles, mostly on Rappler & GMA News, yun nga, yung joke ni Vice Ganda.
And I quote,
"Ang hirap nga lang kung si Jessica Soho magbo-bold. Kailangan gang rape lagi. Sasabihin ng rapist, 'Ipasa ang lechon.' Sasabihin naman ni Jessica, 'Eh nasaan yung apple?'"
P.S. Hindi talaga to entirely para kay Vice kundi dun sa mga tao sa Twitter okay.

Let's say na ikaw ang mapupunta sa kinalalagyan ni Jessica Soho and sinabihan ka ng ganyan, anong mararamdaman mo? Yung totoo? Napaka-hypocrite natin kung sasabihin nating hindi tayo ma-o offend or hindi tayo masasaktan kung tayo ang sasabihan ng ganyan, especially kapag narinig ng sobrang raming tao. Aminin na natin na masakit yon. Aminin na kasi natin. Yung mga tao sa Twitter na yung iba sila pa galit kay Jessica Soho o sa ibang nagtatanggol sa kanila, aminin na kasi natin na nakasakit talaga yung joke. Kalimutan na muna natin for one second na yung pride ang pairalin natin. Let's forget about defense. Wag munang ipagtanggol yung nang-api. Just for a second aminin na muna natin na masakit talaga yun.
Okay. Sa inamin mo na ba sa sarili mo?
Kung oo, good.
Okay regarding naman dun sa apology... Eto naman. Pano ka ba sasabihin ng maayos yung opinyon ko... Alam mo yung tipong pag may nagawa tayong masama tapos yun talagang pag nag-sorry tayo alam talaga nating mali tayo and wala ng dahi-dahilan basta alam nating mali tayo kaya mag-so sorry na lang tayo? Tapos meron  namang mga time na magkakamali tayo sa iba tapos hindi natin alam kaya mag-so sorry tayo tapos may dahilan kasi hindi naman pala natin alam na nakasakit tayo pero para matapos lang mag-so sorry na lang tayo? Yon. I think the reason kung bakit yung ibang tao hindi nila matanggap yung apology ni Vice kasi parang kaya siya nag-sorry dahil dun sa second reason na sinabi ko. Alam mo yun... Yun parang kapag kunwari nakasakit tayo ng iba unintentionally yung sorry natin tuloy-tuloy tapos tayo sorry lang ng sorry. Yun bang "Sorry talaga! Sorry, sorry talaga!" Yun yung alam mo kasing mali ka talaga and wala ka ng sinasabing iba kung bakit ka nag-so sorry. Unlike nga nung sinabi kong pangalawang reason na parang nag-so sorry ka kasi, hindi naman sa napipilitan pero parang ayaw mo din kasi alam mo sa sarili mo na siguro 45% ka lang na mali and siguro yun yung nararamdaman ni Vice. And yun yung reason ng ibang tao kung bakit hindi matanggap yung sorry niya kasi para sa kanila hindi 100% yung apology niya.
I admit na isa ako sa mga yon. Alam ko na partly sincere yung sorry niya pero not entirely. Partly. But again, people can't hold it against me for believing differently than them. Kasi nga, yun yung pinapaniwalaan ko. Sabi ko nga dun sa unang part nung blog post na'to, mostly para sa mga tao to sa Twitter. Ah yun nga. We need to learn to not bash other people for being different. Please lang. [I've been on Twitter since 2009 and I've encountered several blows aimed at me for having a different opinion or having a different belief. Yun nga. Yung totoo kasi, yung mga tao sa Twitter (yung iba, hindi lahat), lalo na nitong last quarter ng 2012 and nitong first quarter ng 2013, naging jeje na yung mga tao. Seriously. Ang bababaw nilang lahat. I distinctly remember back in 2009 sobrang walang pakielaman yung mga tao sa tweets ng iba. Seriously. Sobrang ibang iba na ng  Twitter ngayon and imbis na matapos na yung issue dahil nag-apologize na si Vice, nagalit pa sila kay Jessica Soho for rejecting Vice's apology. Parang mga gago lang di ba.]
Okay, back to the main topic. Yun nga. You can't blame Jessica Soho for rejecting Vice's apology and sobrang parang mga gago lang yung dinadamay pa yung Diyos tweeting things like "Kung Diyos nga nagpapatawaad." I mean, gago ba kayo? Seryoso ba talaga kayo? I mean, forgiveness takes time. A lot of time. And yes, yung Diyos nga nagpapatawad kayo na nga ang nagsabi, so nakalimutan niyo ba na tao tayo at hindi tayo Diyos? Seryoso kasi. Okay back ulit dun sa sinabi ko na: let's admit for a second na masakit yung joke and nakaka-offend talaga. So do you think ganon lang kadali patawarin yun? Di ba. Let's open our minds first before reacting.
Actually kanina and ngayon, dun talaga ako sa mga tao sa Twitter nagagalit at nagpaparinig. Lagi na lang ganon. Kapag nag-tweet ka na hindi katugma nung kanila, nagagalit sila. And to think na may nagsabi pa na pang-matalino kasi yung joke kaya hindi na-gets nung iba. No. Maling mali. Sobrang hindi nila iniisip yung mga sinasabi nila online. REALLY PEOPLE. REALLY.
Like right now, you can see for yourself actually on Twitter right now. Pag nakita mo yung tweets tungkol kay Jessica Soho, sobrang nakakapikon talaga yung mga tao. Sila pa yung galit. Accept her decision and mostly alam naman nating yung reason kung bakit hindi niya matanggap yung apology so please give her and spare her a lot of respect. Yung "Na-Jessica Soho". Grabe. Ikaw na nga ginago, ikaw pa ginanon.
Madami pa kong gustong sabihin pero yan na lang kasi tapos naman na yung issue. Yun nga, tapos na yung issue tapos yung mga tao sa Twitter umaarya pa.
Again, please lang. Sobrang nananawagan na ko sa sambayanan na matuto tayong rumespeto ng opinyon ng iba. Opinyon nila yon. Wag tayo magalit sa kanila.
Think before we speak. Stop for a second and process for awhile kung yung sasabihin mo magiging ayos ba kasi hindi na natin mababawi yan. We can hold it against you forever for saying something bad, intentionally or not. [To Vice and to the other Twitter people]
Dun sa mga taong nang-ba bash din kay Vice, alam niyo kayo din pangunahing reason kung bakit lumaki yung issue eh. Kasi sobrang kung mang name drop kayo, wagas. Kapag nagbigay ka ng opinyon, sapat na yung isang sentence tapos okay na yung kahit wag mo na sabihin niyong name niya. Kagabi, nagbigay lang ako ng three tweets tapos wala, natulog na lang ako kahit sobrang gusto kong murahin si Vice. And wag gayahin yung mga reporter na nag mention kay Vice kasi sila may legit na reason kasi boss nila si Jessica, close friend. Eh kayo, hindi naman. Tama na yung ibigay mo lang yung opinyon mo tapos tapos na.
Siguro may magsasabi sakin na bakit ko pinapakielaman yung mga tweets nung mga tao na yun nga noh. So, first of all hindi naman ako mag-re react kung hindi ko talaga naramdaman na pangingielam na ng opinyon ng iba yung ginagawa nila. Dun lang ako sa mga tao na yon nag-re react.  I don't have anything against dun sa mga taong naniniwalang sincere si Vice, dun sa mga gusto si Vice, dun sa mga kampi kay Vice o kay Vice mismo [Ayaw ko na sa kanya pero nag-sorry na kaya tapusin na lang yung issue kahit na hindi mo tanggap di ba. Except kagabi sobrang napikon talaga ako nung una ko yun nabasa]. Dun lang talaga sa mga taong nagagalit pa kay Jessica Soho and to us [Na ayaw na namin kay Vice after what he did] ako nag-re react.
So yun lang.
P.S. Napansin ko lang these past few months kapag may mga issue sobrang ibang-iba talaga yung opinion ko sa kanila kaya ang dalas may mang-bash sakin. Hahaha. Kaya talaga yung level ng opinion ko sa topic na to [which is opinion itself lol] sobrang laki talaga. Hahaha.

No comments:

Post a Comment