5.26.2013

Nananawagan ako sa mga congressman at senador ng Pilipinas.

Dapat hindi na nagpapa-workbook yung mga universities sa college eh. Especially sa public. Pwede naman magpa-seatwork sa papel eh. Tss. Akala mong mga hindi magulang at nagpapa-aral.
Kaya nga nag-aaral sa public kasi 1) Walang pera 2) Nagtitipid 3) Walang pera. Sa tingin niyo ba makakabili pa ng librong pwede naman sanang wala na kung wala ngang pera? Sa tingin niyo ba makakatipid pa yung mga magulang na sa tuition fee na lang sana inilaan yung pera tapos mapupunta pa sa mga librong sasagutan tapos pipilasin at ibibigay sa teacher e pwede naman sanang sa papel na lang? Lakas din ng trip niyo eh. Feeling niyo ata ang yaman-yaman ng bansa natin eh. E kung makakatipid sana sa pagpapa-print sa printing press ng mga seatwork na pwede naman ipa-dication o Math problems na pwede naman sana isulat na lang sa blackboard, nagpapa-workbook pa kayo. Alin sa Third World Country ang hindi  niyo naintindihan? Yung Third ba? Yung World? O yung Country?
Bigyan niyo naman ng kahit kaunting konsiderasyon yung mga gustong mag-aral pero walang pampaaral. Buti pa yung reference books, get namin yon. Pwede manghiram sa mga higher year na tapos na sa subject na yon. Nakakatipid.  Eh yung workbook? Ipapapilas pag nasagutan mo na. Salot na sa kalikasan dahil sa papel na inuubos niyo, salot pa sa tinta ng printer na pinag-pi printan niyo na pwede naman sana gumamit na lang ng chalk para isulat sa blackboard.
Hindi ko kasi ma-gets eh. Hindi ko talaga ma-gets. Nagbabayad na nga kami ng malalaking miscellaneous fee na pwede namang wala na, magpapa-required pa kayo ng mga workbooks para kumita.
Sinasabi niyong edukasyon ang isa sa mga daan para umunlad, pero tulungan naman kayo. Imbis na makatulong kayo, dumadagdag pa kayo eh.

No comments:

Post a Comment