5.24.2013

Kung nagtataka ka kung bakit hindi nag-iiba ang estado ng buhay mo, kulang ka kase sa ambisyon.

Libre lang mangarap, bakit hindi mo pa taasan? At kung mangangarap ka na lang din, bakit hindi mo na din pagsikapang matupad? Hindi magbabago ang estado ng buhay mo kung habang buhay ka na lang kontento sa kinalalagyan mo.
Napanood ko dati sa TV, mahirap silang pamilya. Tinanong yung mga magulang kung bakit hindi nila pag-aralin yung mga anak nila. Ang dahilan nila,"Mahirap kami at mamamatay na kaming mahirap." Ang bata-bata mo pa, nawalan ka na ng pag-asa? Ganyan ba ka-negative ang mga tao ngayon?
Kung na-kontento ka na sa kahirapan mo, kung sa tingin mo hindi ka na yayaman, sa tingin mo dapat bang mag-reklamo ka dahil ang hirap ng buhay mo? Wag natin sisihin ang ibang tao o gobyerno. Tayo ang may katawan. Tayo ang may isip. Kung nahihirapan ka na sa kinalalagyan mo, magsikap ka para makaalis ka diyan. Kung sa tingin mo, edukasyon ang sagot, mag-aral ka. Kung sasabihin mong mahirap ka at wala kang pampa-aral, tanga ka ngang talaga. Napaka-daming scholarships jan. Kung matanda ka, e ano? Porket matanda na hindi na pwede mag-aral? May age limit na ba ngayon ang pag-pasok sa paaralan? Wala. Ang hirap kasi sa iba, sasabihin nilang "gusto" nila, pero ang gusto nila gagawan pa ng ibang tao ng paraan para wala na silang problema. Ang dami kong kakilala na dinala yung mga sarili nila sa city hall, sa kapitolyo, sa mga politiko, para makakuha ng pampaaral. Magaganda na ngayon ang buhay nila kasi wala silang dahilan. Kung gusto may paraan, kung ayaw palaging meron dahilan. Yan. Dyan tayo magaleng.
Hindi katawa-tawa ang taong ma-ambisyon at laging nangangarap. Mas katawa-tawa ang taong walang ambisyon,  at reklamo ng reklamo sa mahirap na buhay na kinalalagyan niya.

No comments:

Post a Comment