Nung bata pa lang akong talaga, pangarap ko na talaga na magtapos ng pag-aaral, umakyat sa stage, yumaman, tapos pahintuin sa trabaho si Daddy, bigyan siya ng maraming-maraming pera, pasayahin yung buhay niya, ganon. Siguro simula nung nagkaisip ako yun na talaga yung nabuong mindset ko. Yung tipong "I want to make my Dad proud" feelings. Siguro masasabi natin na dahil Daddy's girl ako kaya ako ganon, pero siguro kasi at the young age nakita ko talaga kung gano nahihirapan yung daddy ko sa business namin. Natatandaan ko 10-years old siguro ako non tapos first year college si kuya tapos hindi siya pumapasok sa school tapos kinausap siya ni daddy tapos umiyak si daddy kasi sabi niya nahihirapan nga daw siya kasi sumasakit na yung likod niya pag matagal siyang nagta trabaho and gusto nga niya na makatapos si kuya kasi para matulungan niya kami sa studies namin, ganon. So talagang 10 years old palang ako or younger, sinabi ko talaga sa sarili ko na "Putangina hindi pwedeng hindi ako aakyat sa stage kasama si daddy" kasi sobrang lahat talaga, dugo't pawis ko iaalay ko maalis ko lang yung mga paghihirap niya. Kaya sobrang malaking sampal talaga nung mawala si Daddy kasi yun tipong, dun mo binuoo yung foundation ng dreams mo, tapos mawawala na siya and hinding hindi mo na matutupad yung mga pangarap mo na inipon mo since nung bata ka pa and iniisip mo kung pano ka mag i start na mangarap ulit. Sobrang hirap talaga.
Talagang nung bata ako pag tinanong ako kung ano yung pangarap ko, at the back of my mind isa lang ang sagot ko "Maka-graduate para sa daddy ko". Tapos biglang... Boom. Wala na. Wala ng chance na matupad yung pangarap mo. Nawalan ka na nga ng tatay, nawalan ka pa ng pangarap.
Wala lang. Trip ko lang mag-emo. Hahaha. Sobrang depress ko lang kasi these past few days. Sobrang dami ko lang iniisip. Hooooooooo. Ang sarap kasi nung feeling na pag humupa na yung iyak at hikbi mo, sarap huminga di ba? Hooooooo.

No comments:
Post a Comment