5.29.2013

Gusto ko pa sana magbigay ng opinion tungkol dun sa mga hangganan ng jokes or opinion tungkol dun sa rape joke. Pero in a separate blog post na lang siguro sa ibang araw. And dun din sa mga ways ng pagpapatawa ng mga comedian. Tapos... ano pa ba. Dun sa limitations natin as a citizen when we use our freedom to express ourselves verbally. Yon. Sa mga susunod  na araw na lang siguro. :)

Wala akong maisip na title: Episode 1

Okay, since I can't say most of  the things that I wanted to express on Twitter, I'll state them here on my blog. Ang topic natin today is... Vice Ganda's so-called "joke" about Jessica Soho.
Okay. So... number one thing na dapat mong tandaan before you give an opinion over something or someone, make sure to do a research first. Okay. So ayon sa nabasa ko on different sites and different articles, mostly on Rappler & GMA News, yun nga, yung joke ni Vice Ganda.
And I quote,
"Ang hirap nga lang kung si Jessica Soho magbo-bold. Kailangan gang rape lagi. Sasabihin ng rapist, 'Ipasa ang lechon.' Sasabihin naman ni Jessica, 'Eh nasaan yung apple?'"
P.S. Hindi talaga to entirely para kay Vice kundi dun sa mga tao sa Twitter okay.

Let's say na ikaw ang mapupunta sa kinalalagyan ni Jessica Soho and sinabihan ka ng ganyan, anong mararamdaman mo? Yung totoo? Napaka-hypocrite natin kung sasabihin nating hindi tayo ma-o offend or hindi tayo masasaktan kung tayo ang sasabihan ng ganyan, especially kapag narinig ng sobrang raming tao. Aminin na natin na masakit yon. Aminin na kasi natin. Yung mga tao sa Twitter na yung iba sila pa galit kay Jessica Soho o sa ibang nagtatanggol sa kanila, aminin na kasi natin na nakasakit talaga yung joke. Kalimutan na muna natin for one second na yung pride ang pairalin natin. Let's forget about defense. Wag munang ipagtanggol yung nang-api. Just for a second aminin na muna natin na masakit talaga yun.
Okay. Sa inamin mo na ba sa sarili mo?
Kung oo, good.
Okay regarding naman dun sa apology... Eto naman. Pano ka ba sasabihin ng maayos yung opinyon ko... Alam mo yung tipong pag may nagawa tayong masama tapos yun talagang pag nag-sorry tayo alam talaga nating mali tayo and wala ng dahi-dahilan basta alam nating mali tayo kaya mag-so sorry na lang tayo? Tapos meron  namang mga time na magkakamali tayo sa iba tapos hindi natin alam kaya mag-so sorry tayo tapos may dahilan kasi hindi naman pala natin alam na nakasakit tayo pero para matapos lang mag-so sorry na lang tayo? Yon. I think the reason kung bakit yung ibang tao hindi nila matanggap yung apology ni Vice kasi parang kaya siya nag-sorry dahil dun sa second reason na sinabi ko. Alam mo yun... Yun parang kapag kunwari nakasakit tayo ng iba unintentionally yung sorry natin tuloy-tuloy tapos tayo sorry lang ng sorry. Yun bang "Sorry talaga! Sorry, sorry talaga!" Yun yung alam mo kasing mali ka talaga and wala ka ng sinasabing iba kung bakit ka nag-so sorry. Unlike nga nung sinabi kong pangalawang reason na parang nag-so sorry ka kasi, hindi naman sa napipilitan pero parang ayaw mo din kasi alam mo sa sarili mo na siguro 45% ka lang na mali and siguro yun yung nararamdaman ni Vice. And yun yung reason ng ibang tao kung bakit hindi matanggap yung sorry niya kasi para sa kanila hindi 100% yung apology niya.
I admit na isa ako sa mga yon. Alam ko na partly sincere yung sorry niya pero not entirely. Partly. But again, people can't hold it against me for believing differently than them. Kasi nga, yun yung pinapaniwalaan ko. Sabi ko nga dun sa unang part nung blog post na'to, mostly para sa mga tao to sa Twitter. Ah yun nga. We need to learn to not bash other people for being different. Please lang. [I've been on Twitter since 2009 and I've encountered several blows aimed at me for having a different opinion or having a different belief. Yun nga. Yung totoo kasi, yung mga tao sa Twitter (yung iba, hindi lahat), lalo na nitong last quarter ng 2012 and nitong first quarter ng 2013, naging jeje na yung mga tao. Seriously. Ang bababaw nilang lahat. I distinctly remember back in 2009 sobrang walang pakielaman yung mga tao sa tweets ng iba. Seriously. Sobrang ibang iba na ng  Twitter ngayon and imbis na matapos na yung issue dahil nag-apologize na si Vice, nagalit pa sila kay Jessica Soho for rejecting Vice's apology. Parang mga gago lang di ba.]
Okay, back to the main topic. Yun nga. You can't blame Jessica Soho for rejecting Vice's apology and sobrang parang mga gago lang yung dinadamay pa yung Diyos tweeting things like "Kung Diyos nga nagpapatawaad." I mean, gago ba kayo? Seryoso ba talaga kayo? I mean, forgiveness takes time. A lot of time. And yes, yung Diyos nga nagpapatawad kayo na nga ang nagsabi, so nakalimutan niyo ba na tao tayo at hindi tayo Diyos? Seryoso kasi. Okay back ulit dun sa sinabi ko na: let's admit for a second na masakit yung joke and nakaka-offend talaga. So do you think ganon lang kadali patawarin yun? Di ba. Let's open our minds first before reacting.
Actually kanina and ngayon, dun talaga ako sa mga tao sa Twitter nagagalit at nagpaparinig. Lagi na lang ganon. Kapag nag-tweet ka na hindi katugma nung kanila, nagagalit sila. And to think na may nagsabi pa na pang-matalino kasi yung joke kaya hindi na-gets nung iba. No. Maling mali. Sobrang hindi nila iniisip yung mga sinasabi nila online. REALLY PEOPLE. REALLY.
Like right now, you can see for yourself actually on Twitter right now. Pag nakita mo yung tweets tungkol kay Jessica Soho, sobrang nakakapikon talaga yung mga tao. Sila pa yung galit. Accept her decision and mostly alam naman nating yung reason kung bakit hindi niya matanggap yung apology so please give her and spare her a lot of respect. Yung "Na-Jessica Soho". Grabe. Ikaw na nga ginago, ikaw pa ginanon.
Madami pa kong gustong sabihin pero yan na lang kasi tapos naman na yung issue. Yun nga, tapos na yung issue tapos yung mga tao sa Twitter umaarya pa.
Again, please lang. Sobrang nananawagan na ko sa sambayanan na matuto tayong rumespeto ng opinyon ng iba. Opinyon nila yon. Wag tayo magalit sa kanila.
Think before we speak. Stop for a second and process for awhile kung yung sasabihin mo magiging ayos ba kasi hindi na natin mababawi yan. We can hold it against you forever for saying something bad, intentionally or not. [To Vice and to the other Twitter people]
Dun sa mga taong nang-ba bash din kay Vice, alam niyo kayo din pangunahing reason kung bakit lumaki yung issue eh. Kasi sobrang kung mang name drop kayo, wagas. Kapag nagbigay ka ng opinyon, sapat na yung isang sentence tapos okay na yung kahit wag mo na sabihin niyong name niya. Kagabi, nagbigay lang ako ng three tweets tapos wala, natulog na lang ako kahit sobrang gusto kong murahin si Vice. And wag gayahin yung mga reporter na nag mention kay Vice kasi sila may legit na reason kasi boss nila si Jessica, close friend. Eh kayo, hindi naman. Tama na yung ibigay mo lang yung opinyon mo tapos tapos na.
Siguro may magsasabi sakin na bakit ko pinapakielaman yung mga tweets nung mga tao na yun nga noh. So, first of all hindi naman ako mag-re react kung hindi ko talaga naramdaman na pangingielam na ng opinyon ng iba yung ginagawa nila. Dun lang ako sa mga tao na yon nag-re react.  I don't have anything against dun sa mga taong naniniwalang sincere si Vice, dun sa mga gusto si Vice, dun sa mga kampi kay Vice o kay Vice mismo [Ayaw ko na sa kanya pero nag-sorry na kaya tapusin na lang yung issue kahit na hindi mo tanggap di ba. Except kagabi sobrang napikon talaga ako nung una ko yun nabasa]. Dun lang talaga sa mga taong nagagalit pa kay Jessica Soho and to us [Na ayaw na namin kay Vice after what he did] ako nag-re react.
So yun lang.
P.S. Napansin ko lang these past few months kapag may mga issue sobrang ibang-iba talaga yung opinion ko sa kanila kaya ang dalas may mang-bash sakin. Hahaha. Kaya talaga yung level ng opinion ko sa topic na to [which is opinion itself lol] sobrang laki talaga. Hahaha.

5.28.2013

Wala lang. Gusto ko lang mag-labas kasi ng sama ng loob. Sobrang toxic lang kasi nung mga gusto mong ilabas sa mundo pero hindi mo mailabas kaya ang sarap lang ng feeling mag-blog. Sobrang napaka- self-imposed melancholic ko lang. Ewan ko ba. Gustong gusto kong umiiyak. Hahahahaha.
Heh. Ewan ba. Sobrang nasu-suffocate lang kasi ako nitong mga nakaraang araw kaya kailangan ko lang ihinga lahat. Hoooooooooo.
Minsan nga nahihiya na ko sa mga pumupunta dito kasi sobrang nakaka-depress lang ng mga blog posts ko. HAHAHAHAHAHA. Siguro sa mga susunod na buwan i-pa private ko na.
Isa, dalawa... Hinga.

Emo-Emo Din Pag May Time: Episode 2

Nung bata pa lang akong talaga, pangarap ko na talaga na magtapos ng pag-aaral, umakyat sa stage, yumaman, tapos pahintuin sa trabaho si Daddy, bigyan siya ng maraming-maraming pera, pasayahin yung buhay niya, ganon. Siguro simula nung nagkaisip ako yun na talaga yung nabuong mindset ko. Yung tipong "I want to make my Dad proud" feelings. Siguro masasabi natin na dahil Daddy's girl ako kaya ako ganon, pero siguro kasi at the young age nakita ko talaga kung gano nahihirapan yung daddy ko sa business namin. Natatandaan ko 10-years old siguro ako non tapos first year college si kuya tapos hindi siya pumapasok sa school tapos kinausap siya ni daddy tapos umiyak si daddy kasi sabi niya nahihirapan nga daw siya kasi sumasakit na yung likod niya pag matagal siyang nagta trabaho and gusto nga niya na makatapos si kuya kasi para matulungan niya kami sa studies namin, ganon. So talagang 10 years old palang ako or younger, sinabi ko talaga sa sarili ko na "Putangina hindi pwedeng hindi ako aakyat sa stage kasama si daddy" kasi sobrang lahat talaga, dugo't pawis ko iaalay ko maalis ko lang yung mga paghihirap niya. Kaya sobrang malaking sampal talaga nung mawala si Daddy kasi yun tipong, dun mo binuoo yung foundation ng dreams mo, tapos mawawala na siya and hinding hindi mo na matutupad yung mga pangarap mo na inipon mo since nung bata ka pa and iniisip mo kung pano ka mag i start na mangarap ulit. Sobrang hirap talaga.
Talagang nung bata ako pag tinanong ako kung ano yung pangarap ko, at the back of my mind isa lang ang sagot ko "Maka-graduate para sa daddy ko". Tapos biglang... Boom. Wala na. Wala ng chance na matupad yung pangarap mo. Nawalan ka na nga ng tatay, nawalan ka pa ng pangarap.
Wala lang. Trip ko lang mag-emo. Hahaha. Sobrang depress ko lang kasi these past few days. Sobrang dami ko lang iniisip. Hooooooooo. Ang sarap kasi nung feeling na pag humupa na yung iyak at hikbi mo, sarap huminga di ba? Hooooooo.

Emo-Emo Din Pag May Time: Episode 1

May mga taong kahit anong pilit mong mahalin sila, hindi mo pa din magawa. Tulad ko, may tao akong sobrang pinipilit ko talagang mahalin. Meron mga times na effective, na parang walang problema, pero may mga times na babalik na naman at makakalimutan ko na naman in the first place kung bakit ko nga ba pinipilit yung sarili ko na mahalin siya.
I'll probably go to hell for saying this, pero minsan kasi yung level ng hatred mo talagang lumalamang na dun sa level ng pagmamahal mo sa isang tao. Naniniwala kasi ako na parang The Sims lang ang peg nating mga human beings. Kapag may tao tayong bagong kakilala, yung level nung "friendliness", mga 1% pa lang. Tapos habang tumatagal, nadadagdagan. Pero pag may ginawa siyang mali, nababawasan mo na uli.
Yun kase yung case ko. Yung tipong after all these years, hindi man lang ata umabot ng 100% yung pagmamahal ko kasi every time I move forward, may mangyayaring masama and I'll have to take two steps back. Every fucking time for God knows how many years. I only tried once or twice na ilabas yung true feelings ko about that person in a diary. I think yung unang beses e elementary pa ko. Nakalimutan ko na kung bakit ako umiiyak but I distinctly remember na sinulat ko talaga sa paper how much I hate that person. Pero at the back of my mind, kahit na sobrang hate na hate ko siya, yung fear ko kay God nandun pa din. (Reminder: Bata pa ko, and talagang God-fearing na ko). Kasi imbis na hilingin ko at isumpa  ko na sana mamatay na siya, I wished for God to take me instead. Hindi ko na alam kung ilang taon na ko non pero aminin na natin na, batang-bata pa ang 13 years and below. (Okay umiiyak na ko. Painful memories are coming back to me sheeet). At that time, I really wanted to take my life pero yung fear ko talaga kay God, yun faith ko sa Kanya, siguro as a child, yun lang talaga yung naging reprieve ko from all the painful things na sinuffer ko noon.
Meron ding time nung Grade 6 ako na may nangyari ulit and I was really emotionally distressed na pagpasok ko sa kwarto ko hindi na ko umabot sa higaan ko and sa sahig na lang ako umiyak then pag gising ko, nakatulog pala ko sa sahig.
Second time I tried to voice out my feelings about that certain person was in second year high school. Ganun din. Since mediyo may isip na ko at kailan lang yun, mediyo fresh pa at natatandaan ko pa kung bakit ako umiiyak non. Hindi ko parin wini-wish  na sana may mangyaring masama sa kanya kasi nga yung tungkol dun sa sinasabi ko na kahit gaano kasama yung person, gusto ko pa rin siyang mahalin. Yun nga, imbis na may mangyari sa kanya sabi ko kay Lord, sana ako na lang. Sana ako na lang yung kunin Niya kasi minsan yung pain sobrang hindi ko na talaga and throughout my childhood and per-adulthood days, sobrang wini wish ko talaga kay Lord na kunin niya na ko kasi hindi ko na kaya. Minsan pag nag pe pray ako sinasabi ko na lang na sana kunin niya na ko kasi parang mas madali kapag natapos na lang. Sobrang gustong gusto ko na ma-free dun sa nararamdaman ko. And to think na sobrang bata ko pa tapos naiisip ko na yung mga bagay na yon.
Ngayong matanda na ko, kapag naiisip ko yung mga yon naaawa ako for the kid that I've been when I was younger and I wish na sana nagkaron man lang siya na happiness despite of all the things na naranasan niya. And I did naman. Sa kabila nung mga sakit na yon, as I grow old, ginusto kong labanan yung feeling na gusto ko ng mamatay.
Alam niyo yung saying sa internet na yung mga taong mataas yung sense of humor ay yung mga taong may pinagdaanan etc? Totoo yon kasi minsan it's the only reprieve that they have. Minsan yun na lang yung reason para makalimutan nila yung mga bad things na nangyayari sa kanila.
Kaya lang minsan, even though years na yung nakalipas, I still get depressed. Minsan there were times na sa gabi tapos yung time na tahimik na tapos muni-muni ka nalang, tapos maiiyak ka nalang, ganon. Madalas sakin mangyari yon.
Wala lang. Gusto ko lang kasi maglabas ng sama ng loob kasi alam mo yung tipong nasu suffocate ka na kasi ang laki na ng dinadala mo tapos parang nacho-choke ka na talaga at di ka na makahinga. Yon. Gusto ko lang ilabas lahat. Hooooooo.

5.26.2013

Tiny's 20 of the Best Feelings in the World

I found an article online about 25 of the best feelings in the world. Most of it were fitting for me, but some were not. So I decided to make my own version! You can find the article I read here: LINK
Anyway, here are my top 20 (some of it were recycled):
  1. Clean sheets! Aaah, grabe. Sobrang sarap sarap sarap ng clean and fresh sheets tapos langhap na langhap mo pag matutulog ka na. Shet lang talaga.
  2. Maglinis ng tenga gamit ang cotton buds. Gross but true. Wahahahahaha. Napapapikit pa ko eh!
  3. Kapag dumating na yung in-order mo online!
  4. Cold sheets and pillows when it's a warm night.
  5. Humaching.
  6. Nakauwi ka na sa bahay after a long day.
  7. Peeling of a tag price in one try.
  8. Maligo kapag init na init ka!
  9. Kapag  naka-alis ka na sa isang level ng nilalaro mo after how many million tries.
  10. MAG-ALIS NG BRA KAPAG MATUTULOG NA.
  11. Yung kakaen na after mong magutom ng pagkatagal-tagal.
  12. Yung walang pila sa bayaran ng kuryente/tubig/PLDT!
  13. Yung amoy fabric conditioner o detergent yung damit mong pambahay. Sarap langhapin.
  14. Mataas grades na nakuha mo ng hindi mo naman ine-expect.
  15. After being constipated, natae ka na din sa wakas!
  16. Yung chumechempo ka ng paalam sa nanay o tatay mo tapos kabang-kaba ka tapos nung nagpaalam ka na, pumayag sila. Sarap sumigaw ng "YES!!!".
  17. Yung nasa biyahe ka tapos natulog ka pag-gising mo malayo pa sa inyo kaya pwede ka pa bumalik sa tulog mo.
  18. Yung akala mo hindi mo na mauumpisahan yung palabas sa sine kasi late ka na tapos pagpasok mo, trailers pa lang.
  19. Yung nagtabi ka ng pera para sa isang bagay na bibilin mo tapos nung babayaran mo na, may discount pa pala. Sarap.
  20. Yung ang daming tumawa nung nag-punchline ka. Wala ng mas sasarap pa kapag nakapag patawa ka ng iba.

Nananawagan ako sa mga congressman at senador ng Pilipinas.

Dapat hindi na nagpapa-workbook yung mga universities sa college eh. Especially sa public. Pwede naman magpa-seatwork sa papel eh. Tss. Akala mong mga hindi magulang at nagpapa-aral.
Kaya nga nag-aaral sa public kasi 1) Walang pera 2) Nagtitipid 3) Walang pera. Sa tingin niyo ba makakabili pa ng librong pwede naman sanang wala na kung wala ngang pera? Sa tingin niyo ba makakatipid pa yung mga magulang na sa tuition fee na lang sana inilaan yung pera tapos mapupunta pa sa mga librong sasagutan tapos pipilasin at ibibigay sa teacher e pwede naman sanang sa papel na lang? Lakas din ng trip niyo eh. Feeling niyo ata ang yaman-yaman ng bansa natin eh. E kung makakatipid sana sa pagpapa-print sa printing press ng mga seatwork na pwede naman ipa-dication o Math problems na pwede naman sana isulat na lang sa blackboard, nagpapa-workbook pa kayo. Alin sa Third World Country ang hindi  niyo naintindihan? Yung Third ba? Yung World? O yung Country?
Bigyan niyo naman ng kahit kaunting konsiderasyon yung mga gustong mag-aral pero walang pampaaral. Buti pa yung reference books, get namin yon. Pwede manghiram sa mga higher year na tapos na sa subject na yon. Nakakatipid.  Eh yung workbook? Ipapapilas pag nasagutan mo na. Salot na sa kalikasan dahil sa papel na inuubos niyo, salot pa sa tinta ng printer na pinag-pi printan niyo na pwede naman sana gumamit na lang ng chalk para isulat sa blackboard.
Hindi ko kasi ma-gets eh. Hindi ko talaga ma-gets. Nagbabayad na nga kami ng malalaking miscellaneous fee na pwede namang wala na, magpapa-required pa kayo ng mga workbooks para kumita.
Sinasabi niyong edukasyon ang isa sa mga daan para umunlad, pero tulungan naman kayo. Imbis na makatulong kayo, dumadagdag pa kayo eh.

05-25-2013: Yana's Debut


Photos by Peyt! Grabbed from her Instagram: @faithagape :)

Totoong-totoo `to.

Learned the hard way. Lol

5.24.2013

Ang Hirap Maging Babae: Episode 1

Putanginang shet napakasaket mag-wax ng kili-kili putanginang nanlalambot ako hayop asdfghjkl. Nanghihina ako!!! Kung papapiliin ako kung isang oras masakit puson o isang oras na mag-wax ng kili-kili ay puta  okay na sakin masakit puson! Demonyo napakasaket first time ko nanghihina ako putangina putangina shet shet napakahirap maging babae aaaaaah!!!! Parang tinatanggal yung kaluluwa ko putanginaaaa!!!
Shet ayaw pagpawisan yung kili kili ko ngayon. Hahahaha. Namamanhid sa sakit eh. =)))))

First sem sched!

Wala akong Math subject at Filipino this semester! Woohoo! Wish ko lang na sana wala akong bwisit na instructor ngayong sem. Sana wala akong nanghuhula ng grade na teacher utang ng loob. Ang laki ng binaba ng GPA ko dahil sa mga nagbigay ng mababang grade kahit na hindi ko naman deserve yun huhu. Next time ko na i-share yung tungkol dun. Later!

Kung nagtataka ka kung bakit hindi nag-iiba ang estado ng buhay mo, kulang ka kase sa ambisyon.

Libre lang mangarap, bakit hindi mo pa taasan? At kung mangangarap ka na lang din, bakit hindi mo na din pagsikapang matupad? Hindi magbabago ang estado ng buhay mo kung habang buhay ka na lang kontento sa kinalalagyan mo.
Napanood ko dati sa TV, mahirap silang pamilya. Tinanong yung mga magulang kung bakit hindi nila pag-aralin yung mga anak nila. Ang dahilan nila,"Mahirap kami at mamamatay na kaming mahirap." Ang bata-bata mo pa, nawalan ka na ng pag-asa? Ganyan ba ka-negative ang mga tao ngayon?
Kung na-kontento ka na sa kahirapan mo, kung sa tingin mo hindi ka na yayaman, sa tingin mo dapat bang mag-reklamo ka dahil ang hirap ng buhay mo? Wag natin sisihin ang ibang tao o gobyerno. Tayo ang may katawan. Tayo ang may isip. Kung nahihirapan ka na sa kinalalagyan mo, magsikap ka para makaalis ka diyan. Kung sa tingin mo, edukasyon ang sagot, mag-aral ka. Kung sasabihin mong mahirap ka at wala kang pampa-aral, tanga ka ngang talaga. Napaka-daming scholarships jan. Kung matanda ka, e ano? Porket matanda na hindi na pwede mag-aral? May age limit na ba ngayon ang pag-pasok sa paaralan? Wala. Ang hirap kasi sa iba, sasabihin nilang "gusto" nila, pero ang gusto nila gagawan pa ng ibang tao ng paraan para wala na silang problema. Ang dami kong kakilala na dinala yung mga sarili nila sa city hall, sa kapitolyo, sa mga politiko, para makakuha ng pampaaral. Magaganda na ngayon ang buhay nila kasi wala silang dahilan. Kung gusto may paraan, kung ayaw palaging meron dahilan. Yan. Dyan tayo magaleng.
Hindi katawa-tawa ang taong ma-ambisyon at laging nangangarap. Mas katawa-tawa ang taong walang ambisyon,  at reklamo ng reklamo sa mahirap na buhay na kinalalagyan niya.

I'm baaack!

Yes, I'm definitely back. After reading Saab Magalona's post about her "may ma-post lang" days, na-realize ko na it's time to blog again. Nakaka-miss mag-share ng mga saloobin ko without restrictions and confinements unlike sa Twitter na kapag nag-post ako, I have to censor some of my tweets dahil sadyang ang mga tao ay mambabasag ng tweet/posts. SERYOSO. I mean, just because my opinion are different than with yours, may karapatan ka nang magalit sa akin. No, you don't have that right because we're living in a freaking free country and I have every fucking right to say what I want lalo na kung hindi ka naaapektuhan. If hindi ko gusto yung idol mo, I have every right to say so. Kasi hindi ka naman naaapektuhan di ba? Kung si Justin Bieber nga kapag sinasabi ko sa kanyang ayaw ko sa kanya, nag-re react ba siya? Hindi naman di ba? Kapag may sinasabi ako tungkol kay Charice, nag-re react ba siya? No.
Isa pa, nung elections. Lahat tayo may karapatan na sabihin kung sino ang gusto nating candidate na ibo-boto. But that doesn't mean na we have the right to judge others because of their choices. Hindi natin pwedeng sisihin yung mga taong bumoto sa mga nanalo kasi karapatan nila yon. Yung mga mahihirap, sinisisi nila dahil nanalo yung mga hindi dapat nanalo? Mali yun. Kasi kung tayo yung nasa kalagayan nila, magagalit din tayo. Wala tayong karapatan na magalit sa desisyon nila. Desisyon nila yun eh. Walang basagan ng trip. Pwede tayong magalit sa kandidato, pero hindi sa mga taong bumoto sa kanila. Wag ka magalit kung yung kandidatong gusto mo, natalo. At wala ka ring karapatang magalit sa ibang tao kapag natuwa sila na nanalo yung kandidatong gusto nila. Wala naman silang ginawa sayo eh, bakit ka magagalit?
Okay. Balik na tayo sa main subject. Hahaha. Kaya ko ako bumabalik mag-blog eh dahil nga dun sa blog post ni Saab. Naisip ko na kaya ako naging depressed lately (fact: crying almost every fucking night), eh hindi ko nailalabas yung mga saloobin ko, positive or negative. Nakakamiss maglabas ng sama ng loob. Yung tipong, mag-mura ka lang. Ilabas mo lang yung mga hinanakit mo kahit walang nakakabasa. Ang sarap lang. Yung akala ng iba kapag nilagay mo into words yung  mga saloobin mo, kapag binasa mo ulit, malulungkot ka? In my case? Nope. Imbis na malungkot ako, I feel lighter. When I read my old posts, hindi bumabalik yung mga masasamang memories. Nasasabi ko na lang na, nalagpasan ko tong obstacle na'to and I'm proud of myself.
Nakakamiss din mag-share ng advice and lessons! Sobra. Nakaka-miss magpatawa ng mga tao. Sobra. Kaya this time, pipilitin ko talaga na ibalik at i-restore tong blog na to kaya... wish me luck! Hehehe.