4.18.2012

"Walang choice."

Ilang beses mo na bang narinig yang salita na yan? Sa pelikula? Nabasa sa libro? Narinig sa kanta? Sa totoong buhay? Siguro, maraming beses na. Yung linyang,"I had no choice." O kaya naman eh,"Wala akong choice."
Kagaguhan yan. Lahat tayo may choice. Kaya nga may tama o mali. Kaliwa o kanan. Ayaw o gusto. Maglalakad o tatakbo. Iiyak o tatawa. May oo at hindi. May madali at may mahirap. Pero tatandaan mong lagi tayong may choice.
Hindi mo pwedeng sabihing kinuha mo ang kursong ayaw mo dahil,"Eto ang gusto ng mga magulang ko para sakin. Wala akong choice." Sows. Of course you have a choice. May boses ka eh. May utak ka. May sarili kang katawan. Nasa sa'yo na lang kung hahayaan mong panghawakan ng ibang tao ang buhay mo at hahayaan mong kontrolin ang lahat ng gusto mo. May boses ka para magsalita. Hindi man nila magustuhan ang sagot mo, at least sinubukan mo pa ding ilabas kung ano ang tunay na nararamdaman mo.
Hindi mo pwedeng iwan ang isang tao basta-basta dahil nakakita ka ng bago at isusupalpal mo sa mukha niya na,"I had no choice. Kailangan ko `tong gawin for the both of us. Ayaw kitang masaktan lalo." Gago  ba u? Yang mga taong ganyan, ang tawag diyan eh duwag. Yung mga taong ayaw makipag-break sa personal at dinadaan lang sa text lahat lahat. Be a man. Face the consequences of your own doing. Sasabihin mong wala kang choice, dafuq. Of course you have a choice. Pwedeng ipaliwanag mo sa kanya ng harapan o kaya iiwan mo na lang siyang bigla.
Lagi tayong may choice. Pero natural na ginagawa ng tao na piliin kung saan siya mas madadalian. Human instinct. Bakit mo pipiliin kung mahirap nga di ba, samantalang "may choice" naman na mas madali. Yun nga lang, kung ano ang madali kadalasan, may kapalit. Hindi pwedeng puro laman. Kailangan may sabaw din.
Ang gusto ko lang naman sabihin eh, `wag natin gawing dahilan yung "walang choice" dahil bullshit naman yon. Mas katanggap-tanggap pang sabihin yung,"Mas pinili kong saktan ka dahil mas madali." O kaya naman eh,"Pinili kong `wag magsalita kasi mas madali." Gagawa ka na lang dahilan, palpak pa. `Wag ganon.
Matuto kang pumili ng mga bagay na tama, hindi yung madali pero mali. Matuto kang sundin kung ano ang gusto mo, hindi ang gusto ng mga mahal mo sa buhay para sa'yo dahil balang araw ikaw din ang talo. Matuto kang pumili ng desisyon kung saan may mga taong walang masasaktan. Ilan lang yan sa mga paraan para maging masaya ka.

No comments:

Post a Comment