Ano nga ba naman kasi ang nangyari sakin nung 4/20? At dahil kakabasa ko lang ng libro, hindi ko mapigilang mag-English kahapon. Chos! Hahahaha. And as I promised, I'll revise my post as soon as I can. Kasi sabi nga sa The Fault in Our Stars,
“You have a choice in this world, I believe, about how to tell sad stories, and we made the funny choice.”
- Sad trip kasi ako ng araw na yan. Hindi ko na ide-detalye kung bakit dahil hindi magandang ibahagi ang kalungkutan. Pero yun nga, sadtrip ako nyan kaya nag-resulta sa mga bagay na ililista ko sa baba.
- Nung nakahiga ako, ayokong marinig yung mga tao sa paligid ko kaya nag-sounds ako. Buti may charge pa yung music player ko, kaya lang isang bar na lang yung energy. Umabot naman siya ng isang oras at isang oras din akong nakikinig ng Absorbing Man at Heaven's Door.
- Tapos nung na-lowbat na nga, wala na kong magawa. Eh gusto ko nga mag-isa, kaya lumabas ako dun sa ginagawang bahay namin (wala pang bubong) at dun ako nagbasa. Bumili ako ng katol.
- Ang binabasa ko ay The Fault in Our Stars ni John Green. Actually, nakapagbasa na ako ng ganitong kwento. Marami silang pagkakahawig nung nabasa ko, kaya lang yun eh short story lang sa Chicken Soup for the Couple's Soul ko. Yung babae, may malubhang sakit tapos yung lalake eh may sakit din. Kaya lang yung level nung sakit ng babae eh mas malala, tapos yung lalake hindi masyado. Malakas yung lalake kaya yung babae iiwasan muna niya mainlab, pero syempre magkakainlaban pa din sila. Tapos bandang huli, yung lalake pala ang may mas malubhang sakit. Tapos mas mauuna siyang mamatay kesa sa babae, which I don't find surprising at all (not like the other readers of the book) kasi yun nga, nakabasa na ko ng ganitong storyline. Nonetheless, sobrang ganda nitong libro na ito kaya basahin niyo!
- Pwede niyong basahin yung short story na sinasabi ko, na ang title ay "Against All Odds" by Skip Hollandsworth HERE!!! It's worth the read. ;)
- Tapos ang weird weird pa dahil ilang tao ba ang may pangalang "Hazel Grace" sa mundo? Yun kasi yung pangalan nung heroine sa The Fault in Our Stars tapos yun din pangalan ng tita ko. Eh hindi naman mahilig yung mga Americans sa dalawang names di ba? Hangweird lang! (OA. Hahahaha.)
- Balik na tayo sa sad trip ko... Eh `di ayun nga, dahil sad trip ako, bigla ako nagkaron ng sudden urge na mag-yosi. At considering the fact na 4/20 at Marijuana Appreciation Day, ang korny. Hahahaha. Pero hindi ako nag-yosi dahil walang bukas na tindahan. (At hindi din naman ako maninigarilyo kahit merong bukas.)
- Ang totoo niyan, taeng-tae ako ng gabi na yan. Pero kahit taeng-tae na ko, kaen pa din ako ng kaen nung pasalubong na ube jam ng tita ko. Ang sarap eh! Tapos Good Shepherd pa. Para kang nasa langit. Chos!
- At dahil 11PM na, pini-em ko si Dags at hinintay ko talagang mag-alas dose para mabati siya! Happy Birthday ulit Dags!
- Tapos natulog na ko ng mga 12:30AM at ipinagpatuloy ang aking pagbabasa kinabukasan.
- Yown. Tapos. =))
Thankyou Nokz!!! mwah! :**
ReplyDeletenagyoyosi ka na?? hehe
Syempre lab kita Dags eh! Pakiss! :****
ReplyDeleteHoy hinde! HAHAHAHAHA. "Sudden urge lang". =)))))) Sa susunod na lang, chos! XD