4.14.2012

Day 4: Four of your favorite memories.

Marami. Marami akong gustong bauning alaala kung saan man ako mapunta balang araw. May masaya, pero meron din mga malulungkot. Dahil napatawa man o napaiyak man ako ng mga alaalang yon, yun parin ang dahilan kung bakit niyo nakilala ang isang "Tiny" na katulad ko.

  • Isa sa mga pabirto kong memories eh yung elementary days. Lalo na kapag recognition days ko noon. Although alam kong parang hindi ko naman deserve na umakyat sa stage twing buwan ng Marso, masaya pa din ako na kasama kong umaakyat ang Daddy ko sa entablado para masabitan ako ng medalya. Para kasing moment namin ng Daddy ko yun. Yun yung mga panahong napasaya ko siya ng sobra at nabayaran ko yung mga nagawa niya. Alam ko kasing yung mga panahong yun eh, sobrang proud sakin ang mga magulang ko. Lalo na nung nag-Valedictory Address ako. Kasi nag-gago na lang ako nun eh. Tinamad na kong mag-aral. Nangongopya. Nag-kokodiko. Tapos ako pa din yung nakuhang valedictorian. Bittersweet, eka nga. Masarap na masakit kasi alam kong may isang taong mas deserving non kesa sakin.
  • First JS Prom ko. Hindi ko akalain na sobrang magiging special yung gabing yon para sakin. Although parang ang "feeler" ko naman, para kasi sakin, naging gabi namin yun ni Jorenn. Wala sa isip naming dalawa na kami nga yung magiging "Couple of the Night" kaya sobrang... basta. Yung umakyat kami sa stage tapos nag-palakpakan yung mga tao, nakaka-overwhelm lang ng bongga.
  • Yung mga memories kung saan nakakapagpatawa ako ng mga tao. Ang sarap sa puso. Na may mga taong hindi makahinga dahil may ginawa ka o sinabi na sobrang nakakatawa. Nakakagaan ng pakiramdam at nakakawala ng problema.
  • Yung mga panahong kumpleto pa kami. Yung mga panahong kumpleto pa yung mga taong mahal ko sa buhay dito sa mundo. Nung hindi pa magulo yung buhay ko. Yung mga araw na okay pa at hindi ko pa tinatalikuran yung mga bagay na tinalikuran ko na ngayon. Yung mga panahong mapayapa pa yung buhay ko.
Kahit mamatay na ko ngayon, ayos lang. Basta `wag ko lang makakalimutan yang mga alaalang yan. Ayos na sakin yon. Masaya na ko sa mga yan.

No comments:

Post a Comment