4.11.2012

Day 1: One thing you want right now.

Gusto ko ng mayari yung bahay namin. Jusko. Plezz lang. Feeling ko sinasadya yata ng mga karpintero na bagalan ang paggawa nila para madami silang sweldo! (Per day ang basis ng sweldo nila kaya kung mas matagal, mas madaming kita.)
Kahirap gumalaw dito sa bahay (yung kalahati na lang ng bahay namin). Araw-araw, puro alikabok yung higaan ko. Kapag kagising ko sa umaga, kailangan ko pa makipag-kapitbahay (sa mga lola ko lang naman), para lang mag-toothbrush at maghilamos. Ganun din kapag natatae at gusto ko ng maligo.
Ang hirap mag-computer. Nakaka-irita mag-sounds. Kahirap kasama ng mga kasama ko sa bahay! Putangina lang.
Hindi naman sa nag-rereklamo ako, sobrang thankful ko na sa wakas titino na ang bahay namin. Pero please lang! Suyang-suya na ako na ang isang liko lang ng mukha ko, makikita ko na sila.
Kaya kung tatanungin niyo ako kung ano ang gusto ko, gusto ko lang mayari na ang bahay namin para maging mapayapa, matino, at masaya na ang buhay ko.
P.S. Hindi ako galit. Nagpapaliwanag lang.

No comments:

Post a Comment