Hello? May tao ba? Hahahaha. May nagbabasa pa ba dito? =)) Anyways, padaan lang! Mag-kuwento lang ako ng mga routine ko ngayong bakasyon.
Wala na nga pala kaming banyo. Hanep. San kami naliligo? Wala na. Hindi na ko naliligo. Chos! Hahahaha. =)) May advantage din pala kapag childhood friends ang parents mo, sa katabing bahay lang ang bahay ng mga lola ko (nanay ng Daddy ko).
Sa bahay naman namin... Sakto lang. May pader na! Pero tinatantsa pa kung papalagyan ngayong taon ng taas. Sana kasya sa budget para may taas ang aming bahay.
Ang hirap tumae! Jusko. Kapag madaling araw ka natatae tapos tulog pa yung mga pinsan ko, isipin mo naman kung ano ang gagawin ko! Itutulog ko na lang. Hahahaha. Tangina.
Tapos Harvest Moon na lang maghapon. DS na lang DS walang patumangga. Pano naman, wala din kaming TV. Ayoko naman mag-internet at nakakabuset mag-computer kapag ang background music mo ay nagtitibag ng pader at mga taong gumagawa.
Pero ok na din yun! At least matino na ang bahay namin. Hindi na tutulo ang bahay namin at hindi na ko magagalit sa ulan. Lol. Actually, nung bata ako. Ayoko talaga ng umuulan kasi tumutulo yung bahay namin. Kaya hanggang sa tumanda ako, ayoko ng umuulan. Pero... kapag nagawa yung bahay namin, hindi na ko mabubwisit sa ulan! Yay! =))
Yon. Yan lang ang balita so far sa buhay bakasyon ko. Sa susunod na lang ulit siguro kapag may kwento worthy ang buhay ko.
Hindi naman kasi ako katulad nung ibang tao jan *ehemm*, na walang magawa sa buhay kundi manghimasok at kamuhian ang mga tao sa paligid niya. =)))))))))
No comments:
Post a Comment