Hindi eto yung mga eksaktong salitang narinig kong sinabi ng tita ko, pero yan yung thought. Pwede din `tong kadugtong ng last post ko, pero depende din yan sa perspective mo.
Tama naman `di ba? Wala kang dapat sisihin dahil pinili mo ang landas na tinahak mo. Sabihin na nating sinabi sa'yo ng magulang mo na yan ang kursong pasukin mo, sa madaling salita pinili mo na din yun dahil hindi ka kumibo. Hindi ka nag-reklamo. Kaya wala kang dapat sisihin kundi ang sarili mo.
Sabi ng iba, hindi sila nakapag-aral kasi mahirap lang sila? Hindi kasalanan ng mga magulang mo na mahirap sila. Hindi nila kasalanan na wala silang pampaaral sa'yo. Ikaw ang may problema dahil hindi ka gumawa ng paraan para makapag-aral ka. Napaka-daming scholarships diyan. Napaka-daming paraan. `Wag mong ipataw sa mga magulang mo ang dahilan kung bakit hindi ka nakapag-tapos. Hindi pa ba sapat na pinalaki ka nila at inaruga?
Tayo ang sumusulat ng buhay natin. Tayo ang manunulat, artista, at director. Walang sinuman ang may kasalanan o ang dapat sisihin kung ano ang estado ng buhay mo ngayon. Yan ang pinili mong direksyon, depende na lang sa'yo kung gusto mong mag-manyobra pabalik o mag-dire diretso sa daan na tinahak mo.
No comments:
Post a Comment