"CLSU, Alma Mater dear oh hail to thee. Full glory and honor may yours forever be.The light we share from the torch you hold vanquished darkness and spread cheers all over the whole wide world."
Pano ba? Pano ko ba sasabihin lahat ng mga gusto kong sabihin? Pano ba ko magsisimula? Unang una, salamat. Salamat kasi kahit isang taon lang, nasubukan ko pa din. Kahit isang beses lang, at least nalaman ko kung ano nga ba yung pakiramdam.
Kung tatanungin ako, oo. Gusto ko pa. Gusto ko pang ipagpatuloy na mag-aral sa CLSU. Kaya lang, hindi talaga tayo compatible eh. Kung buhay lang sana si Daddy, eh `di sana kasama ko pa kayo pareho. Kaya lang... madaming "kaya lang". May mga bagay talagang hindi nararapat.
Mamimiss ko unang una ang Ladies Dorm #1. Lalo na ang Room 3 nung 1st sem, 2012. Kahit limang buwan lang akong tumira sa dorm at kahit soooobrang higpit, nag-enjoy pa din ako. (Pero kung sa CLSU ulit ako mag-aaral, ayoko na mag-dorm) Nakakamiss mag-review "kunwari". Nakakamiss makita yung mga BSBA mag-review tapos ako pa-banjing banjing lang. Nakakamiss yung mga general cleaning. Nakakamiss yung mga panahong ayaw kaming pauwiin pero uuwi pa din ako. Hahahahaha. Syempre ang mga taong "walang choice" (hahahaha) na makasama ako ng limang buwan pero napamahal sakin ng sobra. Salamat! Sa dorm manager, kay manong, kay Ma'am Esie, sa taga-ibang room. Salamaaaat. Naging pangalawang bahay ko na ang LD#1.
Syempre, ang mga blockmates ko na hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na maging masyadong ka-close. Siguro, yun ang isa sa mga... hindi naman regrets pero more on "what if". Masyado kasi akong loner nung first sem eh. Hahahaha. Salamat.
Yung mga classes. Soooobrang nakakamiss. Yung magigilas na teacher (pwera sa PE at Filipino dahil ayoko sa dalawang subject na yan). Lalo na Math at Bio. Yung laboratory works! Shet. Nakakamiss. Yung pagsilip sa microscope. Yung pag-drawing. Sheeet. Fine Arts. Akalain mo yun, ma-mimiss kita? Hahahaha. Yung practical exam sa Bio105 kay Ma'am Kitin. Sheeeet. Yung bell kapag nakalipas na ang isang minuta at sa kabilang slide naman. Huhuhuhuhuhu. Yung palaka! Tangina. Yung mga palaka.
Yung mga CLSU terms tulad ng:
- "Old". Hahahaha. Old Market ang ibig sabihin niyan. =))
- "Lingap". Hahahahaha. Yung puntahan ng mga mag-jowang gumagawa ng milagro o "Little Baguio".
- "Gatchi". Asahan mo na na kapag naging teacher mo siya, pagdating niyo ng final term, kalahati na lang kayo sa Math subject mo.
- "Annex". CAS Annex kung saan andun ang mga rooms namin.
- OSA, OAd, Educ, BA, Vetmed.
- "Audi" o Auditorium kung saan ginaganap ang mga nakakaantok na program tapos kapag pumasok ka e wala na ding labasan.
- "NATO". Hindi uso tricycle na term. NATO kailangan. Hahahaha.
- "Alumni". Hindi ito mga tao kundi ang kainan sa tabi ng Hostel at halos tapat ng OSA. Dyaan ang makikita ang kainan atbp tulad ng Ginang's kung saan madalas kaming kumaen ni Jorenn.
- At marami pang iba. (Na-memental block kasi ako ngayon eh. May kainan kasi sa kabilang bahay, gusto ko nang kumaen. Hahahaha)
Si Kuya Nine! Tanginaaaa. Namimiss ko na si Kuya Nine at ang tawag niyang,"EmpaWaffleKuchiPuto...". Si "Kuya LactoChoco". Nakakamiss yung empanada niyang may itlog pa sa loob! At chaka yung malamig na malamig na choco drink ng PCC na kahit laging sumasakit yung tiyan ko eh bumibili pa din ako.
Yung "attendance". Yung putanginang attendance na lagi na lang hinahanap. Ultimo yung panunuod sa intrams eh hinahanapan pa ng putanginang attendance na yan. Kung sino man ang nagpauso niyan!... Wala lang. Tae ka. Pinahirapan mo ang mga buhay ng mga estudyanteng ayaw pumasok.
Yung WiFi connection sa tapat ng Room 241 (na hindi ko naabutan na pina-aircon na pala. puta) na sulit na sulit ang battery life ko. Na makapag-Twitter lang ako eh uupo ako sa tapat ng office (sa hallway, mind you) para lang makapag-OL. Tapos nakaraan ang ilang buwan at naglagay na sila ng sign na,"Students are not allowed to stay/sit in this area". O di ba? Kabog eh.
Kaya lang, hindi nga tayo naging compatible. Nakakahinayang. Lalo na yung binili kong white shoes at pinatahi kong uniform na isang sem ko lang pala magagamit. Pero ganun talaga eh. May mga bagay na kahit anong gusto at pilit natin, hindi dapat. Hindi natin pwedeng makuha dahil may mga bagay na baka "mas" bagay at mas para sa atin talaga.