11.28.2012

Overfatigue

Di ko alam kung pagod lang ako, o madami lang iniisip. Pero hindi ko alam. Isang linggo na nasa ospital si Nanay. Ang daming mga kailangan gawin. Mga klaseng na-miss. Bantay sa ospital. Isang linggong puyat. Hindi ko alam.
Hindi ko alam, kanina nung hinatid ko si Jorenn sa exit ng E.R. sa Good Sam hindi ko alam kung bakit naiyak na lang ako bigla. Buti may banyo sa tapat ng cr, tapos para kong tangang humahagulgol dun. Tapos naalala kong dun nga pala ako umiiyak nung dinala sa E.R. si Daddy kaya lumabas ako kasi lalo ako iiyak. Buti na lang sarado na yung totoong exit, at walang tao malapit sa mga bench. Para kong tangang gumagawa ng music video don. Wala, hindi ko alam. Iyak lang ako ng iyak. Wala namang dahilan. Magaling naman na si Nanay. Malakas naman na. Pero hindi ko alam. Ewan ko.
Siguro kasi nasa Good Sam lang ako at may hindi magandang vibes sakin yon. Siguro na-mi miss ko lang si Daddy. Siguro naaalala ko lang sila Ate Alea, sila Aira, Kyla, Tita at Ninong. Siguro kasi iniisip ko lang na mag-lu Lunes na naman at tatlong beses ko ng di napapasukan si Ma'am RB. Siguro kasi ang dami kong bibilin na libro at di ko alam kung panong tipid sa baon ko para makaipon. Wala naman na ko ma-solicit-an dahil nakahingi na ko sa mga hihing-an ko.
Siguro pagod lang ako. Kasi parang walang nakaka-appreciate ng mga ginagawa ko. Hindi ko alam. Siguro rin kasi magkakaron na ko (ng mens) at PMS lang  to. Pero ang totoo, hindi ko talaga alam.

11.18.2012

Mung-gago. =))


I smile and act like nothing's wrong. It's called putting shit aside and being strong.


Ang sakit na ng mata ko kakaiyak. Feeling ko aping-api na ko  kahit ang babaw lang naman ng dahilan. Kaya lang di ko lang kasi mapigilan. Bakit kasi may mga taong ganon. Di maka intindi. Di pa kasi nila nararanasan mangutang ng pera para lang may pang-baon sa eskwela. Di pa kasi nila nararanasan mag-aral ng mabuti para lang mabawasan ang tuition fee mo. Di pa kasi nila nararanasan mawalan ng magulang at umasa sa iba para lang mabuhay ka.
Ang unfair-unfair ng buhay. Gustuhin mo man lumaban wala ka namang magawa. Ayaw mo man masaktan at umiyak, di mo naman magawa kasi tao ka lang din naman.
Maghapon ata akong iyak ng iyak. Hahahahaha. Nagsasawa na nga ako eh. =)) Kaya lang pag naaalala ko nalulungkot talaga ako, tapos pag nalungkot ako maiiyak na naman ako.
Tulad ngayon, para kong tanga na umiiyak tapos pinipigilan ko humikbi kasi natutulog na si Mommy =)))) Kaya lang pag pinipigilan ko kinakapos naman ako ng hininga kaya lalong umiingay yung pag iyak ko =))))
Heh. Bahala na nga. Ewan ko kung papasok ako bukas. Hindi muna siguro. Ayoko makita yung teacher ko. Baka maiyak ako agad-agad eh. HAHAHA =)))

Rant, again.

Yung teacher ko gusto daw ng excuse letter dahil hindi kami nakapasok nung November 5. Tanginuuh. Enrolling teacher siya  tapos di niya alam na yung week na yun ay devoted pa sa enrollment? Walang konsiderasyon. Kung sana napupulot lang ang pera edi sana unang araw pa lang ng enrollment nag-enroll na ko. Kaya lang wala talaga eh. Walang isip.
Gusto ko nga ilagay sa excuse letter ko,"Wala po kaming perang pang-enroll. Sorry po." Di ba. Magulang din naman siya di ba. Nagpapaaral din siya. Bakit di niya maintindihan yung fact na hindi lahat ng tao nakakapag-magic ng pera.
Tapos may bibilin pa kaming workbook. Dalawa. Tig-350 isa. Tapos mas makapal pa yung isang pad ng yellow paper. Di ba pwedeng sa PAPEL na lang mag-activity at seatwork? Sana kung sa private kami nag-aaral, kaya lang hindi eh. Kaya nga nag-aaral sa public kasi walang pera. WALA KAMING PERA.
Naiintindihan ba nila yon? Nagbibigay ba sila ng konsiderasyon? HINDI. Isang malaking HINDI. Wala. Wala man lang.
Tangina niyong lahat. Mga walang puso. Putangina. Nakakatamad mag-aral pag ganyan! Punyeta.

Faith in humanity, restored.

LINK.
Naiyak talaga ako nung napanuod ko `to.

Still You hear me when I'm calling, Lord You catch me when I'm falling.


Tinatabangan

Nakakatamad mag-aral pag ganito. Nakakawala ng gana. Mga teacher na walang konsiderasyon, mga matatalinong binibigyan ng mababang grade, mga favorite na binibigyan ng mas mataas na grade, at marami pang iba. Nakakatamad. Nakakainis.
Okay sana kung nabibigyan ng kahit kaunting konsiderasyon yung pagsisipag mo eh, kaya lang hindi eh. Wala. Wala man lang. 1 out of 7 lang ang may konsiderasyon.
Nakakalungkot lang kasi na yung mga taong mas magaling ka, mas mataas pa nakukuha sa'yo. Pano ka sisipagin di ba?
Wala na. Ayoko na ata. Sarap bumalik sa pabanjing-banjing na buhay nung high school na ang motto ay "Makapasa lang". Sarap na `wag na lang magsipag. Sarap na `wag na lang mag-aral.
Walang kwenta.

Superkape's First Big Blog Giveaway!

I really don't know about Superkape's giveaway but last night on Twitter, Miss Kathleen herself asked me to join! I thought it was very nice of her to go all the way and tweet people, so I told her I'll join and will also plug it here on my blog so you can also have the chance of winning awesome prizes!
So if you are reading this blog post, you're in for a great treat! The prizes are awesome for Christmas! So what are they?

CHRISTMAS GIFT SET A (1st lucky reader)
  •     Scribe Writing Essentials Gift certificate (GC) worth P500
  •     Nail Spa Lounge by Ellabell GC (Duchess Basic Manicure and Pedicure)
  •     Get Lashed! The Eyelash Extension Salon and Beauty Center GC worth P500
  •     Bikram Yoga Greenhills GC (good for two sessions)
  •     Maris Unique Pieces feather earrings
  •     Maris Unique Pieces ear cap cookie
  •     Duty Free sporty watch
  •     Leg Love by City Lady (I love hue series)
  •     Sole Doctor foot care gel cushions
CHRISTMAS GIFT SET B (2nd lucky reader)
  •     Jenny Pea’s The Fragrance Library (An impression of Princess by Vera Wang)
  •     Nivea Visage sparkling white acne oil control
  •     Nivea Angel star body soft souffle
  •     Tony Moly clear lip & eye make-up remover
  •     Bath & Body Works Sea island cotton body lotion
  •     PocketBac vampire blood plum anti-bacterial hand gel
  •     The Body Shop Amorito Eau de Toilette
  •     The Flower House sugarplum Parisienne rose body lotion
CHRISTMAS GIFT SET C (3rd lucky reader)
  •     Etude House aloe moist full skin care kit
  •     Etude House Pomegranate natural mask
  •     Johnson’s body care lasting moisture body wash with soft puff
  •     Tony Moly cotton pads
  •     Missha Fruits mix sheet mask berry juice
  •     Bynature Kiss lip balm
Told you they're all great! Of course, in order for you to win you need to follow some steps and you can find them all HERE!!!
Remember, click this LINK!!! Good luck to all of us!

11.15.2012

Ma-swerte pa din ako

Kanina, nag-lakad kami ni Mommy papuntang palengke para bumili ng beach walk ke Aling Mameng. Nung nakabili na kami, pupunta naman kami sa loob ng palengke para bumili ng alamang at kalamansi. Nung nakabili na kami, pumunta naman kami sa Moderno para bumili ng suka at patis. Tapos naglakad na kami papuntang Burgos para bumili ng lechon manok.
Nung nakabili na kami, inaya ko si Mommy sa Pandayan para bumili ng poster ni Santa Claus dahil yung inaanak ko ay sobrang love na love si Santa Claus. Para pag-uwi nila sa December, hindi na ko matatakot na mabasag niya yung cross-stitch ni Mommy na Santa (haha).
Tapos pina-baggage namin yung mga dala namin. Nakakita na kami ng poster at binili. Php50 yung nakalagay. Hinayang na hinayang nga kami ni Mommy dahil baka sa bangketa, bente pesos lang yon. Tapos nung nasa counter na, 50% sale pala kaya naging Php25 na lang. Pero hindi yan ang sinasabi kong ma-swerte ako dahil magsisimula pa lang ang kwento.
Nung nakabili na kami, kukunin na namin yung mga dala namin sa baggage counter. Yung guard na naka-bantay, kinausap si Mommy.
Guard: Ma'am, isang buo po ba yang lechon manok na ipapa-ulam niyo sa mga anak niyo?
Mommy: Hehehe. Oo. (Si Mommy, imagine-in niyo na na parang ako, kinakausap na parang friends ang mga strangers kaya nakangiti siya diyan)
Guard: Ma'am, magkano po ba yung isang buo na manok?
Mommy: 180 pesos.
Guard: Kasama na po ba yung sauce dun?
Mommy: Oo naman.
Nakalimutan ko na kung pano nagtapos yung pag-uusap nila. Sumakay na kami sa tricycle, at pag-uwi namin hindi muna kami nagsasalita. Pareho kami ng iniisip ni Mommy. Aaminin namin, naawa talaga kami sa security guard.
Tangina. Di ba? Hindi ko nilalang-lang yung 180 pesos, pero isipin mo naman na yung isang taong nagta-trabaho maghapon, nakatayo maghapon, inuutusan maghapon, hindi man lang makabili ng pagkaen na gusto nila sa araw ng mga  sweldo nila na kung tutuusin ay regalo na nila sa mga sarili nila. Tangina. Ang swerte ko pa din. Na binibigyan ako ng pera pang-pasok sa araw-araw at kung pag-iipunan ko, makakabili na ko ng halagang 180 pesos.
Actually, madaming patutunguhan ang post ko na ito. Pero eto na lang muna.
Hirap na hirap akong kainin yung ulam namin dahil iniisip ko siya. Naiiyak na nga ako kanina, pinipigilan ko lang kasi may bisita kami. Pero, hindi ko talaga malaman yung nararamdaman ko.
Paulit-ulit ko na lang iniisip kanina na kung mayaman lang talaga ako, binigay ko na lang sa kanya yung lechon manok. Kung mayaman lang ako, hindi ako magdadalawang isip na bigyan ang mga taong DESERVING na makakaen na masarap.
Tangina naiiyak na naman ako.
Oo, madalas kami kapusin at madalas akong walang baon, pero ang swerte ko pa din dahil paminsan-minsan nakaka-kaen kami ng masarap na ulam.
So many people take things for granted not knowing that other people are dying, wishing, and are willing to sacrifice anything just to live the life that they are living.
Hindi niyo ma-aalis sakin na gustong gusto kong murahin lahat ng taong may kakayahan bumili ng gusto nila, pero nakukuha pang mag-reklamo. Hindi niyo ma-aalis sakin na gustong gusto kong sampalin yung mga tao sa gobyerno na ginagamit ang pera na dapat ay sa taong bayan. Hindi niyo ma-aalis sakin na gustong gusto kong magalit sa mga taong hindi marunong magpasalamat sa Diyos sa kung anong meron sila, dahil sa kabila ng pagsisipag at paghihirap ng ibang tao at nagta-trabaho ng marangal, hindi pa rin nila makuha yung mga gusto nila. Madalas hinihiling ko, sana pantay-pantay na lang ang mga tao. Sana lahat tayo masaya at lahat tayo walang problema sa mundo.
Ma-swerte ka pa din. Dahil hindi mo kailangan tumayo maghapon para kumita ng  pera. Na nakakapag-computer at internet ka ng hindi mo pinaghihirapan ang pambayad. Ma-swerte ka pa din na nakakapag-aral ka sa paaralan, pang-publiko man o pribado. Ma-swerte pa din tayo.
Matuto tayong mag-pasalamat. NAPAKA-DAMING TAO ang ibibigay ang lahat-lahat, mapunta lang sa posisyon na kinaluluklukan mo ngayon.

11.13.2012

Bakit ka gumigising sa umaga?

Naisip ko lang kanina, bakit nga ba nagbago ang pananaw ko sa mundo? Dati naman, ang motto ko sa buhay "Hindi grades ang sukatan ng talino" at ang laging sinasabi ni Kuya na "overrated" ang pagiging matalino. Pero bakit ngayon, gusto ko na ng mataas na grades at bakit nagsisipag na ako?
Hindi ko alam. Siguro kasi yan yung paraan ko para maipakita ko na gusto ko naman suklian yung mga paghihirap ng mga taong tumulong/tumutulong sakin para makapagtapos ako ng pag-aaral. Unang-una si Lord, si Daddy, pati na rin si Mommy, si Kuya, si Mama, si Ninang, pati nga Daddy ni Jorenn eh. Gusto ko naman sila bigyan ng kahit konting kasiyahan sa mga binibigay nila sakin. Hindi ko man masuklian yung financial (pwera Daddy ni  Jorenn haha) at iba pang tulong na naibigay nila, at least naipakita kong pinapahalagan ko yung mga paghihirap nila at gusto kong makita nila na hindi nasasayang at masasayang ang mga binibigay nila.
Yun ang inspirasyon ko ngayon. Sabi nga sa commercial ng Nescafe, ang dahilan kung bakit ako gumigising sa umaga. Ikaw, bakit ka gumigising sa umaga?

11.12.2012

Google Nexus 7 Tablet Giveaway!


Who doesn't want a free Google Nexus 7 Tablet? Well, I know we all do! And we're all give the chance by Digitizd! Yep, you heard it right, Digitizd - a tech blog, is giving away THE Google Nexus 7 on their site! What are you waiting for? All you have to do is click the photo above or this link LINK!!! to find the post and join the RaffleCopter. Earning points is so easy so click any of these links and join NOW! GO!

This is your chance to win an iPad Mini!

Designrshub is giving an iPad Mini on their blog! What are you  waiting for? Joining is just a breeze and you can easily earn points just by following them on Twitter and many more! How to do it?
You can find the giveaway post here: LINK! or you can click the iPad Mini giveaway banner on my right sidebar. After that, you can see that there is a RaffleCopter where you can finally earn points for yourself.
Thank you DESIGNRSHUB, COALESCEIDEAS, KNOWYOURTUNE, and 101FACETS!

This giveaway is brought to you by Designrshub, Web and Graphic Design Resources, Home Budget Tips, Places and Spaces and Online Tech Magazine.

11.10.2012

Lamarang + inom + roadtrip + puyat + allergy = Isang malaking HO

Hahaha. Tangeeena. Hindi na ko iinom uleeeet. Pinagtatawanan ako kagabi kasi namumula daw ako. Eh ganon nga pag-nainom, tapos pusit pa pulutan edi ayon pinatungan pa ng allergy.
Ang bilis ng karma. Gang ngayon sakit ng bungo ko at gang ngayon ang kati pa din ng katawan ko.

Magulong isipan

Parang ayoko na. Parang ayoko na ata ng kurso ko. Nakuha ko na yung gusto ko, magandang grades at yung scholarship ko. Masaya ako at nagpapasalamat ako kay Lord, pero parang ayoko na ata ituloy yung course ko. Yung nangyari sakin nung isang taon, nung second sem ko sa Bio nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam.
Siguro dahil sa mga na-encounter kong teachers last semester at ayoko na ulit maka-encounter ng ganon. Tulad kahapon, nakita ko yung dalawa kong teacher na galit samin ni Jorenn. I tried to be cordial, binati ko pa din sila at kahit sigurado akong narinig nila ako, hindi pa din nila ako pinansin. Tapos nung nakita ng isa kong teacher na kasama ko si Mama (na kilala pala ng ate niya), nagulat siya at di siya makatingin ng diretso sakin. Hindi ko alam.
Hindi ko rin alam na baka dahil iba na yung block ko this semester. Bagong pakikisama. Tapos wala akong kakilala. Ang dami pumapasok sa isip ko. Tulad ng baka advance na yung alam nila. Na mas pabor na sila ng iba naming teachers dahil naging teacher na nila yung mga yun last sem, tapos ako lang ang hindi kilala. Na baka di ko kaya makipag-sabayan.
Ang dami. Pero most of all ayoko sa mga teachers. Sobra. Lalo na sa department ko. Na sobrang feel nilang magagaling sila. Na sobrang pa-importante. Magagaling naman ang teachers at professors sa LHS, Engineering, at CLSU, pero bakit hindi ganyan kapa-importante? Bakit kung sino pa yung hindi magagaling bakit sila pa yung mga ganon?
Siguro kaya lang tinatabangan ako pumasok dahil sa mga dahilan. Hindi ko rin alam kung bakit nagka-ganon. Lalo na, na yung dalawa kong teacher na yun eh ka-close naman namin ni Jorenn nung una at favorite kami, pero ngayon galit samin.
Aaah. Tinatabangan na talaga ako mag-aral. Hindi ako nanghihinayang na magkaiba kami ng section ngayon ni Jorenn dahil pwede pa naman ulitin ulit yun next sem. Pero nanghihinayang ako sa mga pwede mangyari tulad ng mga grade na below 2.0 this semester at pag nangyari yon, kahit anong kembot ang gawin ko at kahit 1.25 pataas pa ang average ko sa mga susunod na years, hindi na ako makakakuha ng honors.
Ang hirap ng hindi mo alam yung future. Ang hirap hirap hirap. Gusto ko nang i-fast forward yung panahon. Mag-trabaho. Kumita ng pera. Kasakit sa ulo. Nakaaiyak.
Lord, gagawin ko naman po lahat ng makakaya ko. Kung kailan ko mag-aral ng mabuti at lubayan ang mga bisyo (internet), gagawin ko makuha at maabot ko lang yung pangarap ko. Sana po gabayan niyo ko. Sana po bigyan niyo ako ng sign. Sana po gabayan niyo ko para maabot ko sila at makaya ko to.
Sana makaya ko to.

11.08.2012

October 22, 2012

Release ng grades today at talaga naman pong yung kaba ko eh sukdulang hanggang lalamunan ko. Yung feeling na natatae ka pero hindi naman? Tae eh. Hahahahaha. Nung nagpunta kami sa school ng 8am ni Jorenn, hindi pa pala release ng grades. Mga 1pm pa daw dahil sa SCUFAR chuchu at yung mga teachers ay nasa Sumacab campus. At dahil napaka-aga pa, nag-decide kami ni Jorenn na mag-punta na lang sa Pacific para matuloy ang aming date na ilang buwan na naming pina-plano.
At after 3 months, nakapunta din sa Pacific! Hahahaha. =)) Our actual plan is to finish getting our grades tapos chaka kami pupunta sa Pacific, pero dahil nga 1pm pa, inuna na namin mag-date. XD
Nanuod kami ng This Guy's In Love With U Mare... No comment. HAHAHAHAHA! Dejoke lang. Maganda naman siya... maganda naman si Toni... mediyo nakakatawa naman si Vice... wala akong comment kay Luis. Nyahahaha =))) Ang corny pa nung  mga bakla! Ok, tama na. =)))))
Tinry din namin yung Chao Dao chorba na milk tea pero di masarap! Ekkk. Ang mahal pa. -,-" We also tried KFC's mac & cheese! Sorop. *u* And mango cheesecake!
After nun, babalik na sana kami sa school. And nakita ang ilang grades namin.

Welcome November!

Sorry for the lack of posts, I've been submerged in school duties for the last 2 weeks or so that I haven't had the time to share anything. But of course, before I share the recent happenings in my life, let's have a rundown first of the events that happened in October!
  • Of course, our final exams happened. Haha.
  • Finished my Goodreads challenge! Yayyy~
  • Got good grades in almost all of my subjects which I am very thankful.
  • Spent two weeks with AJ at Cecilia!
  • Dad's first death anniversary.
  • Won in Taragis.com's raffle!
My memory is not good (what's new) so I can't really recall everything but I think that's all. And now for November!
  • Undas at Eternal Gardens.
  • Got my academic scholarship which I've been wishing for for the last 6 months! Can't thank God enough for all the blessings!
  • Got enrolled (finally) last November 5!
  • Transferred to a different block.
As of now, I'm in the state of adjusting myself to certain changes including the fact that Jorenn and I parted ways this semester. It's hard, but too much dependency on your partner can ruin a relationship so I hope that I made the right choice.
I want to thank the Lord for giving me all of these things, the blessings. I am very grateful and I will forever be. Kahit kapos, sasapat na yan basta kasama si Lord.

11.04.2012

To-do things this week:


  • Mag-enroll
  • Makapag-pa scholar
  • Makapag-enroll ng vocational para may part time class ako sa hapon
  • Maayos ang mga dapat maayos
  • Makabili ng running shoes
  • Makapag-ipon para dun sa shoes na gusto ko