10.31.2012

Crossing-out my birthday wishlist. ☺

I-co cross out ko na lahat ng natanggap ko! Yayyyyy! :-bd
  1. Time-Turner, Deathly Hallows, vintage camera, mustache, or dream catcher necklace. :") Hindi ko man nabili (dahil naunahan ako) yung dream catcher necklace ng Pink Tequila, nakabili naman ako ng feather necklace na mediyo kahawig ng dream catcher sa Mauve. Thank you!
  2. Shoes, shoes, and more shoes. Hahaha! Thank you Jorenn! Ikaw ang pinaka-best na boyfriend!
  3. Manalo sa July 30. Please. Pakiusap. Utang ng loob. Wish me luuuuuuuuuuck. (Thank you po Lord. Haha!) Hindi ako nanalo. Huuu~ BUT I WON TODAY! YAY! THANK YOU TARAGIS.COM!
  4. Portable DVD. Ayoko na ng laptop. Malabo mangyari eh. Eh eto mas madaling maabot. Harhar. Eto na nga yung sinasabi ko, wag tayong mag-e expect para hindi tayo ma-disappoint. Pero sa case ko, hindi ako nag-expect pero nakuha ko yung isang bagay na gustong gusto ko! Hindi  man ako nakakuha ng portable DVD player, binigyan naman ako ng laptop! Thank you Papa and Mama! Thank you Lord!
  5. Bagong libro. Kahit anong libro. As in KAHIT ANO. Thank you Tots!
  6. 2013 planner. At ayon sa Witty Will Save the World, Co. meron na silang ilalabas sa 2013 na planner! Magdiwang tayo! Tara bili Dags! :-bd On the way na! Konting kembot na lang.
  7. Walletttt. Alam niyo ba kung ano ang wallet ko ngayon? Supot. As in SUPOT. S-u-p-o-t. Ng Mercury Drug. Yung pinaka-maliit. Langya na yan. Hahaha.
  8. Cosmetics. Pangpa-landi. HAHAHAHAHAHA. Ang pagda-dalaga. 18 na eh.
  9. Gusto ko sana ng bagong phone. Yung phone na mumurahin lang pero Java compatible. Pangbasa lang ng e-books. Kaya lang wala akong makita na less than Php 2,000! Huuu. THANK YOU LORD! THANK YOU TARAGIS.COM! THANK YOU DTC MOBILE!!!
  10. Damit. Gusto ko ng bagong damit. Eto pa ang isa, I only requested for one but I got three! Thank you Ate Alea!
  11. Ayoko ng pumayat. Masaya na ko sa katawan ko kahit mataba. Kaya pagkaen at hindi "pumayat" ang wish ko sa birthday ko. Donations! Life is short people! Basta lagi akong busog sa araw-araw, maraming salamat po!
  12. Matupad naman sana ang "goals" ko for this year.
  13. Mataas na grades. Nagsisikap akong mabuti. As in. Kaya utang ng loob, ayokong makatanggap ng putanginang tres. Hindi ko matatanggap hayop (Hindi ako maka-get over sa gade ko sa Trigo nung last sem. Putanginang tres ang binigay sakin ni Gatchi leche hayop)
  14. Dahil naayos ko na ang buhay ko, isa sa mga hiling ko sa birthday ko na sana magtuloy-tuloy na `to. Ang sarap ng alam mong wala ka ng atraso sa mundo. World Peace!
  15. Gusto ko sana makita ang Parokya ni Edgar ngayong taon kaya lang... walang pagkakataon. Huuu. Kung sakali na lang. Kung sakaling magka-chance, makanuod sana ako.
  16. Alam mo ba yung pakiramdam na meron kang mga gustong mangyari sa isip mo na gusto mong magka-totoo kasi ang saya lang kapag natupad yon? Yon. Sana yung mga iniisip ko na mangyari eh magkatotoo. Basta! Haha. NATUPAD NGA YUNG LAPTOP! :")
  17. Eh alam mo naman yung pakiramdam na sana hindi magkatotoo yung mga nasa isip mo na ayaw mo mangyari? Hahahaha. Yon!
  18. Pero gusto ko talaga ng bagong sapatos sa birthday ko... Yes! Punchdrunk Panda shoes. Kick Flicks designed by the awesome duo Saab Magalona and JP Cuison!
Maraming salamat po Lord at sa lahat ng nagpa-abot ng regalo! Mahal na mahal ko kayo!

I fucking won: Naniniwala na po ako sa raffles ngayon!



God hears our prayers, that's a fact. Kasi eto talaga yung gusto ko eh. Hihihi. Thank you so much po Bro! Thank you Taragis.com! Thank you DTC mobile! Happy Halloween! :-bd

10.30.2012

1st sem grades.


Di ako umabot sa full academic scholarship. Di ko din naabot yung isa sa mga bucketlist ko ngayong taon eh. Wala, wala tayong magagawa. Yung ine-expect kong mataas ako (na tatlong subject), yun pa yung nagbigay sakin ng mababang grade. Ako kasi alam ko sa sarili kong hindi ko tanggap ang dos, lalo na pag binigay ko yung best ko at whole effort ko para makakuha man lang ng 1.5. Tapos dos pa? Wala. Actually nakaraos na kong magalit dito. Naka-move on na ko. Kaya lang, hindi ko lang kasi mapigilang sumama ang loob, lalo na sa isang major ko. To think na kami ni Jorenn ang best niyang estudyante, tapos yun pa ibibigay niyang grades sakin. Pati na din sa isang minor ko. To think na nagturo pa siya sa LHS at siya na rin ang nagsabi sakin na 98 ako nung midterm. What more sa finals di ba?
Nakakasama lang kasi ng loob. At nakakadala. Para kasing pinagtulungan ako. Ayos lang sana kung hindi naman ako nakakakuha ng matataas at hindi ako nakakasagot eh, kaya lang. Ano ba naman yan.
Kung sino pa yung mga marunong mag-program, sila pa yung mababa sa Programming. Kung sino lang yung nakakasagot sa English, 1.75 pa yung highest.
Hindi ko kasi tanggap. Ang unfair lang kasi. Sa isang estudyanteng binigay niya yung best niya at sa estudyanteng alam niya sa sarili niyang mataas ang makukuha niya, masakit lang kasi.
Kung gusto niyong respetuhin kayo ng mga estudyante, sana matuto din kayong rumespeto sa amin. Masakit po. Sobra.  Hindi ko po tanggap ang mga grades na'to, pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala na. Naka-encode na at pinadala na sa CHED ang records ko.
Pag-palain po sana kayo ni Lord. Sawa na po ako umiyak. Sana po, makunsensya kayo at sana po gabayan kayo ni Lord. God bless po. Good luck. Salamat po sa isang sem na nakasama ko kayo.

1 out of 3 lang po Lord. Please po. Hihi. ❤✌


2nd sem schedule.


Ang sarap mag-aral pag-ganyan sched mo. Hahahaha! Thank you Jorenn and sa Daddy ni Jorenn! Thank you din po Lord sa magandang schedule! Sana po mabait ang mga blockmates at prof ko this semester. O:-D

10.27.2012

Nakakahilo

Yung tipong may gusto kang bagay na gustong gusto mo talaga na sobrang gusto mong umasa na sana makuha mo na yun at sobrang "tiwala lang" ka tapos yung binubuhos mo na talaga lahat ng willpower mo at lahat ng faith mo andun na pero hindi mo pa din magawa kasi kapag ginawa mo yun, kapag binigay mo lahat ng pwede mong i-asa, tapos hindi mo naman nakuha sobra sobrang nakaka disappoint di ba? Yung tipong hindi mo alam kung saan ka lulugar kasi masakit pag hindi mo nakuha, pero gusto mo pa ding umasa kasi nga gustong gusto mo yun.
Am I making sense? Sobrang nakakahilo. Sobrang nakakalito. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Ayaw kong ma-disappoint kaya ayokong mag-expect ng sobra, pero gusto ko mag-expect ng sobra at ibigay lahat lahat ng tiwala, fait, at lahat lahat na kasi gusto ko talaga makuha yon.
Nakaka-asdfghjkl ng sobra. Laslas hikbi singhot putangina

10.23.2012

A lot can happen in a year

Last October 2011, sa CLSU pa ako nag-aaral. Kumukuha ng kursong BS Biology. Noong isang taon, hindi pa iba yung bahay namin. Noong isang taon, nandito pa sila Aira, Kyla at Ate Alea. Noong isang taon hindi ako masyadong ganado mag-aral. Noong isang taon, nandito ka pa.
Isang taon na ang nakakalipas. Nasa NEUST na ngayon ako nag-aaral at kumukuha ng kursong BSIT. Nakapag-pagawa na ngayon kami ng maliit man, sarili naman naming bahay. Ngayon, nasa Canada sila Aira, Kyla, at Ate. Ngayon, konting kembot na lang at baka ma-Dean's List ako. Ngayon, wala ka na.
Isang taon ka nang wala. Syempre masakit pa din dahil alam kong hindi ka na babalik. Mag-iisang taon nang iba ang buhay namin. Maraming nang nag-iba, marami na ding nagbago. Siguro nga hindi ako masasanay na wala ka kasi hanggang ngayon hinahanap pa din kita. Siguro nga hindi ako makaka-move on kasi hanggang ngayon nalulungkot pa din ako na hindi ka na babalik. Siguro nga hindi magbabgo yung pagmamahal ko sayo.
Sa isang taon mong pagkawala dito sa mundo, isa lang naman ang hiling ko: na sana maayos ka diyan sa kinalalagyan mo.
Dad, sorry kung hindi ko naibigay agad yung buhay na gusto mo. Sorry kung hindi ko agad pinagbuti ang pag-aaral ko at hindi mo na makikita ang achievements ko. Sorry kung hindi ko madalas masabing mahal kita, namin. Sorry kung hindi ko nasabi na sobrang  nagpapasalamat ako dahil ikaw ang naging daddy ko. Sorry dahil umalis ka kaagad.
Pangalawang Pasko na wala ka. Masakit kasi hindi na naman kita makikita. Nakakainis nga kasi totoo pala yung "you cannot choose the memories you want to keep" kasi pag-iniisip ko yung mga Paskong pinag-saluhan natin, hindi ko na masyado maalala. Tanginang memorya to.
Mag-sisimula na naman kami ng bagong taon na wala ka. Nakakamiss yung pag-mu mulihon mo pag Bagong Taon. Na-mimiss ko na nga din sumigaw ng "Daddy may tao!" o kaya ng "Daddy may magpapagawa!". Nakakamiss ma-excite kung malaki ba yung pinapagawa sa'yo. Nakakamiss yung ingay ng welding. Isang taon ko ng hindi naririnig yun. Tangina.
Miss na kita Daddy. Sobra. Hindi ko pa din alam kung papano papatigilin yung luha ko pag iniisip kita. Hindi ko pa din alam kung papano ko pipigilan masaktan pag iniisip kong wala ka na. Hindi ko pa din malubos maisip na hindi mo na makikita yung magiging pamilya namin nila Kuya at Dikong. Na hindi mo na kami makikitang umakyat sa stage para kunin yung mga diploma namin. Ang sakit  sakit pa din.
Biruin mong sa loob ng isang taon nangyari yun. Wala akong pakielam kung para akong tanga kasi isang taon na nakakalipas umiiyak pa din akong parang bata. Wala akong pakielam kung hanggang ngayon hindi pa din ako maka-move on. Wala akong pakielam.
Naalala ko yung sinabi ko kay Kuya Jay last October 26,"Hinihintay ko pa din na may magsabi sakin na panaginip to kasi hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala." Hindi ko alam kung ganun pa din yung case ngayon.
I love you Daddy. Hope you're smiling down on me from Heaven with God. I love you so much it hurts.

10.21.2012

Gameplan (as of 2012)

Every time I come up with ideas/inspirations to write something for my blog, I always tend to forget the things I'm about to write and/or have a temporary mental block. And then my eagerness to post something will immediately go away and as a result, I never get to share what I am supposed to share. And that is very very annoying.
One of the things that I've been trying to come up with is a "my dreams" kind of post where I can share some of my dreams with you. And as I've said, I fail every time I try. Pero sabi nga sa isang sikat na quote,"Try and try until you die". Kaya naman ishe-share ko sa inyo ang aking mga pangarap. Kaya may nakalagay na "2012" kasi sa ngayon pa lang yan. Malay mo sa 2013 iba na pala yung pangarap ko `di ba? Nothing is permanent, eka nga. So let me share my dreams with you, no holds barred!
Eto na sila:
1. Graduate with Latin honors. Naks di ba? Hahahaha! It may sound creepy to you or not, pero have you ever been enlightened? Yung parang "you saw the light" feeling na parang nasa loob ka ng cave na sobrang dilim then suddenly you saw "signs" and something that was shining tapos dumiretso ka, sinunod mo yung path/signs, then nung nakalabas ka na sa kweba yung felt... enlightened.
Ganoon yung nangyari sa akin when I shifted my course to IT. Kaya naman laking pasasalamat ko kay Lord dahil binigyan niya ko ng signs para ma-clear up yung fog sa mind and soul ko. And I'm proud to say that I'm happy. Grateful. Blessed. I am happy with my course and I will do my best to prove that this is the right direction that I'm taking in my life.
2. Ga-graduate ka na lang din ng my honors, de dapat maganda na ang trabahong makuha mo `di ba? Gusto ko ng magandang trabaho. Yung masaya ako. Yung malaki ang sweldo para matupad ko pa yung iba kong pangarap. Yung may kinalaman yung pinag-aralan ko para hindi masayang ang pinag-aralan ko.
3. Syempre, kapag may magandang trabaho na (wait ko-compute-in ko lang kung ilang taon ako nun...) ko sa edad na 22 bibilin ko na ang lahat ng gusto ko.
Coming from a sometimes-adequate-sometimes-not family, even a a single peso matters. Nung bata ako naranasan ko na na konti lang ang handa namin nung Pasko. Naranasan ko na na hindi makabili ng bagong damit para sa Pasko, and being a child back then, magkakaron ka ng ibang outlook sa buhay. Na hindi pala lahat ng tao kaya bumili ng mga gusto nila no matter what the special occasion is. Hindi ako nasaktan nung mga panahon na yon, hindi ako nainis, hindi ako nagalit sa mga magulang ko. Instead, I turned my disappointment into a lesson and an inspiration to pursue a better life for me and my family's future. Tumatak na sa isipan ko na, someday mabibigyan ko din ng magandang buhay ang mga magulang ko (tae naiiyak na ko, naaalala ko kasi yung Daddy ko), na hindi na kailangan magtrabaho ng mabigat ng Daddy ko (shit) na balang araw hindi na siya mahihirapan. It still pains me every time I think about him, that he'll never get a chance to have a luxurious life that I intend to give to him, even if I need to work extra hard every day. Siguro yun po yung masakit. Yun na lang yung masakit na part sa pagka-wala niya. Na hindi ko siya nabigyan ng magandang buhay kapalit ng pagmamahal at pagsisikap niya para maitaguyod kaming pamilya niya....
Ok! Tama na. Umiiyak na ko. Hehehehehe. Balik na tayo ulit sa mga gusto kong bilin kapag may trabaho na ko.
  • Siguro po sa unang sweldo ko, bibili ako ng DSLR. Hindi pa kasi uso yung SLR, gusto ko na maging photographer. Mga elementary siguro ako. At chaka nung bata ako, hindi ko pa alam na mahal ang camera. Pati nga pag-aaral hindi ko alam na mahal pala eh. Hahahaha. So yun. Gusto ko talaga matuto mag-photograph. Talaga lang. Hindi dahil uso. Wag niyo kong itulad sa mga nakikiuso. PLEZZ LANG.
  • Bahay. Siguro nai-kwento ko na sa inyo, pero yung bahay po namin nun eh sira-sira talaga yung kisame. Isa sa mga dahilan kung bakit ayoko ng ulan (sinasanay ko pa yung sarili ko na huwag matakot sa ulan/bagyo) dahil tumutulo yung bahay namin. Simula nung nagkaisip ako, tumutulo na yun. Kaya lagi akong mag-pe pray kapag bumabagyo nung bata ako na sana yung bubong namin `wag tangayin ng hangin, tapos sana hindi na lang umulan kasi kailangan na naman magsahod ni Mommy. Yung mga ganon. Kaya nung bata ako, sinabi ko na din sa sarili ko na balang araw, bibili ako ng bahay. Tig-isa kami nila Mommy/Daddy. Ngayon, iniisip ko kung pag-iipunan ko ang bumili ng bahay (naks akala mong may trabaho na eh hahaha) bago mag-asawa o after na. Hindi ko pa alam.
4. Pinag-iisipan ko pa kung gusto ko ng grand wedding eh. Eh kasi once in a lifetime nga lang naman yon. Kaya lang sa hirap ng buhay ngayon, mga mayayaman na lang talaga ang nag-di dream wedding. Kung iisipin mo kasi, pwede ng pambili ng bahay yung magagastos mo dun. Di ba. =)) Pero pinag-iisipan ko pa. Syempre kapag gusto mo ng dream wedding, mag-sisikap kang mabuti pag nag-ta trabaho ka na para makapag-ipon ka! :))
5. Isa sa mga goals ko sa buhay ang magpa-payat. Nakapanuod na ba kayo ng video ng matatabang tao tapos kapag hinati yung katawan nila yung puso nila nakabalot sa sebo/taba/mantika/kung ano man yon? Pag napanuod niyo yun tiyak kong gugustuhin niyo talagang magpa-payat. Promise. Marami pa kong gustong gawin sa buhay kapag natupad ko ang mga priorities kong `to. Kaya kailangan maging healthy tayo at magtagal sa earth.
Eto kasi yung gameplan ng buhay ko:
Oh diba ang landi lang? Ganyan ako mangarap at mag-isip sa future! Hahahaha! =))) Pero of course, ngayong 2012 lang yan kasi baka may mga dumating na opportunities/obstacles in the future at mabago ang takbo ng buhay.
Dapat i-e explain ko pa isa-isa yan kaya lang napansin kong ang haba na pala ng post ko. Hahahaha =)))) Yon! Gusto ko lang kasi mag-share. Maka-inspire. Hehehehe. Sana na-inspire kayo at let's do our best para matupad ang mga pangarap natin! Apir!

Bold what applies to you

    I’m loud.
    I’m sarcastic.
    I cry easily.
    I have a bad temper.
    I’m easy to get along with.

    I have more enemies than friends. <-- SIGURO? Hahahahaha!
    I drink coffee.
    I clean my room daily.

My appearance:

    I wear makeup.
    I wear a piece of jewelry at all times.
    I wear contacts.
    I wear glasses.
    I have/had braces.
    I change my hair color often.
    I have a piercing.
    I have small feet.
    I am ugly.
    I am too skinny.

Relationships:

    I’m in a relationship now.
    I’m single.
    I’m crushin’.
    I’ve missed an ex before.
    I’m always scared of being hurt.
    I’ve told someone I loved them when I didn’t.
    I’ve told someone I didn’t love them when I did.
    I’ve been in love more than two times.
    I believe in love at first sight.
    I’m forever alone.

Friendships:

    I have a best friend.
    I have at least ten REAL friends.
    I’ve gotten a phone call in the last 48 hours from a friend.
    I’ve beaten up a friend.
    I’ve been in a serious fight with a friend.
    I can trust at least five people with my life.
    I don’t have one.

Experiences:

    I’ve been on a plane.
    I’ve taken a taxi.
    I’ve taken a city bus.
    I’ve taken a school bus.
    I’ve made a speech.
    I’ve been in some sort of club.
    I’ve spent 24 hours on the computer straight.
    I’ve cut myself.
    I thought of committing suicide.

Music:

    I listen to R&B.
    I listen to pop.

    I listen to techno.
    I listen to rock.
    I’m one of those people who play songs repeatedly until I hate it.
    I download sad and lonely music.
 
   I buy CD’s.

Family Life:

    I get along with both of my parents for the most part.
    I have at least one brother.
 
   I have at least one sister.
    I’ve been kicked out of the house.
    I’ve ran away from my home.
    I’ve sworn at my parents.
    I’ve made my parents cry.
    I’ve lied to my parents.
    I’ve lied to my parents about where I am.
    I’ve lied to my parents about what I’m doing.
    I’ve lied to my parents so I’d be allowed out.
 
   Family means people who accepts who and what you are so mine isn’t.

Hair:

    I’ve been brown.
    I’ve had streaks.
    I’ve cut my hair in the past year.
 
   I’ve dyed my hair in the past year.
    I’ve been blonde.
    I’ve had black.
 
   I’ve been red.
    I’ve been light brown.
    I use conditioner.
    I’ve curled my hair.
    I’ve straightened my hair.
    I’ve unmanageable ugly hair.

10.20.2012

“Dum spiro, spero.”

While I breathe, I hope.

It is never too early to post my Christmas wishlist.

It's the time of year again and with just 2 months left, hindi naman siya talaga "matagal" pa dahil sobrang bilis ng panahon. At dahil diyan, mag-po post na ko ng Christmas wishlist ko! I know you saw that this was coming. Harhar. =))

1. Shoes! Okay. Siguro halata naman na adik ako sa sapatos. Pero mas gusto ko talaga ang sapatos kesa sa damit. At tingnan niyo naman kasi ang mga sapatos na yan. Hanep. Lalo na yung sa dulo :(( Wag mag-alala! Maaga pa at may panahon pa ko para makapag-ipon! Aja! *u*

2. Bags! Hindi ako fan ng messenger/satchel bags pero nito ko lang naisip na ayos din pala  to lalo na kapag may netbook/laptop ka. Hindi hassle mag-bitbit.
3. Books. Pero dahil nasa 2013-to-read-shelf ko ang The Lord of the Rings, pwede na sakin yon. Haha! Kahit second-hand lang. :-" =)) But any book will do. A book is a book no matter what and I'll still love it. ;)
4. This "FREE HUGS" shirt!!!  Isa sa mga bagay na pinaka-gusto ko sa mundo ay ang mga yakap. Sobra. Gustong-gusto kong niyayakap ako ng mga tao (syempre yung mga kakilala ko lang haha). Pero totoo. Gusto ko talaga ng niyayakap. :-D
5. Phone. Mehehe. Gusto ko talaga ng dual-sim na phone. Na may Java. Actually, hindi ako fan ng Android dahil karamihan walang Java, pero narinig ko sa mga sabi-sabi na yung LG daw meron! Hahaha. Pero okay naman yung phone ko ngayon, pero kung bibigyan ng bago why not! =))
6. Witty Will 2013 planner!
7. Umuwi si Kuya at sure na. Para sure. Hehehe.
8. Manalo sa mga sinalihan/sasalihan kong giveaways/contests! Pucha. Di na ko nanalo! =))
9. Maraming-maraming aginaldo! Wahahahahaha.
10. Mabuo ang simbang gabi.
11. Matupad ang 2012 bucket list ko.
12. 1TB External hard drive! Hindi ko rin alam kung saan ko gagamitin yun since hindi naman ako mahilig mag-download ng movies kaya kung may magbibigay sakin... cash na lang. Hahahaha. XD
13. Di ko alam kung magpapa-curls ako at brown hair (I know, ang landi landi ko hahahahaha tae) sa Christmas break... hindi ko pa alam kung gusto ko o ayaw ko. Pag-iisipan ko pa.
14. Read 200 books! as of now, nasa 190 na ko. Sana di ako tamarin at maka-200 ako.
15. Maraming food sa Noche Buena and Misa De Gallo.
16. World Peace!
17. Good grades.
18. Rubik's cube.
19. Gusto ko mag-donate ng blood!
20. Sana hindi pa gunaw ang mundo. Bow.

10.16.2012

Hindi ko kayang sabihin ng harapan

Ayokong isipin mo na kaya lang kita kinakausap dahil kailangan ko ng kausap. Ayokong isipin mo na kailangan lang kita dahil gusto kong ipakita na sa akin ka. Kailangan kita kasi mahal kita.
Ayokong mawala ka at ayokong maagaw ka dahil nasasaktan ako. At masakit ang masaktan. Haha. De seryoso na. Hindi ko kaya. You're one of the best things that came to my life.
Sorry kung minsan wala akong kwenta, minsan kasi ang hirap basahin at hanggang ngayong nahihirapan parin akong basahin ang iniisip mo. Gusto ko maging the best para sa'yo dahil yun ang deserve mo, pero hindi ko alam kung papaano.
Pero gusto ko lang naman malaman mo na kahit anong mangyari, ikaw lang ang naging tapat at naging mabuti sakin ng walang halong alinlangan. Mahal na mahal kita at kung di ko man minsan maiparamdam minsan, sana malaman mo na ganun lang talaga ako pero hindi ibig sabihin na nagbabago na ako sa'yo.
Sana di ko man maibigay yung kasiyahan at pagmamahal na binibigay ng mga tao sa paligid mo, kapag kailangan mo ko sana ako pa din ang isa mga taong una mong pupuntahan.
Love, Tunini.

Grateful

Bago ko makita yung ibang grades (o kung lahat man) bukas, gusto ko nang unahan ang pagkakataon para magpasalamat. Magpasalamat kay Lord sa lahat ng mga ginawa niya para sakin.
Unang una, maraming salamat po dahil nasubukan kong mag-aral ng isang taon (oh sige na nga, 3/4 lang hehe) sa CLSU. Hindi ko man siya nakatuluyan, pero eka nga, first love never dies (naks). Una kong minahal ang BS Bio at maraming maraming maraming salamat po talaga dahil nabigyan ako ng pagkakataon para malaman at masubukan kung ano yung pakiramdam. Siguro kung bibigyan ako ng pagkakataon makapag-aral ulit pagkatapos ng kolehiyo, gusto ko talaga mag-aral ulit ng BS Bio sa CLSU.
Salamat po Lord dahil binigyan niyo ako ng signs na baguhin yung mga plano ko sa buhay at baguhin ang direksyon ko. Hindi naman naging maganda ang unang sign (yun ngang pagkawala ni Daddy), ngayon naiintindihan ko na po. Salamat po kasi hindi niyo ko kami pinabayan at alam ko naman pong hindi niyo din papabayaan si Daddy diyan. Hehehe.
Thank you Lord dahil nalaman ko kung ano pala talaga yung para sakin. Yun nga po yung BSIT. Dito ko po naramdaman mag-excel at dito ko din po nalaman mag-pahalaga sa edukasyon. Dito ko po nalaman na eto yung purpose ko sa buhay, ang magtapos ng kursong IT. Salamat po Lord dahil binigyan niyo ko ng pagkakataon maitama yung, hindi ko sinasabing mali, pero binigyan niyo po ako ng pagkakataon na magbago ang isip ko.
At higit sa lahat, kung ano man po ang kalalabasan ng grades ko bukas, ma-Acad Scholar po ako o hindi, nagpapasalamat pa din po ako Lord sa lakas at talino na binigay niyo sakin ngayon sem. Kung ano man po ang maging resulta bukas (syempre po kung pangit iiyak ako sandali hehe), tatanggapin ko. Basta po gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng binigay niyo sakin.
Maraming maraming salamat po. Hindi ko man maipapangako na kakayanin kong ma-full scholar next sem, ipapangako ko naman po na ibibigay ko yung best ko para ma-full scholar ako next school year. Thank you po Lord. Thank you po talaga. Amen.

10.15.2012

Parokya Ni Edgar

Una akong naging fan ng Parokya noong bata pa ko nung narinig ko yung Halaga. Hindi ko alam kung kailan yon. Tapos kinabisado ko pa yung The Yes Yes Show nung elementary ako. Sila talaga yung naging dahilan kung bakit ako naging adik sa OPM rock. Oo, gusto ko ang Eheads, pero dahil hindi ko na siguro sila naabutang buo, hindi talaga ako maka-Eheads. Hindi ko naman sila kino-compare. Sinasabi ko lang na ang Parokya yung bandang nagbigay sakin ng inspiration para mahilig sa OPM.
Nung naging high school ako, tapos nung nag-punta sila sa NEHS dati at hindi ako nakapunta, sinabi ko talaga sa sarili ko na balang araw mapapanuod ko ding silang lahat ng live.
 Alam niyo ba kung bakit akong naniniwalang OPM is alive? Dahil sa kanila. Dahil may isang bandang dalawang dekada nang nagpapasaya sa mga Pilipino at hindi mabubuwag kahit kailan. "Walang iwanan sa Parokya band, sa Parokya ni Edgar".
Kaya naman nung nag-tweet yung Myx na Vinci called it quits, habang nag-lo load yung article I was like,"Shit. Please let this be a joke. Please hindi totoo." Eh matagal mag-load kaya sa Facebook fan page na ko ng Parokya tumingin at yun... Dun ko na-confirm at dun na ko umiyak.
Mababaw na kung mababaw. Pero... hindi ko din malaman kung bakit pero masakit. Na yung mga pinaniniwalaan mo, hindi rin pala totoo.Pero sabi nga nila Chito,"Walang iwanan sa Parokya. Rakenrol hanggang mamayapa." OPM is alive.
Vinci, mahal na mahal kita, namin. Parokya ni Edgar is not the same without you. Pero we respect your decision to leave the band and to live a normal life. We love you Vinci. Thank you for the 2 decades. Thank you for the crazy antics that made us laugh. Thank you. Maraming maraming salamat Sir Vinci. One love.

10.14.2012

I'm on Wattpad!

Hahahahaha. Ok. Natatawa ako. Hindi ko talaga balak mag-Wattpad, magbasa o gumawa ng mababasa, pero kahapon sobrang boring na boring ako kaya ang resulta: nag-wa Wattpad na ko! HAHAHAHAHA.
In all fairness, nakakalibang naman siya. Sa totoo lang. Nakakatuwa na yung mga scenes na iniisip mo bago matulog ay nai-she share mo sa ibang tao.
At parang awa niyo na! Basahin niyo yung gawa ko. My debut novel (chos hahaha) is titled "Maybe This Time". Bibigyan ko kayo ng pahapyaw kung ano ang kwento. :))
Si Gab at Eric ay magka-klase noon sa grade school. Niligawan ni Eric si Gab pero dahil sa bata pa sila (lakas maka-PBB teens! haha), hindi pumayag si Gab. Pagkatapos ng graduation nila, nagkahiwalay na sila ng daan (lalim haha) at muling magkikita pagkatapos ng sampong taon (ata?) magkikita ulit sila and they will rekindle the flame (chos) pero may girlfriend si Eric kaya ayun, hindi natin alam ang mga susunod na pangyayari. =))
 Parang awa niyo na! Basahin niyo ha? HAHAHAHAHA! Baka eto na ang daan ko patungong stardom! CHOS! =))) LINK!!! LINK!!!LINK!!! MAYBE THIS TIME!!!
Happy sembreak ebribadi!

10.07.2012

Registered!


Excuse my face. Haha! Bayaan niyo na, ngayon lang ulit ako nag-post ng mukha ko dito sa blog. Anyhoo, ang sinasabi kong "registered" na ako ay ang voter registration.
Kahapon nag-punta kami nila Dikong at Abuy sa Comelec para magpa-register. Ang usapan namin ay 7AM, dahil sabi nga ng mga may experience na magpa-rehistro ay "mahaba" daw ang pila. Kami naman ay pumayag dahil ayaw namin pumila...
Pag-punta namin don, mas nauna pa kami sa mga clerk ng Comelec. Hahahaha! 8AM pa pala ang start at kaming tatlo lang ang nandon. Tapos nung mga bandang 7:50AM, nagdatingan nadin sila.
Siguro dahil prepared kami (complete with the ballpens and pamaypays) kaya sila natuwa samin. Todo chika sila samin at si Ateng mataba todo patawa samin. =))
Nung nandun na kami sa Biometrics chuchu, tawanan kami ng tawanan (pati yung mga clerks). Pati yung mga kuyang clerk nakikipag-tawanan samin. Hahahaha.
Tapos after nun dapat mag-ma-mami dapat kami sa pinag-xerox-an namin na "kwatro" isa. Puta. Hahahahaha. Eh wala pa palang mami, kaya nilibre kami ni Abuy sa Jollibee! Yay. Thanks Abuy. =))
Ayun, after nun pumunta muna kami Cecilia tapos umuwi na din. Hahahaha. XD

Anyhoo. Registrations will last up to October 31 only. Register now while you can! :-bd

It is never too late to say something about the Cybercrime Prevention Act of 2012.

In the eyes of a teenager, or an eighteen-year-old to be exact, ano nga ba ang Cybercrime Law? Ano nga ba ang naiintindihan ko at ano nga ba ang pagkaka-unawa ko?
Ang pagkaka-intindi ko, Cybecrime Law seeks to punish "cybercrime offenses" tulad ng child pornography, identity theft, spamming, cybersex, hacking and libel.
Sabi sa Chapter II (Punishable Acts) ng nasabing batas, ang libel daw ang isa sa mga pwedeng maparusahan.
(4) Libel. — The unlawful or prohibited acts of libel as defined in Article 355 of the Revised Penal Code, as amended, committed through a computer system or any other similar means which may be devised in the future.
 Teka teka teka. Parang ang isang dahilan nga na may mga bloggers sa Pilipinas, sa internet, ay para masabi natin, masabi nila, at para maintindihan natin kung ano-ano ang mga mali sa ginagawa ng mga taong nakaupo sa gobyerno natin.
And to think na siningit lang ang "libel" dahil may isang taong hindi matanggap ang pagkakamali niya at kasing taas ng Mt. Everest ang pride at kasing kapal ng Uratex ang mukha. Siningit niya yon dahil hindi niya matanggap na kaya siya binabatikos ay dahil may mga mamamayan na matatalino at nabubunyag ang mga mababahong sikreto niya tulad ng pangongopya niya.
SEC. 12. Real-Time Collection of Traffic Data. — Law enforcement authorities, with due cause, shall be authorized to collect or record by technical or electronic means traffic data in real-time associated with specified communications transmitted by means of a computer system.
Oo, alam ko na na "communication’s origin, destination, route, time, date, size, duration, or type of underlying service, but not content, nor identities" lang ang sakop nito pero tangina di ba? Tinanggalan ka na nga ng karapatan  para ilabas ang mga opinyon mo, tinanggalan ka pa ng privacy.
Wala daw ikakagalit kung walang tinatago, pero ikaw ba, kapag nalaman mong may laging nakatingin sa'yo ng hindi mo alam, hindi ka ba magagalit?
We may not be old enough or not smart enough to understand, pero hindi naman kaming lubusang tanga. Internet is one of the many things Filipinos enjoy. Dito kami masaya. Dito namin nailalabas lahat ng mga saloobin namin ng WALANG nambabasag ng trip. Alam niyo bang masaya kami dito nung hindi pa kayo ume-epal? Tapos bigla kayong magkakaron "rules" on what to do on the internet.
Well let me just say, I refuse to do what you want me to do. If bashing unfit politicians on the internet is a criminal offense, then I'd be willing to go to jail for my crimes.

P.S. This blog post is based on what a teenager understands. She does not want to assure the meaning of the above statements but wants to share what her opinions are. Thank you.

10.04.2012

Random post is random

Gusto ko na grumaduate ng college para magkatrabaho na ko tapos para kumita ng limpak limpak na pera tapos bibili ako ng mga pangarap kong gadgets tapos lupa at bahay tapos picanto na yellow tapos franchise ng mcdonald's tapos mag do donate ako sa mga bata na gustong mag-aral  pero walang pang-paaral tulad ko para maka-graduate na din sila at para magkaron na din sila ng trabaho tapos para kumita na din sila ng limpak limpak na pera tapos para di na sila magugutom kasi mag fa franchise na din sila ng mcdonald's tapos wala ng magugutom sa pilipinas kasi mag do donate din sila ng pera nila para sa mga gustong mag-aral tapos lahat na masaya! yehey!!!

10.02.2012

Papemelroti Contest!

 Win a Papemelroti Writing Set! So very easy to join! Contest ends October 23, 2012. Open worldwide! Just go to www.papemelroti.com/contests.htm to join and fill up the Rafflecopter form.