9.21.2012

Haters at ang kanilang papel sa mundo.

Kung tutuusin, lahat naman tayo haters. Lahat naman tayo may mga bagay o tao na kinaiinisan. Hindi maiiwasan yun. Pero meron namang mga tao na, gustong gusto nilang sabihin ng diretsuhan kung ano ang mga kinaiinisan nila. Kahit di mo tinatanong.
Umpisahan natin sa social networking sites. Sa Twitter. Yan. Malaking usapan ngayon ang Twitter. Matagal na kong Twitter user, mga tatlong taon siguro o higit pa. Nung uso pae ang Twilight. Second year ata yon. Nung mga panahon na yon, tahimik pa sa Twitter. Tweet ka lang tweet. Daldal ka lang ng daldal. Walang papansin sa'yo.
Ngayon? Naku po. Sandamakmak ang papansin sa'yo. Pag nagmura ka, may masasabi agad sila. Pag nagbigay ka ng opinyon mo, may e-epal sa'yo. Tulad nung minsan, sabi ko ayaw ko ke Trillanes. Aba biglang may nag-tweet sakin. Alam ko daw ba ang mga sinasabi ko at immature daw ako at "You don't know anything" eka pa. Aba putangna. Bawal na ba mag-labas ng sama ng loob sa Twitter? Wala na bang Freedom of Speech sa Pilipinas? Anak ka ng nanay mo. Walang basagan ng trip. Sa ayaw ko ng rebelde e? Edi iboto mo si Trillanes sa eleksyon? Papakielaman ba kita? Aba puta. Hindi. Kahit mag-tumbling ka pa habang sinusulat mo pangalan niya. Wala akong pakielam. Kahit kayo pa magkatuluyan, wala akong pakielam. Di ko babasagin trip mo. Trip mo yan eh.
Sa Instagram naman (basta mag-share ka lang ng photos mo). Yung ibang tao iritang irita kapag nag-po post ng mga bagay-bagay, pagkain, damit, aso, paa, kuko, sapatos, mukha at kung ano ano pa. Kung may matalino, meron din naman talagang mga taong tanga hano? Mga leche kayo. Kaya nga may "UNFOLLOW" button eh. Wala namang pumipilit sa ngalangala mong tingnan yung mga pictures na pino-post niya eh. Tapos kapag nag-comment ka (parinig man o diretso), masama lang ang sasabihin mo. Wag ganon men. Wag ganon. Trip nila yun eh. Pinaghirapan nila yun eh. Ano naman paki mo? Yung mga artistang gine-gyera niyo na todo post ng mga sarap sa buhay, kasalanan ba nila yon? At anong connect nun sa mga mahihirap? Kapag ba hindi nila pinost yun, yayaman na tayo? Sadyang may mga tao talaga kasing walang common sense eh. Naitanong mo na ba sa sarili mong,"Anong paki ko?"
Wala kayong pakielam sa trip ng iba. Trip nila yon. May choice ka na magustuhan o hindi magustuhan, pero walang basagan. Hater ka, fine. Pero `wag ka na mag-comment kasi hindi naman maganda yung sasabihin mo eh.
Hindi ka magiging mabuting tao kapag pinaliwanag mong naghihirap ang Pilipinas at maraming nangangailangan ng tulong. Tangina mo baka nga ikaw wala pang naitutulong eh. Hindi ka magiging bayani dahil lang may sinasabi ka. Wala kang ipagmamalaki. Bata pa lang tayo, tinuturo na satin to pero dahil mukhang di ka naman tinuruan ng magulang mo, sasabihin ko na sa'yong `wag kang makielam sa ibang tao.

No comments:

Post a Comment