9.30.2012

September Highlights and October Wishes

Before I start naming my wishes for the 10th month of the year, I would like to thank dear September for being such a great month to me. Highlights:
  • Ninang's birthday celebration @ Aduas. Had fun with the kids and pinsans
  • Very good midterm grades. Thank you Lord.
  • One week of no classes, thanks to the annually held Univ. Meet
  • Read five books this month!
  • Had an online shopping adventure with Dags
  • Helped people smile and laugh
  • Been able to give gifts to my cousins
  • Exchanged my camera necklace for Ate's Rich Dad Poor Dad book. Yipee!
  • Survived "The Puyat Week" and was able to submit our project in ITC 1! Cheers!
  • Presentation in Soc-An went well and got high grades (yes!)
 Nakalimutan ko na yung iba. Hrhr. So let's start with my October wishes!
  • I already made one DIY project (friendship bracelet) and hopefully I could think of two more this month
  • Lose weight. Been having leg cramps.
  • Read maybe 5 to 7 books.
  • Maging Academic Scholar. Sobrang laking bagay na non sakin, sa amin.
  • Sa tingin ko di ko na makakamit ang 1.45 average so baka pwedeng 1.5 na lang this sem. Hopefully.
  • Start my business. Hihi
I'm still thinking of other goals for this month pero yan na lang muna  dahil kanina ko lang naman naisip mag post. Hahahaha. =))

9.24.2012

Online adventure

Oh di ba parang superheroes lang! Hahahahahaha. =))))))) Ganito kase yun. May nakita akong magandang site sa internet na sobrang mura ng accessories! Tapos eto namang si Dags, biglang nag-pm sakin sa Facebook. Nakalimutan ko na kung ano yung pinag-uusapan namin dahil agad-agad kong sinabi sa kanya ang aking magandang discovery hahaha!
Tapos ayun, kinabukasan nag-decide kami na o-order nga kami. Pero dahil sooooooooobrang daming magagandang items, halos isang buong araw ata kami pumipili ng mga bibilin namin. Ginabi na kami. haha!
Sunday yon, tapos nung Monday nagbayad ako sa BDO. Tapos by Wednesday palang na-ship and by Friday, dumating na! Yay!
Although may isang item akong sira, ok lang dahil sobrang gaganda naman ng mga nabili namin!

Well of course, kay Dags yung may panda! hahahaha nail cutter yon! akin yung nasa baba at i-compare niyo naman yung binili niya sa binili ko. hahahahahaha! =))))
Here are my great finds:



Syempre, my favorite would be my "FREE" connector ring. I take freedom seriously and I believe in saying what you want to say and doing what you want to do  freely and without restraints.
So there ya go! Our online adventure. More to come!!!

9.23.2012

Old habits die hard

Napansin ko lang kasi ngayong 2012, napaka-picky ko pala magbasa. Kapag titingin ako ng isang libro, tapos kapag nalaman kong hindi ko type yung genre, di ko na agad babasahin. Tapos naisip (kanina lang, actually) na hindi lalawak yung knowledge (chos) and mawawalan ako ng variety sa mga binabasa ko. Di ba.
So this coming 2013 (kung hindi pa gunaw ang mundo), I plan to change all of that. Babasahin ko mapa-paranormal pa yan o patayan, hanggang sampo man ang series nyan, o eto man ang pinaka-pinag uusapan (ayokong nagbabasa ng sikat) na libro, babasahin ko yan. Hindi pwedeng puro romance, fantasy, at historical fiction (guilty) ang babasahin ko. Kailangan lawakan ko yung mga binabasa ko dahil hindi ako magiging isang effective reader kung puro sa isang banda lang ako naka-focus.

Books I plan to read in 2013 (kung hindi pa gunaw ang mundo haha):
  • Classics. Gustong gusto ko magbasa ng Classics (yung mga makalumang English) kaya lang sobrang HIRAP magbasa ng ganito sa ebook. Pramis. Nahihilo ako. Hahahaha. Kaya yon, kung may mahihiram o magpapahiram, why not. Pero balak ko din bumili ng mga gusto ko talaga. :-D
  • Paranormal. Huuuuuuu. Ayoko talaga ng paranormal. I still remember my struggle while reading The Iron Fey series and sobrang hirap na hirap ako. Hindi ko kayang tapusin but for the sake of completing any book I started, tinapos ko talaga yung dalawang libro. Siguro yung natitira, sa next year na. And I'll read The Mortal Instruments series next year since Ria (hi Riamarie) told me she's very  much (yes, may very much kaya hihiramin ko talaga haha!) willing to lend me the books, I think that's going to be a start
  • Popular books. Hindi ko alam pero I have this issue (with myself) that popular books tend to be overrated. Pero naisip ko (kanina lang din actually) na hindi  naman sisikat ang isang libro kung panget eh. Kaya tatanggalin ko na sa isipan ko yung issue ko sa sarili ko.
So far, yan ang mga plano ko next year (kung hindi pa gunaw ang mundo). Alam kong nakukulitan na kayo hahahaha! Kaya bye muna. I'm going to meet up with Dags and will also go to my cousins' despidida party huhu. Cheers to changing for the better! Byers :-bd

9.21.2012

Haters at ang kanilang papel sa mundo.

Kung tutuusin, lahat naman tayo haters. Lahat naman tayo may mga bagay o tao na kinaiinisan. Hindi maiiwasan yun. Pero meron namang mga tao na, gustong gusto nilang sabihin ng diretsuhan kung ano ang mga kinaiinisan nila. Kahit di mo tinatanong.
Umpisahan natin sa social networking sites. Sa Twitter. Yan. Malaking usapan ngayon ang Twitter. Matagal na kong Twitter user, mga tatlong taon siguro o higit pa. Nung uso pae ang Twilight. Second year ata yon. Nung mga panahon na yon, tahimik pa sa Twitter. Tweet ka lang tweet. Daldal ka lang ng daldal. Walang papansin sa'yo.
Ngayon? Naku po. Sandamakmak ang papansin sa'yo. Pag nagmura ka, may masasabi agad sila. Pag nagbigay ka ng opinyon mo, may e-epal sa'yo. Tulad nung minsan, sabi ko ayaw ko ke Trillanes. Aba biglang may nag-tweet sakin. Alam ko daw ba ang mga sinasabi ko at immature daw ako at "You don't know anything" eka pa. Aba putangna. Bawal na ba mag-labas ng sama ng loob sa Twitter? Wala na bang Freedom of Speech sa Pilipinas? Anak ka ng nanay mo. Walang basagan ng trip. Sa ayaw ko ng rebelde e? Edi iboto mo si Trillanes sa eleksyon? Papakielaman ba kita? Aba puta. Hindi. Kahit mag-tumbling ka pa habang sinusulat mo pangalan niya. Wala akong pakielam. Kahit kayo pa magkatuluyan, wala akong pakielam. Di ko babasagin trip mo. Trip mo yan eh.
Sa Instagram naman (basta mag-share ka lang ng photos mo). Yung ibang tao iritang irita kapag nag-po post ng mga bagay-bagay, pagkain, damit, aso, paa, kuko, sapatos, mukha at kung ano ano pa. Kung may matalino, meron din naman talagang mga taong tanga hano? Mga leche kayo. Kaya nga may "UNFOLLOW" button eh. Wala namang pumipilit sa ngalangala mong tingnan yung mga pictures na pino-post niya eh. Tapos kapag nag-comment ka (parinig man o diretso), masama lang ang sasabihin mo. Wag ganon men. Wag ganon. Trip nila yun eh. Pinaghirapan nila yun eh. Ano naman paki mo? Yung mga artistang gine-gyera niyo na todo post ng mga sarap sa buhay, kasalanan ba nila yon? At anong connect nun sa mga mahihirap? Kapag ba hindi nila pinost yun, yayaman na tayo? Sadyang may mga tao talaga kasing walang common sense eh. Naitanong mo na ba sa sarili mong,"Anong paki ko?"
Wala kayong pakielam sa trip ng iba. Trip nila yon. May choice ka na magustuhan o hindi magustuhan, pero walang basagan. Hater ka, fine. Pero `wag ka na mag-comment kasi hindi naman maganda yung sasabihin mo eh.
Hindi ka magiging mabuting tao kapag pinaliwanag mong naghihirap ang Pilipinas at maraming nangangailangan ng tulong. Tangina mo baka nga ikaw wala pang naitutulong eh. Hindi ka magiging bayani dahil lang may sinasabi ka. Wala kang ipagmamalaki. Bata pa lang tayo, tinuturo na satin to pero dahil mukhang di ka naman tinuruan ng magulang mo, sasabihin ko na sa'yong `wag kang makielam sa ibang tao.

9.14.2012

Huling Habilin

Bago mawala si Daddy, bago niya kami iwan, just like others na mawawala na, nakapag-iwan din siya ng huling habilin sakin. Mag-e enroll ako sa CLSU non. Siguro 2 days before ng enrollment. Yung makikita mo sa mukha niya na nag-dadalawang isip siya kung papayagan ba niya ko mag-dorm o hindi. Tinawag niya ko. Ako naman kinakabahan na ko. Tapos sabi niya,"Baka naman pag nandun ka na at pag-uwi mo dito, buntis ka." Syempre nung una, masakit para sakin na marinig galing sa kanya yon kasi parang wala siya tiwala sakin. Sabi ko,"Daddy naman. Para naman wala kayong tiwala sakin niyan." Sabi niya,"Anak, hindi dahil sa wala akong tiwala sa'yo. Kung tiwala lang bunso, marami ako sa'yo non. Natatakot lang si Daddy." Naiiyak na ko non. Pinigil ko, ayoko umiyak sa harap niya kasi baka isipin niya guilty ako (hahahahaha). Tapos sabi ko,"Dy, promise. Di ako mabubuntis, di ako magkakaanak, di ako magkaka-asawa hanggat hindi ako tapos ng pag-aaral. Promise yan Daddy. Promise yan." Ngumiti siya. Tapos umakyat na ko sa kwarto ko, umiyak at natulog ako.
Kinabukasan,  huling araw na pala niya.

Buhay kolehiyo

Sa totoo lang, dito ko sa NEUST naramdaman yung pagiging kolehiyo ko. I'm not comparing them in terms of their greatness (alam naman nating walang tatalo sa CLSU), pero ang sinasabi ko lang e mas gamay ako dito sa NEUST. Mas hiyang. Siguro kasi dito mas na-a appreciate ko yung sarili ko. Ang tagal ko ng di nakaranas ng competitiveness sa katawan ko, at dito ko lang ulit naramdaman yon.
Dito ko naranasan ma-appreciate ng ibang tao. Hahahahaha. Sa high school at sa unang taon ko sa kolehiyo, di ko naranasan yon. Siguro kasi nag-gago ako o di ko pinagbuti at talagang maraming magagaling nung high school ako, pero ngayon, naramdaman ko ulit maging nasa top.
Ang sarap lang sa pakiramdam kapag sasabihin ng mga kaklase at teachers mo na,"Ay magaling yan kasi galing Lab High yan". Pati si Jorenn ganun din. Masarap sa pakiramdam. Kaya ang resulta? Pinagbubuti ko pa lalo.
Siguro kasi ganon naman yun e. Kapag ina-appreciate mo yung isang tao, lalo niyang binibigay yung best niya.
Alam ko dapat di na tayo sa manghinayang sa mga pagkakataon, panahon, at mga bagay na wala na; pero sana andito si Daddy ngayon at nakikita niya ko. Alam kong masama magsabi ng "sana pala", pero sana pala sinunod ko na lang yung payo nila na dito ako mag-aral para nakita niya yung achievements ko bago siya umalis.
Kung san san na napunta tong kinukwento ko. Hahahaha! Pero yun nga, naalis na yung katamaran ko sa pag-aaral ng paunti-unti. Sa tuloy tuloy na hanggang makapagtapos ako. Sana maging consecutive yung mga achievements ko hanggang graduation para maging proud sakin lahat ng taong nagmamahal sakin.
Go Tiny! Kaya mo yan! AJA! FIGHT!!!

9.12.2012

Ano Tagalog ng frustrated?

Let me warn you, right here right now that this post is a product of my frustrations and will probably annoy you. But whatever, stress makes you... un-you.
Anyway, kaya ko tinatanong kung ano ang Tagalog ng "frustrated" dahil yun ang nararamdaman ko sa mga panahong ito.
Sa sobrang frustration ko, sa sobrang gulo ng isipan ko, di ko na ma-describe kung bakit ako naguguluhan.
Alam mo yung "taken for granted"? Well in my case, I've been the one who took it for granted. Sa sobrang  pagmalaki ko sa sarili ko, hinayaan kong sabihin sa sarili ko na kaya kong ipasa yung isang subject na hindi ko pagbubutihan. Sinabi ko sa sarili ko na kaya ko to. The good news is, kaya ko nga. Pero the bad news is, hindi ko maaabot yung isa sa mga gusto kong maabot ngayon 2012.
I can't believe that I've been so careless. I've let ONE subject bring me down. One. Grabe. I know it's no big deal, but it is for me. Right now, na sobrang nagbabago na yung pananaw ko sa mundo. Na natutunan ko ng i-appreciate ang pag-aaral at ang pag-seryoso sa kolehiyo, sobrang big deal.
Now I know how can three absences bring you down.
If I'm alone right now, I'm sure that I'll be shouting screams of frustration. How can this happen?
Napaka-tanga ko. Napaka-yabang ko. Mantakin mo, ISANG subject lang ang nanira sa gusto ko. ISA.
Aaaaaaaah, konting mukmok pa. Siguro bukas I'll let myself to learn from this already. But right now, I think I need this feeling of misery
Lesson learned: Sa susunod pipili ka ng aabsent-an mo.

9.01.2012

MagmaMan vs. Saladsad

Hahahaha! Pasensya naman sa title. Di lang ako maka-get over sa bidahan at jamming-an namin nila Kuya MagmaMan at Saladsad kahapon (August 31).
Bibili kasi kami ni Jorenn ng ihaw-ihaw kay Ate Vicky. Tapos nagulat na lang ako na andun sila! Hahahahaha. Si Kuya Salad, alam kong taga-Lote dahil bumibili siya ng ice candy salad sa Barrera (at dun ako nakatira) pero si Kuya MagmaMan talaga yung una kong napansin. Hahahahahahaha. May problema daw si Magmaman kaya sila nainom. Hahahaha.
Madami kaming napag-bidahan. Yung PJG daw e walang kwentang ospital dahil mamamatay ka na, pinag-fi fill up ka pa. Yung tipong naaksidente ka na, tanong pa ng tanong sa'yo. Tapos napag-bidahan din namin kung ilang taon na sila sa NEUST. Si Kuya Salad, naabutan daw niya yung CLPC (alam na kung ilang taon siya hahahahaha). Tapos nag-pick up line-an din sila. Pinaka-da best to:

Kuya Salad: Motor ka  ba?
MagmaMan: Baket?
Kuya Salad: Sarap mo tadyakan eh!

HAHAHAHAHAHAHAHAHA Tangina ang dami kong tawa =))))))))) Laptrip lang! Sobrang pang-goodvibes! XD Salamat sa piso Kuya Salad! Sa uulitin mga Kuya! :))))))) (at hi din kay Kazee! :-D)

Libre ang mangarap

Kahit nung bata pa ako, hindi ako mataas mangarap. Simple lang. Naalala ko nung Grade 5/6 ako, tapos magsusulat sa "Sulating Pangwakas" kung ano yung ambisyon ko sa buhay, mag-turo lang ang nilalagay ko. Hindi naman sa nila-"lang" ko ang pagiging isang guro, pero dahil nung bata ako yun ang alam kong madaling maabot. Hindi ko nilalagay na mag-do "doctor", mag-a "abogasya", o magiging "Presidente ng Pilipinas".
Siguro kasi lumaki ako sa environment at sa isang pamilya na sakto at  simple lang. Yun lahat ng gusto mo, paghihirapan mo. Kahit na nasa elementary ka palang, lahat ng gustuhin mo, paghirapan mo. Kaya naman hindi mo na iisipin na mag-aral ng matagal na panahon kasi gusto mo na magtapos agad, gusto mo na kumita agad kasi gusto mo ng mabili lahat ng gusto mo.
Hindi ko naman sinasabing nagsisisi ako dahil hindi ko tinaasan ang mga pangarap ko, pero may konting panghihinayang din ako dahil hindi ko sinubukan kung kaya ko. Sabi man nila na kung mataas kang mangarap, mataas din ang pagbabagksan mo, sa palagay ko mas mahirap na hindi mo sinubukan at hindi mo nalaman.
Sa edad kong to, masasabi nga ng ilan na bata pa at malayo pa ang mararating, iba pa din kapag bata pa lang alam mo na kung saan ka pupunta at kung ano ang tatahakin mo sa mundo.
Payo ko sa mga batang wala pa sa kolehiyo, sana taasan niyo yung mga pangarap niyo. Walang masama sa pag-asam sa mga bagay, kahit na alam mong hindi mo kaya. Hindi mo alam at malay mo magkatotoo, kasabay ng pag-pursigi mong maabot yon. Libre lang mangarap, bakit di pa sulitin di ba? Sabi nga sa kanta ng Parokya Ni Edgar,"Wag kang matakot na baka magkamali, walang mapapala kundi ka magbakasakali. Lumilipas ang oras. Baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan."

What do you expect to accomplish this year?

I know it's the middle of the year and I should've posted my list months ago but you know what they always say... IT'S NEVER TOO LATE. Harhar. So...
☐ Learn how to solve a Rubik's Cube puzzle.
☐ Read 80 books and complete my Goodreads challenge.
☐ Earn an average of 1.45 or higher. Haha! But I'm serious.
☑ Watch at least one concert/gig of any artist, musician or band before the year ends.
☐ Donate blood. I really want to donate my blood when I was in CLSU last semester but they told me students 18 years of age or higher were only allowed.
☑ Own at least 3 of my birthday wishes.☐ Watch a complete series of an anime/tv series I haven't seen before.
☑ Go to a new place.
☐ Be involved in a feeding program.
☐ Think of at least 3 d-i-y projects and learn to make them.
It's like my mini "bucket list". I'll just update this when I think of something new to accomplish this year.