Daddy ko? Hero ko yan. Bata pa lang ako, siya na nagtata-guyod samin. Siya na bumubuhay samin since pinanganak ang Kuya ko. Siya ang tumatanggap ng lahat ng problema (Syempre, kasama si Mommy.). Pero siya ang nag-iisip kung papano lahat lulutasin yon. Siya ang umiiyak kapag gumagawa ng kagaguhan yung dalawang kapatid ko. Lalo na nung naka-ilang lipat ng schools si Kuya nung college pero hindi siya talaga pumapasok. Lahat na yun, tinanggap ng Daddy ko. Walang salita-salita. Walang rekla-reklamo. Dinaan lang niya sa inom, iyak. Ganun lang. Pati nung si Dikong naman ang gumawa nung ginawa ni Kuya, wala akong narining sa kanya. Walang mura, walang bugbugan, WALA. Tinanggap niya lahat yun. *Teka, pupunas lang ako ng luha*
Ang Daddy ko? Wala kang maririnig na reklamo sa kanya na ayaw na niya magtrabaho. Pero minsan kapag sobrang lasing siya at hindi na niya alam ang mga sinasabi niya, inaamin niya yun. Nagkataon na ako ang nasabihan niya na yun. Putangina. Umiyak ako ng bongga. *Wait lang ulit*
Hanga ako sa Daddy ko. At ang pinaka-unang pangarap ko? Mabigyan sila ng kabuhayan ni Mommy para hindi na niya kailangan magtrabaho. Gusto ko alisin LAHAT ng problema nila. Lahat ng mga pasanin nila. *Puta wait lang ulit* At kapag natupad ko yun? Wala na kong hihilingin pa. WALA NA. Hindi ko kailangan ng milyones ng katulad ng kay Pacquiao. Hindi ko kailangan manalo ng Php300M sa lotto. Tama na sakin na matupad ko ang unang una sa list ng mga pangarap ko. Yun lang.
Kaya sa Daddy ko? Happy Father's Day. Hindi ko man masabi ng personal sa'yo `to, gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita, kayo ni Mommy, kayo nila Kuya at Dikong. At lubos akong nagpapa-salamat sa lahat ng mga bagay na binigay mo samin. Sa lahat ng pag-tiya-tiyaga mo. Sa lahat ng problemang pinasan mo para samin. Saludo ako sa'yo Dy. Saludong saludo ako sainyo ni Mommy.
No comments:
Post a Comment