6.18.2011

Ang mga bagay na panira sa buhay ko sa school.

Dorm Manager/s. Ok naman sila, kaya lang may times na panira talaga ng mood eh. For example, yung head DM namin, pinag-babayad kami ng P100. Eh sabi ko, next week na, aba ayaw ba naman! Alam mo `yun? Porket pinaka-mahal lang yung LD#1 eh, kino-consider na nilang mayaman lahat ng andun. Nakaka-inis. Eh naubos nga yung allowance ko kasi madaming binayaran na books, etc. Tapos umiirap pa! Putangina sarap dukutin ng putanginang mata.
Yung isa naman, yung bantay namin nakaka-gago den. Nung friday kase, naglinis kame, so linis to the max kami. Tapos siya, pansin ng pansin sa lahat ng ginagawa namen. Puta. Pa-agiw ng pa-agiw eh wala namang agiw! Sarap lamukusin ng mukha. Hanep.

Maaarteng Classmates. Nahahati yan sa dalawa, yung maaarteng hindi naman kagandahan, at yung maarteng maganda. Para sakin kasi, kung maarte ka dapat nadadala ng itsura mo yung kaartehan mo. Eh yung mga classmates ko, hindi eh. Kaya nakaka-bwiset talaga.
Tapos yung isa naman, maganda siya. Oo, alam namin yun. Kaya lang napaka-narcissist niya! Yung makatawa eh abot hanggang likod (Lagi kasi siya sa harap nauupo kasi nagpapa-pampam sa profs). Iritang irita ko. Sabihan niyo na ko ng bitter kasi hindi ako maganda, pero kung kayo yung nasa kalagayan ko, maiinis din kayo. Wala pa nga sa kalahati tong kwento ko, pero inis na inis na ko.

Filipino. Okay naman yung Prof. ko, comedy nga eh.Walang klase na hindi ka tatawa. Pero when it comes to teaching walang konsiderasyon. Ang gagawin niya ipapabasa niya yung pages 1-121 sa'yo tapos next meeting recitation. Tapos next next meeting, bunot ng class card then discuss ng walang libro. I know, I know. College na, etc, etc. Pero ganun ba dapat ang instructors? Ipakabisa sa estudyante mo ang libro? I think not. Wala kaming matututunan kapag ganun kasi sa twing mag-aaral kami, maaalala namin ang napaka-lupet mong teaching strategy.

Kailangan ko lang talaga ilabas `to. Nakaka-putangina kasi talaga.

No comments:

Post a Comment