Akala ko nung una, madali lang. Pero, nung gabi nung June 5, 2011 at matutulog na ko, bigla kong kinain yung mga sinabi ko. Hindi siya madali sa umpisa. Oo, sa umpisa lang dahil naniniwala akong makakaya ko `to pagdating ng panahon.
Sobrang nakaka-homesick. At mahirap makisama sa mga bagong tao sa buhay mo. Mahirap mag-adjust sa lessons dahil ang gagaling ng professors at estudyante. Wala akong masabe.
Pero naisip ko, na pagdating ng panahon na tutungtung na ko sa entablado para kunin ang diploma ko, alam kong nasa isip ko ang mga bagay na dapat matutunan ko sa apat na taon na pag-aaral ko sa kolehiyo.
Hindi ko man makaya ngayon, malay mo, bukas, o sa makalawa, o kahit sa isang taon, kaya ko na.
Hindi ako susuko. At balang araw, masusuklian ko din lahat ng pagmamahal ng binigay sakin ng mga magulang at pamilya ko kasabay ng pag-akyat sa entablado at suot ang toga ko.
No comments:
Post a Comment