Sunday. Hinatid na ako ni Mommy sa dorm ko sa CLSU. Mga bandang 8:45AM, eh andun na ko and mga bandang 9:20, umalis na sila. At mag-isa na lang ako. Napaka-inet sa dorm! Sobra. Ladies Dorm #1 ako at Room 3. 9 kami sa loob at ang una kong na-meet na ka-dorm ay si Shaira.
Tapos dumating na yung iba. Si Shaira, Jessa, Janelle, Apple, Nerisse, Kaye, Michelle, at Jean. Sobrang saya nila kasama. Pero siyempre, kulang pa din ang araw kung hindi kami magkikita-kita nila Karen, Angge, Jed, Jorenn, Cess, Jom, and Jenna. =)) :-bd
Monday. First day of school! So far, masaya naman at sooooobrang gagaling ng mga teachers. Lalo na yung sa Bio Lec 105 teacher ko. Parang Ser Alwyn kaya bumalik na naman yung inspiration ko. :-bd
Tuesday. So far, ok naman. Kaya lang yung teacher namin sa Filipino magpapa-recitation agad mula page 1 to 121. Haybuhay. =))))))))))))
Wednesday. Freshmen Orientation. Napaka-bigaten ng mga University Officials! Puro sa ibang bansa nagsipag-tapos with Ph.D. and masteral. All over the world! Jusko. Saket sa bangs. =))))) With Karen, Angge, Jorenn, Cess, Jed, Jom, and Jenna. :-bd
Late na kami natulog ng mga ka-dorm ko kasi kwentuhan kami about lovelife, especially ng lovelife ko! Hahahaha. =)))) Tiningnan nila yung mga pictures namin ni Jorenn at kilig na kilig na sila. :)))))))
Thursday. Bio Lab 105! Kung hindi ka magilas, matalino, galing sa science curriculum na school, at madiskarte sa buhay, hindi ka ubra sa CLSU. Sobrang advance. Mini thesis in one day with defense the next meeting. San ka naman dun `di ba? Sakit sa bangs! Buti uwian na bukas at absent ang prof ko sa Filipino. (YES! No recitation!)
Friday. NSTP Orientation. Nag-CWTS ako, ayoko mag-ROTC! Mahirap. Hahahaha. Tapos dapat ngayun kami gagawa ng "Mini Thesis" namin, kaya na-postpone! YEY! Kaya maaga kaming makakuwi! :-bd
No comments:
Post a Comment