NOSI BALASI. ;)
6.26.2011
Minsan, sa buhay ng tao.
Minsan sa buhay natin, o baka nga hindi pa minsan eh, baka madalas pa nga. Madalas sa buhay natin, may mga taong sadyang maiinis sa'yo, magagalit, mai-inggit, mai-insecure, atbp. Sila yung mga taong walang gagawin kundi siraan ka, pag-kwentuhan ka kapag hindi ka nakaharap, at kung ano ano pa. Pero, kung magpapa-apekto ka, at papatulan mo sila, talo ka. Kasi kaya sila nagagalit sa'yo, kasi may isang bagay sa'yo na ayaw nila, and probably yung ayaw nila na yun sa'yo, eh kina-iinggitan nila. That's a psychological fact. Kaya kahit paringgan, sabihan, o kahit mura-murahin ka pa nila ng harapan o patalikod, let them. Sila ang nag-de-degrade sa sarili nila. Sila ang nakikita ng Diyos. At sa bandang huli, sila din ang pagtatawanan mo. Dahil napaka-imamture `di ba? Pero kahit anong gawin natin, may mga taong ganyan sa mundo. May mga taong walang magawa sa buhay. `Wag mo silang pansinin. Mag-aral kang mabuti, tupadin mo na lang lahat ng pangarap mo. At pagdating ng panahon, magiging proud ka sa sarili mo dahil hindi mo sila pinatulan.
NOSI BALASI. ;)
NOSI BALASI. ;)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment