5.30.2011

Don't give a fuck and be happy.

Nung isang linggo, habang nag-tu Twitter ako, nakakita ako ng isang tweet na nainis talaga ako. Kasi yung tweets niya, talaga yung mga expressions ko, gayang-gaya. Nakakainis kasi `di ba? Wala bang originality sa mundo? Jusko, bigyan kitang piso, bili ka sa tindahan. Inis na inis talaga ako nun.

Tapos nung pagkatapos ko mag-computer, napaisip na lang ako bigla. Bakit ko naman kailangan mainis `di ba? Kasi kung ginagaya niya yung mga bagay na ginagawa mo, ibig sabihin idol ka niya. At least may fan ako, `di ba?  Tapos sabi ko sa sarili ko na, just let it go. Kasi sa twing makikita mo siya, maiinis ka lang. Kaya yun ang ginawa  ko. Hinayaan ko siya sa buhay niya, sabi ko sa sarili ko na mahalin mo kung ano siya. Tapos hanggang sa napansin kong, hindi ko na napapansin yung mga ginawa niya. In fairview, achievement..

Tapos, hanggang sa naisip kong, hindi mahirap mag-move on. Lalo na kung para sa kaligayahan mo. Alam ko, na ilang beses ko ng nasabi `to pero uulitin ko.


Masaya ang buhay, kaya mabuhay ka ng masaya. Walang taong pwedeng humadlang ng kasiyahan mo, pwera sa sarili mo.

No comments:

Post a Comment