5.02.2011

Hindi ko din alam eh.

Hindi ko din alam kung bakit umiyak ako nung sinumbong ko si Dikong. Tangina. Pinractice ko pa `to eh. Sinabi ko pa sa sarili ko na hindi ako iiyak. Kaya lang nung sinabi ko na kay Mommy, wala na. Humagulgol na ko ng bongga. Gusto ko sila yakapin. Hindi ko alam kung kanino ko naaawa. Kung sa mga magulang ko o kay Dikong. Basta nung sinabi ko kay Mommy yung nararamdaman ko, humagulgol ako sa harap niya. Puta. Perstaym `yon. Eto yung tipong sinasabi ko na sa sarili ko na sana andito si Kuya. Sana kumpleto kami, kasi hindi ko kaya na i-comfort sila Daddy ng mag-isa. Eto yung tipong gusto ko pasanin lahat ng problema nila Mommy and Daddy. Puta, eh. Gusto ko murahin si Dikong ng harapan. Gusto ko duru-duruin sa mukha. Gusto ko itanong kung ano problema niya sa buhay. Gusto ko siya sigawan ng sigawan. Mura-murahin. Putangina eh. Habang iniisip ko kung papano ko babayaran lahat ng ginawa nila Mommy para samin, tapos siya pabanjing-banjing lang sa buhay. Tangina eh. Hindi ko `to kayaaaaa. Loooord. Bakit ganitoooo. Bakit akooooo? Hindi ko na kayaaaaa. Parang bumabalik lang nung si Kuya yung ganitoooo. Tangina. Tangina. Kunin niyo na ko.


No comments:

Post a Comment