5.04.2011

C.L.S.U. Invasion.

So kahapon, nag-enroll ako sa CLSU. Ang dala ko lang ay 2x2 pictures, birth certificate, at report card. Walang letter. WALA. At essential yon sa mga credentials. Pero awa ng Diyos, nakakuha naman ako ng results at application letter.

Nagpunta ako sa CLSU Hospital, pumila ako sa 8-9AM kahit hindi ko alam kung yun nga ang nakalagay sa letter ko. Tapos biglang dumating si Dags. Jusko! Awa ng Diyos dumating siya. I feel so alernsss. Seryoso lang. At sorry Dags, mediyo matagal ang pag-pila. Hehe.

Tapos pagpasok ko sa hospital, ang cool lang nung taga-BP, ang gwapo eh. Hahaha. 80/60 lang BP ko at sabi niya, `wag daw ako magpupuyat.

Tapos 51kg ang weight ko. Tapos... Tapos... Tapos 4'11 and a half lang ako. Alam mo yun? Kalahati na lang eh. 5ft. na. Tangina eh. HAHAHAHA. Ang cool lang nung taga-kuha kasi taga-Cabanatuan din daw siya.

Tapos sa dental check-up naman, ang cool ng dentist. Astig lang. Hehehe. Tapos ayun, nagpunta na ko sa Step 2. Which is kuhanan ng dormitory. Pero binigay ko muna yung gift ko for Dags.

Tapos nung andun na ko. Ang gulo lang nung isa, kasi pinabalik-balik nila ko sa from there and there. Hanep eh. Kung wala si Dags, mag-isa ko siguro kinakausap ang sarili ko. Hahahaha. Andun din si Jenna and Alec. Nung huli naman, nakaraos na at nakapag-sign na ko. Ang ganda ng dorm ko, in all fairness. Hahahaha.

Pagkakaen namin ng lunch, hinanap naman namin ang Department of Biology under College of Arts and Sciences. Nalibot na namin lahat, pero wala padin eh. Wala talaga eh. Nun pala, my annex pa ang CAS. Hinanap namin, at nakita naman namin. In all fairness, nakatago siya. Pagdating namin dun, may dalawang girl kaya pumila na din kami dun. May cool pa nga na Mommy eh. Hahaha.

Nung ako na ang initerview, ang cool ng Professor. Parang si Ma'am Pinion. Pero cooler. Astig talaga! Masungit na comedy. In the end, ok naman. Kaya nagpunta na kami sa OSA, kung saan naghintay kami hanggang matapos ang lunch break.

In the end, nakakuha naman ako ng magandang sched. YEY! Pero biglang may binayaran ng P600 kaya naubos pera ko. (Thank you sa libre Dags!)

Konting libre dyan and there tapos umuwi na kame. Hanep na jeepney driver! Tumatawa ng mag-isa. Yung tawang demonyo pa! HAHAHAHAHA. Katakot. Tapos pinalipat pa kami ng jeep! Hayop na yon.

Tapos ayun, nakauwi na kami. Hihihi. Tapos, natulog na ko agad. :D ^_^

No comments:

Post a Comment