Dumating na yung buhay ko sa point na, alam ko na kung ano yung gagawin ko sa buhay ko. Alam ko na kung sino yung mga taong andiyan. Yung mga taong totoo at hindi ka iiwan. Alam ko na kung ano yung mga bagay na dapat ko ng kalimutan at ibaon sa nakaraan. Nalaman ko na kung ano yung mga alaalang babaunin ko pag-tanda ko. Nalaman kong, hindi mahalaga sa buhay ng tao ang maraming taong nakapaligid sa'yo. Nalaman kong tama na ang konting tao na mahalaga sa'yo, at mahalaga ka rin sa kanila hanggang pagtanda mo.
Naisip ko din na hindi mahalaga ang pera. Hindi mahalaga ang mga mamahaling bagay. Naisip kong, bago ako bumili ng mga luho ko, mas gugustuhin kong pag-hirapan ko lahat `yon. Naisip kong, tama na ang mahigit sampung taon paghihirap ng mga magulang ko. Ayoko ng makita silang sumasakit ang ulo, lalo na sa mga kapatid ko.
Natutunan kong `wag pansinin ang mga taong sadyang nagpapa-pansin at insecure. Natutunan kong maging masaya sa kung ano ang meron ako at kung sino ang mga kasama ko. Natutunan kong tanggapin kung sino ako at hindi matakot kung ano sasabihin ng iba. Natutunan kong `wag pansinin ang sasabihin ng iba at ipagpatuloy lang ang buhay ko.
Masaya ang buhay, kaya mabuhay ka ng masaya. Kung may sinasabi ang iba tungkol sa'yo, hayaan mo sila. Dahil patunay lang `yon na mas angat ka sa kanila. Patunay lang `yon na may mga bagay sa'yo na gusto nila.
At `wag mong hahayaan ang mga problema sa buhay mo na maging hadlang para sa isang buhay na masaya. Dahil kung nagkaka-problema ka, ibig sabihin may dadating na mga panahong masaya. Dahil kahit kailan, hindi ka papabayaan ng nasa taas.
Kung sa palagay mo, gusto mo ng bumitaw dahil sa mga tao at problemang nampu-putangina ng buhay mo, lagi mong tatandaan na pinlano Niya lahat ng `yan bago ka pa mabuhay. At hinding hindi ka niya hahayaan mapahamak at mapasama.
No comments:
Post a Comment