5.30.2011
Putangina.
Isang araw, bigla na lang ako sasabog dito. Puta. Gusto kong ibangag yung pinto sa mga mukha nila at itanong kung ano problema nila. Gusto kong magwala. Gusto kong isigaw sa kanila na gulong gulo na ko sa buhay ko. Na sawang-sawa na ko sa mga maliliit na bagay na pinagtatalunan nila. Sa mga maliliit na bagay na hindi na dapat pinapansin pero patuloy pa din sa pag pansin. Putanginang putangina na ko. Pikang-pika na ko. Gusto kong itanong kung bakit ba sila ganyan. Kung bakit simpleng bagay lang kailangan pang palakihin. Sawang sawa na ko. Araw araw na lang na ginawa ng Diyos lagi na lang ganito. Lagi ko na lang tinatanong sa sarili ko kung bakit ganito. Araw araw na lang laging may sigawan. May mga salitang binibitawan na parang iritang irita. Tangina. Suyang suya na ko. Sawang sawa na ko sa mga palatak, sa mga angil, sa mga salitang binubulong at hindi masabi ng malakas. Sa mga dabog, sa balibag ng pinto. Sa lahat. Sawang sawang sawa na ko. Pikang pika na yung tenga ko. Suyang suya na yung puso ko. Hirap na hirap na ko..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment