1.26.2013

Wala lang

Minsan, lalo na kapag nagbabasa ako ng YA novels, sana katulad na lang ng system ng US dito sa Pinas. Yung kapag 18 ka na, hihiwalay ka na sa magulang. Hindi ko naman sinasabi na lahat, ang ibig ko lang sabihin eh yung walang mag-ja judge sa'yo. Kasi, hindi naman pare-pareho yung pinagdadaanan ng tao. Tulad ko, wala na kong tatay. Wala ng magta-trabaho para samin. Para po sa kaalaman niyo, sobrang hirap umasa sa ibang tao. Kahit na sabihin na "role" ng kuya ko na gampanan yung mga naiwan na responsibilidad ni  kuya, mahirap pa din.
Kapag hindi siya nagpapadala, hindi ko magawa magalit kahit gustong gusto ko na. Wala akong karapatan kasi kapatid ko lang siya. Dapat nga sa edad niya, pwede na siya mag-asawa. Gustohin ko man mag-tampo, hindi ko kaya.
Gustong gusto na mag-trabaho. Gusto ko na huminto ng pag-aaral, hindi dahil ayoko na mag-aral. Tangina, kung magiging estudyante ako buong buhay ko, papayag ako. Aba'y kasarap ata ng umaasa ka lang na may magbibigay ng baon sa'yo araw-araw. Kaya lang mahirap din mag-stop ng pag-aaral kasi nga dito sa Pinas, ang paniniwala kapag tapos ka ng pag-aaral, uunlad ka. Pero tingnan mo, napakadaming tapos ng pag-aaral pero tambay lang naman.
Kahirap naman kasi. Kahirap ng wala kang magawa. Grabehan lang. Kahirap. Gusto ko mag-working student, kaya lang nung sinabi ko naman yun lahat sila  nag-kontrahan. Grabehan lang. Aaaaaaaaaaaaaaaaaah! Ang hirap. Ang hirap hirap hirap hirap

No comments:

Post a Comment