Nag-misa sa school kahapon (January 8), eto na naman ako. Alam niyo naman siguro na kahit Katoliko ako, malakas ang inis ko sa mga pari. Hindi ko rin alam. Bata pa lang ako, di ko na sila gusto. Siguro dahil sa kinalikahan ko. Bata pa ko, nakakakita na ko ng mga pari na may girlfriend, na may anak. Sigurado ba ako sa mga sinasabi ko? Oo, sigurado ako.
Ang misa sa school kanina ay tinawag na "thanksgiving mass". Pasasalamat sa taong lumipas at sa taon na dumating. Ngunit nung nag-homily na, nagtaka akong bakit parang hindi naman yoon ang tinatalakay niya? Siguro dahil sa title ko, marahil alam niyo na kung ano ang sinasabi ko. Oo, ang walang katapusang sermon tungkol sa RH Bill chuchu. Eto na naman tayo. Hindi na naka-get over. RH Law na, RH Bill pa ren ng RH Bill.
Hindi naman talaga ako aalis nung misa, wala naman talaga akong balak umalis. Pero tangina, nung nag-homily na, kasakit talaga sa tenga.
Balik tayo sa lumang kasabihan na "Kung gusto mong respetuhin ka, matuto ka muna rumespeto". Bawat tao, may kanya-kanyang opinyon. Entitled tayo don. Pero yung hindi mo respetuhin ang opinyon ng isang tao, dahil lang kasalungat lang yon nang pinaniniwalaan mo, nakakabastos yon.
Tama bang ipamukha mo sa lahat ng taong nakaupo sa gym at sa bleachers na ang mga taong Pro-RH Bill ay "hindi marunong magmahal sa buhay". Eh tangina pala. Pag Pro-RH Bill hindi na agad marunong mag-mahal sa buhay? Di ba pwedeng concerned lang sa kapakanan ng buong kababaihan at ng buong pamilyang mahihirap sa Pilipinas na nag-aanak ng sandamakmak, pero wala namang pantustos? Puro ka "hindi naman overpopulated ang Pilipinas" when in fact, hindi lang naman yun ang tinutukoy sa RH Bill.
Hindi marunong magmahal sa buhay? Bakit sa tingin niyo ba kapag napunta yung nilabas ng sperm ng lalaki sa dulo ng condom niya nung nagtalik sila ng asawa niya, may nabuo bang bata? Wala naman di ba? Prevention is the best medicine.
Hindi kalibugan ang pinapairal dito. Hindi "approval of sex". Napaka-kitid naman talaga. Sa tingin niyo ba, mapapakain niyo ang isang pamilya na may dalawampung anak? Sabihin na natin sa isang squatter area, isang daan ang pamilya, tig-a anim ang anak. I-dagdag mo na din lahat ng pamilyang kapos sa buong Pilipinas na tig-a anim o higit pa ang anak. Mapapakain niyo ba sila? Mapapag-aral niyo ba sila? Masosolusyunan niyo ba ang kahirapan nila?
Ayon sa isang study, karamihan sa mahihirap na pamilya, hindi na ninanais ng magulang na umunlad ang buhay nila. Dahil sa dami ng anak nila, ang motto na lang nila sa buhay ay "Ipinanganak kang mahirap, mamamatay kang mahirap".
Masaya na ba tayo diyan? Hanggang ganyan na lang ba ang Pilipinas? Walang pangarap? Walang pag-asa?
Ang sabihin niyo kasi, tapos na ang laban pero hindi niyo pa ren matanggap sa mga sarili niyo na natalo kayo. Na hindi niyo hawak ang utak ng bawat Pilipino. Na sa kabila ng mga salita ng Diyos na sinasabi niyo Linggo-Linggo, hindi niyo pa rin maiwasan ang hindi magalit.
Ngayon, sinong mas makasalanan satin?

No comments:
Post a Comment