1.16.2013

Mga dapat tandaan sa buhay

  • Never take things for granted. Wala kang kasiguruhan kung anong mangyayari.
  • Matuto kang lumunok ng pride. Pride lang yan, pero yung ibang mawawala sa'yo, mahirap na.
  • Kahit tamad na tamad ka na mag-aral, matuto ka naman mahiya sa mga taong nagpapaaral sa'yo. Buti sana kung ikaw lang nagpapaaral sa sarili mo, e hindi. Panindigan mo yan.
  • Panindigan mo ang mga desisyon mo. Kahit hirap na hirap. Ginawa mo yan eh. Wag mong pagsisihan.
  • Kung pinagsisihan mo man, sikapin mo magbago. Hindi pwedeng nagsisi ka nung una, tapos gagawin mo lang ulit. Ano yun, paulit-ulit ka na lang nagsisisi?
  • Lagi mong tandaan na basta may tiyaga, may nilaga! Kung ayaw mo ng nilaga, e di sinigang! *ang joke joke mehehehe*
  • Kung pagbubutihan mo ang pag-aaral ngayon, makaka-graduate ka ng nasa oras. Kapag grumaduate ka ng nasa oras, masaya. Pero kung nag-gago ka ngayon, at magiging magna ka (hindi magna cum laude kundi magna-nine years), walang mangyayari sa buhay mo.
  • Tiyaga tiyaga! Makaka-graduate ka din!
  • Kung tamad na tamad ka na mag-aral, sa tingin mo ba kapag tumambay ka, hindi ka tatamarin mag-antay sa wala sa araw-araw na ginawa ng Diyos?
  • Ma-swerte ka!
  • Mag-aral ka! Hindi mahalaga ang mataas na grades. Mas mahalaga ang attendance. Pasok lang ng pasok! Makakapasa ka din!
  • Kaya mo yan!
Huhu. Halatang may pinaghuhugutan.

No comments:

Post a Comment