Dati ang dream day ko eh umakyat sa entablado kasama tatay ko tapos iaabot sakin ang diplomang labing apat kong pinagharapan. Pero kaya lang iniwan na niya ko eh. Di na niya ko masasamahan. Ang corny siguro para sainyo na biglang ayoko ng mag-aral dahil lang nawala ang isang tao sa buhay ko, kaya lang ganun talaga naramdaman ko. Yung pinaka-malaking inspirasyon mo sa mundo, nawala. Pano ka pa aahon? Pero unti-unti na kong bumabangon. Konting kembot lang yan.
Kaya balik na tayo sa dream day ko. Sa ngayon, ang dream day ko ay yung 50 years from now, kapag malaki na yung mga anak ko, kapag retiro na ko sa trabaho ko, kapag hinihintay ko na lang na kunin ako ni Lord, gusto ko lang maisip lahat ng mga ginawa ko sa mundo at MAKUNTENTO. Balang araw, kapag tapos na ang misyon ko sa mundo, gusto ko lang makuntento sa mga ginawa ko dito. Yun lang.
No comments:
Post a Comment