7.12.2012

6. How do you see yourself in 10 years?

Kapag 27 or 28 na ko, tapos na ko ng pag-aaral. Syempre. Mediyo malabo pa kung ano ang naging trabaho ko, pero may trabaho na ko kasi may bahay na (pwedeng samin din ni Jorenn) ko at may sasakyan. Kasal na ko. Kasi mediyo matanda na ang 27 di ba? Yun. May anak na kami! Pinag-iisipan ko pa kung kailan kami nagpakasal pero basta asawa ko na si Jorenn nyan at may anak na kami. Tapos, ano pa ba... Sana (crossed fingers) successful na ko. Nakamit ko na yung mga dapat makamit ng isang tao before her 30s.
Yun! Hahaha. Siguro nagtataka kayo kung bakit ang clear naman ng view ko ng future at kung bakit sure na sure na ako na si Jorenn ang makakasama ko habangbuhay. Pero kasi kapag nakita mo na o naramdaman mo na na yung taong para sa'yo, hindi ka na maghahangad ng "mas" kasi kontento ka na. Parang sa Twilight, yung "imprint" ng mga werewolves tulad ni Jacob, parang ganon. Kasi yun naman ang sikreto kung bakit masaya ang isang tao, kailangan lang grateful at content ka kung anong meron ka. :-)

No comments:

Post a Comment