Gusto ko mag-date sa farm. Yung parang sa Fun Farm. Tahimik lang. Relaxing. Organic food. Walang hustle and bustle from the city. At syempre, since tropical country tayo hindi mawawala ang beach. Gusto ko din ng hiking. Mag-zipline. Ganon.
Pero yung pinaka-gusto ko eh sa amusement park, pero gabi. Yung lahat ng lights nakabukas tapos ang magical lang tingnan. Naalala ko nung nagpunta kami sa Enchanted Kingdom tapos sumakay kami sa Ferris Wheel, tapos gabi na. Kaya yung view mula sa taas sobrang ganda lang. Hanggang ngayon hindi ko makalimutan yon kasi ang ganda.
Yon! Hahaha. Hello Jorenn. :p
No comments:
Post a Comment