Ayokong sabihin na "Nakapag-move on na ko, matagal na yun." Ayokong dumating sa point na hindi ko na siya madalas mabanggit kasi "nakapag-move on na ko". Sabi dun sa isang book ni Sarah Dessen, na yung pagkawala ng isang tao eh isang pangyayari lang sa buhay mo. Pero KAYA mo pading mabuhay kasabay ng pag-alala mo sa pangyayari na yun.
Okay lang sakin na umiyak ako sa twing maaalala ko siya. Okay lang sakin na may mga panahong hinihiling ko na sana andito pa siya. Kasi gusto kong laging maalala na may isang tao na naging importanteng parte ng buhay ko na kahit gaano man ako tumanda, parte pa din siya ng buhay ko.
Gusto kong i-transform yung lungkot ko sa twing iisipin ko siya, gusto kong maging masaya sa twing maaalala ko siya. Basta gusto ko lagi kitang kasama, di man kita makita ulit, maisip lang ayos na.
No comments:
Post a Comment