7.30.2012

Tattoos.

Kung papayagan ako magka-tattoo ni Mommy, marami sana akong gustong ipalagay sa katawan ko. Para kasi sakin, hindi naman symbol ng "coolness" o ng pagka-"bad ass" ng isang tao ang tattoo. Para sakin, kapag nagpalagay ka ng isang tattoo, sumisimbolo `to sa pagka-individual ng isang tao at yung pagka-unique niya at kasabay na din don syempre yung nagsisilbeng inspirasyon.

  • Gusto ko magpalagay ng "tiwala lang" na tattoo sa right wrist ko. Kasi kapag nada-down tayo, instinct ng tao na takpan yung mata niya ng kamay niya, kaya kapag nalulungkot ako o kapag may problema ako tapos tatakpan ko yung mata ko, makikita ko yung phrase na "tiwala lang". We need to trust in the Lord kasi hindi ka naman Niya papabayaan.
  • "tata's puellula" sa left side ng collar bone ko, para malapit sa puso. Daddy's little girl ang meaning yan.
  • "♌". Sa left side siguro ng leeg ko. Zodiac sign yan ng Leo. Gustong gusto ko kasi yung sign ko. Sumisimbolo sa pagka-independent, strong, outspoken, at kung ano pang Leo traits meron ako.
  • "Nolite te bastardes carborundorum" sa left arm ko. From Margaret Atwood's novel and also from Saving June. Don't let the bastards grind you down. Stand your ground. Maraming meaning `to at depende sa perspective mo. Pero yung pinaka-main ay `wag mong hahayaang diktahan ka ng ibang tao.
Madami pa kong gustong ipalagay kung saka-sakali, pero yan talaga yung gusto ko. May sense, hindi nakikiuso lang.

7.29.2012

TWR BDAY GIVEAWAY: Blackberry 9220.


Mapapa- "Oh my God" ka naman talaga kapag nakita mong ang isa sa pinaka-paborito mong fashion blogger ay nagpapamigay ng Balckberry 9220. At lalo ka pang mapapa- "Oh my God" kapag nalaman mong sa mismong birthday mo pa ia-announce ang winner. Kaya kung tatanungin ako kung ano nga ba ang dahilan kung bakit gusto ko sumali at manalo? Halata naman siguro na ito ay dahil GUSTO KONG MANALO NG BAGONG PHONE PARA SA BIRTHDAY KO. Huhuhu. Ilang giveaways na ang sinalihan ko at hanggang ngayon sawi pa din ako. Kaya sana maawa sakin ang mga dapat maawa (HEHEHEHE) at manalo ako. Hihi. At sabi nga ng isang magaling na manunulat, `wag nating maliitin ang kakayahan nating tsumamba. Apir! Thank you Ms. Cheyser! Thank you Lord!

7.16.2012

10. Which bands would you like to see playing together?

Wow. Ang bigat ng tanong. Hahahahaha.

  • Syempre Parokya ni Edgar.
  • Bamboo tapos tutugtog kasama ang Rivermaya pero wala si Rico Blanco.
  • Hindi ako fan ng Eraserheads masyado kasi wala pa kong isip naghiwa hiwalay na sila pero siguro gusto ko makita yung bands nilang sari-sarili.
  • Urbandub.
  • Sugarfree kahit hindi na sila sama-sama.
  • Kung pwede lang nating buhayin si Francis M., why not?
  • Gloc-9. Although hindi naman sila banda ni Kiko...
  • Slapshock.
  • Chicosci.
  • The Dawn!
  • Pepe Smith.
  • UpDharmaDown
  • Or in short lahat ng mga nasa Pinoy Rock Music scene.
  • Isama na din ang paboritong music photojournalist na si Ms. NiƱa Sandejas!
Mabuhay ang musikang Pilipino! \m/

7.15.2012

“Time is gold.”

Sinong hindi nakakaalam ng “Time is gold.” di ba? Hahaha. Nung elementary ako tapos maglalagay ng quote sa yearbook, puro yan ata ang nilagay ng mga kaklase kong lalake. =)) Bata palang ako naririnig ko na yan. At karamihan ng tao alam yan pero hindi natin alam kung sino ang nagsabi. XD
(9. A well-know quote)

9. What have you accomplished this year (so far)?

So far?
  • Hindi na ko loner sa klase. Lol. Sumasagot na ko sa recitation at pinapakita ko na ang killer moves ko. Hahaha.
  • Nakapag-ipon na ko. Yes! Welcome to my life again, old habit.
  • My life is on track! Currently living my life with no regrets, no hard feelings and with happiness. Sobrang big accomplishment nyan for me kasi ang hirap mabuhay sa past and we need to live in the present in order for us to have a bright future.
  • I'm moving on.

9. A photo you have taken.


Nung nasa Baguio kami nito and mag-pa park kami sa SM. Katatapos lang ng malakas na ulan. Eh ang ganda ng lights kaya pinicturan ko and uploaded it in Instagram. :)

7.14.2012

“We are all meant to shine as children do. It's not just in some of us; it is in everyone. And as we let our own lights shine, we unconsciously give other people permission to do the same. As we are liberated from our own fear, our presence automatically liberates others. ”

― Timo Cruz, Coach Carter (2005)
(8. A quote from a movie)

8. Your most recent photo.

Nung ginawa ko yung computer ng mga pinsan ko. Wooo, sideline beybe. Ipon-ipon din. =)) Webcam nila yan. XD

8. Your dream date.

Gusto ko mag-date sa farm. Yung parang sa Fun Farm. Tahimik lang. Relaxing. Organic food. Walang hustle and bustle from the city. At syempre, since tropical country tayo hindi mawawala ang beach. Gusto ko din ng hiking. Mag-zipline. Ganon.
Pero yung pinaka-gusto ko eh sa amusement park, pero gabi. Yung lahat ng lights nakabukas tapos ang magical lang tingnan. Naalala ko nung nagpunta kami sa Enchanted Kingdom tapos sumakay kami sa Ferris Wheel, tapos gabi na. Kaya yung view mula sa taas sobrang ganda lang. Hanggang ngayon hindi ko makalimutan yon kasi ang ganda.
Yon! Hahaha. Hello Jorenn. :p

7.13.2012

“I ain't affraid to let it out, I'm not affraid to take that fall, but I found beyond all doubt, you say more by saying nothing at all.”

― Brandon Boyd, lead vocals of Incubus
(7. A quote from a band member)

7. Your dream day.

Dati ang dream day ko eh umakyat sa entablado kasama tatay ko tapos iaabot sakin ang diplomang labing apat kong pinagharapan. Pero kaya lang iniwan na niya ko eh. Di na niya ko masasamahan. Ang corny siguro para sainyo na biglang ayoko ng mag-aral dahil lang nawala ang isang tao sa buhay ko, kaya lang ganun talaga naramdaman ko. Yung pinaka-malaking inspirasyon mo sa mundo, nawala. Pano ka pa aahon? Pero unti-unti na kong bumabangon. Konting kembot lang yan.
Kaya balik na tayo sa dream day ko. Sa ngayon, ang dream day ko ay yung 50 years from now, kapag malaki na yung mga anak ko, kapag retiro na ko sa trabaho ko, kapag hinihintay ko na lang na kunin ako ni Lord, gusto ko lang maisip lahat ng mga ginawa ko sa mundo at MAKUNTENTO. Balang araw, kapag tapos na ang misyon ko sa mundo, gusto ko lang makuntento sa mga ginawa ko dito. Yun lang.

7. A photo of someone you miss.


7.12.2012

“Competition will ruin you as a person. Compete not with others but with yourself.”

― Tiny Mendoza

“People don't know 'bout the things I say and do. They don't understand 'bout the shit that I've been through.”

― Only God Knows Why, Kid Rock
6. A quote from a song.

6. How do you see yourself in 10 years?

Kapag 27 or 28 na ko, tapos na ko ng pag-aaral. Syempre. Mediyo malabo pa kung ano ang naging trabaho ko, pero may trabaho na ko kasi may bahay na (pwedeng samin din ni Jorenn) ko at may sasakyan. Kasal na ko. Kasi mediyo matanda na ang 27 di ba? Yun. May anak na kami! Pinag-iisipan ko pa kung kailan kami nagpakasal pero basta asawa ko na si Jorenn nyan at may anak na kami. Tapos, ano pa ba... Sana (crossed fingers) successful na ko. Nakamit ko na yung mga dapat makamit ng isang tao before her 30s.
Yun! Hahaha. Siguro nagtataka kayo kung bakit ang clear naman ng view ko ng future at kung bakit sure na sure na ako na si Jorenn ang makakasama ko habangbuhay. Pero kasi kapag nakita mo na o naramdaman mo na na yung taong para sa'yo, hindi ka na maghahangad ng "mas" kasi kontento ka na. Parang sa Twilight, yung "imprint" ng mga werewolves tulad ni Jacob, parang ganon. Kasi yun naman ang sikreto kung bakit masaya ang isang tao, kailangan lang grateful at content ka kung anong meron ka. :-)

6. A photo of your former crush.


Hi Neil! Hahahaha. =))

7.09.2012

Ayoko mag-move on.

Ayokong sabihin na "Nakapag-move on na ko, matagal na yun." Ayokong dumating sa point na hindi ko na siya madalas mabanggit kasi "nakapag-move on na ko". Sabi dun sa isang book ni Sarah Dessen, na yung pagkawala ng isang tao eh isang pangyayari lang sa buhay mo. Pero KAYA mo pading mabuhay kasabay ng pag-alala mo sa pangyayari na yun.
Okay lang sakin na umiyak ako sa twing maaalala ko siya. Okay lang sakin na may mga panahong hinihiling ko na sana andito pa siya. Kasi gusto kong laging maalala na may isang tao na naging importanteng parte ng buhay ko na kahit gaano man ako tumanda, parte pa din siya ng buhay ko.
Gusto kong i-transform yung lungkot ko sa twing iisipin ko siya, gusto kong maging masaya sa twing maaalala ko siya. Basta gusto ko lagi kitang kasama, di man kita makita ulit, maisip lang ayos na.

3. A quote from your favorite book

Anubayan! Madami din akong favorite books. Hahahahahaha. As of now, 46 ang nasa "favorite" shelf ko sa Goodreads! =)) Siguro, pipili na lang ako ng five.

  1. “'Without pain, how could we know joy?' This is an old argument in the field of thinking about suffering and its stupidity and lack of sophistication could be plumbed for centuries but suffice it to say that the existence of broccoli does not, in any way, affect the taste of chocolate.” John Green, The Fault in Our Stars
  2. “Numbing the pain for a while will make it worse when you finally feel it.” J.K. Rowling, Harry Potter and the Goblet of Fire
  3. “But still, I find the need to remind myself of the temporariness of a day, to reassure myself that I got through yesterday, I'll get through today.” Gayle Forman, Where She Went
  4. “It's funny how someone can be such an integral part of your life, like you laugh at the same jokes and eat your ice cream cones the same way and share your toys and dreams and everything but your heartbeats, and then one day - nothing. You share nothing. It's like none of it ever happened.” ― Sarah Ockler, Fixing Delilah
  5. “I didn't want to fix it, to forget. It wasn't something that was broken. It's just...something that happened. And like that hole, I'm just finding ways, every day, of working around it. Respecting and remembering and getting on at the same time.” Sarah Dessen, The Truth About Forever

3. What do you expect to accomplish this week?

  • Maka-perfect sa quiz sa ITC 1. Hahahahahahahaha! Ayoko kasi sa instructor namin. Kapag magtataas ako ng kamay, ayaw niya ko tawagin kasi gusto niya lalake yung tatawagin niya. Tapos kapag nakita niyang tinutulungan ko yung mga classmates ko para magkaron sila ng recitation, hindi niya tatawagin tapos sasabihin niya bawal daw yung babasahin lang, kailangan may explanation. Tapos kapag tama yung sagot mo sa una, hahanap siya ng butas para mapahiya ka sa klase kasi mas magaling ka sa kanya. Happens every week.
  • Makapag-ipon. Kasi last week, yung ipon ko pinambili ko ng book sa Soc-An kasi nahihiya na ko manghingi ng pambili ng book kila Mommy. Kaya sana makaipon ako ng pambili ko ng kung ano-ano.
  • Mataas din makuha sa long quiz sa English.
  • Mataas sana ang nakuha ko sa quiz last week sa Programming!
  • Ma-"in your face" ulit yung instructor ko sa ITC. Alam ko, napaka-demonyo ko, pero tangina. Kapag nakita niyo siya at kapag naging teacher niyo siya, ewan ko na lang. Ewan ko na lang talaga.

3. A photo of someone you love


Kung wala ka diyan at mahal kita, `wag kang mag-alala wala lang akong makitang picture nating dalawa. =))

7.08.2012

“The secret to happiness...be satisfied and be grateful.”

― Mitch Albom
Madami akong favorite author eh. -,- Pero yung favorite ko ngayon eh si Mitch Albom kasi book niya yung latest na nabasa ko kaya siya na lang muna.
(2. A quote from your favorite author)

2. Your dream job.

Gusto ko sa office. Yung air-conditioned. Yung naka-corporate attire ako. Yung may utusan ako. Gusto ko ako yung boss. Hahaha! De seryoso na... Yung hindi naman malaking-malaki yung sweldo, pero sakto lang. Yung tama lang. Basta nabibili ko yung mga gusto ko sa buhay.
Hindi ko pa alam kung anong klaseng trabaho kasi malabo pa ang view ko sa future nowadays. Hindi ko alam kung gusto kong maging programmer o kahit na anong computer-related job o magturo na lang... Hindi ko pa din alam.
Basta gusto ko ng trabaho na mag-e enjoy ako at mamahalin ako.

2. A photo of yourself a year ago.

Click the photo!

Alay Sa Bunso @ CLSU Auditorium. August 4, 2011.
© Jorenn S. Del Mundo — at Central Luzon State University.

7.07.2012

Sobrang accurate!!!

What Does Your Favorite Breed of Dog Say About You?
You are a jovial, happy-go-lucky person. You always have something to smile and laugh about.
You are playful and full of life. You may not have a lot of energy for work, but you always have lots of energy for play.
You are talkative and even a bit hyper when it comes to conversing. You can talk about everything and anything.
You are a little rough-and-tumble at times. You never like being told what to do.
(Source)

July 6, 2012.

Meron kaming quiz sa Soc-An today at kahit na Friday, pinag-uniform pa din kami ng Prof. namin. Muntanga lang. Kami lang naka-uniform sa school. Hahahaha. Pero looking on the bright side, naka-40 pa ko sa quiz kahit hindi ako nag-review! Yaaaaay. Hahahaha.
Tapos may usapan kami ni Jorenn na ililibre niya ko today kasi naibenta niya yung gitara niya. So naglakad kami papuntang Pizza Galore!
Masarap sana yung carbonara nila pero ang onti. As in hindi man lang ako nadighay. Tapos akala ko ako lang yun, nun pala si Jorenn din. Hahahaha. Kaya nag-aya siya sa Chicboy. I know! Ang takaw namin poreber. =))
Kaya nagpunta kaming Chicboy, naglakad lang para bumaba yung kinaen namin. Umorder kami ng unlimited rice pa. =))
At pagtapos namin, hindi na kami makatayo sa sobrang busog! Hahahahaha. Grabe. Thank you Lord! Wooo! I'm one happy kid. Lalalalalala. XD

“It is better to be hated for what you are than to be loved for what you are not.”

AndrƩ Gide
(1. A quote that describes you.)

1. Your biggest dream in life.

Yung totoo? Gusto ko lang maging masaya. Yung stable na masaya. Yung hindi ko kailangan na sakin lahat, pero nasakin lahat ng kailangan ko. Yung after 10 years or 20 years, nakamit ko na lahat ng mga gusto ko sa buhay.
Makatapos ng pag-aaral. Sobrang importante sakin na may panghahawakan ako sa mga darating na panahon. Gusto ko makakuha ng diploma. Hindi ko kailangan ng trabaho na milyon ang sweldo, pero gusto ko ng sweldo na mabibili ko lahat ng kailangan ko sa buhay ko at para sa magiging pamilya ko.
Gusto kong maging maayos ang buhay ko. Ang corny pero gusto ko ng World Peace. Yung after 10 or 20 years, wala akong kasamaan ng loob, wala akong kaaway, wala akong na-agrabyadong tao, wala akong utang (material o non-material) sa ibang tao. Yung masaya lang. Masaya ka lang na wala kang iniintindi kasi nga masaya ka lang. Yung kapag kukuhanin na ko ni Lord, nagawa ko na yung purpose ko sa mundo. Yung napasalamatan ko na lahat ng mga taong tumulong sakin. Yung nasabi ko na sa mga taong mahal ko na mahal ko sila.
Yon. Yun pangarap ko sa buhay.

1. Facebook Profile Photo.


Challenges... again.

10-day Photo Challenge

10-day "Your dreams/accomplishment" Challenge 
10-day Quote Challenge

All posts are here!

Kapag nagmamahal.

Napaka-corny nung title shet. Hahaha! =)) De seryoso na... Kapag nagmamahal tayo, lalo na kung hindi pa naman tayo gaano katanda, naniniwala ako na kailangang `wag mo ibigay lahat lahat yung pagmamahal mo sa isang tao.
Kung sa scale of 1 to 10, siguro 9 lang. Bakit? Kasi yung natitirang 1, eh para sa sarili mo na. Magtira ka para sa sarili mo kasi hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari bukas o sa mga susunod pang mga taon. Hindi naman sa pagiging pessimistic pero mataas naman na yung 9 `di ba? Alam kong parang ang tamang duda o ang nega naman, pero just in case. Kasi ang dami kong nakikita (thru net) na nagmamahal sila at binibigay nila ang lahat at hindi na sila nakakapagtira para sa sarili nila. Tuloy nahihirapan silang makabangon ulit. Nahihirapan sila mag-move on. Nahihirapan silang ipunin ulit yung scale na 1 to 10 kasi naibigay na nila lahat. Nahihirapan na silang magmahal ulit kasi naibigay na nila lahat.
Pero kung magtitira ka para sa sarili mo, dadating yung araw na yung siyam na kulang sa scale mo, mapupuno ulit. At kung sineswerte ka, baka may magpuno niyan para sa'yo.

7.06.2012

source

Like a boss.


Updated to-post-list:

☐ Baguio Weekend Getaway (May 19-20, 2012)
☑ First Salon Haircut Experience (May 21, 2012)
 Gratuitous Picture of Myself (Lol)
☑ NBA Playoffs thoughts
☑ A post about our new house!
☑ Mga sakim at inggiterang mga tao
☐ Isa pang post tungkol ngayong 2012 and yung mga pagbabago sa buhay ko (Chos)

Gpoy, pre. ☟ ✌


Finally! Hahahaha.

7.04.2012

New template!

Hahaha. I know. So unoriginal. Pero since I don't have the time (unfortunately), I barely update this blog. But really, the time I have for myself greatly decreased since the school year started. I don't have time to do the things that I love to do last summer... like reading, blogging, travelling, feeding myself on what's new in music,  books, movies etc. Wala nga akong alam na bagong kanta ngayon from the musicians I love. Huhu. My life SURPRISINGLY revolves in my studies nowadays. Since I felt that this semester or year has been a "free pass" for me, I've been doing my best (ng bonggang bongga) to be the best. Although it's not a long-term goal, still. Kahit ngayong semester lang. Pero hindi pa din ako nag-re review. Masyado na saking napamahal ang cramming.
I finished reading Have a Little Faith by Mitch Albom last Tuesday. Although I'm not intending to read it, I'm happy that I did because I learned LOTS from this book. It's a very "life-changing" (the term that I used to describe this book) story about two persons having different faiths but still believing in the same uh... faith? Gets? Kahit na magkaiba yung religion nila, pinag-compare sila ni Mitch Albom kasi they have similarities in their beliefs. Pero hindi ko din sure kung yun nga yung gustong ipakita ni Mr. Albom. Haha! Still, I cried 70% of the time I spent reading this one. So good.
Oh and I'm currently suffering from sore throat, cough and colds. Ugh.