Nung Wednesday kasi (June 20) may orientation kami sa school. Tapos nabanggit dun na yung mga hindi pa nagpapa-medical examination, hindi makakakuha ng midterms. Eh si Jorenn kasi, ayaw magpa-kuha kasi natatakot sa injection. Kaya nung Thursday (June 21), no choice kami kaya after class, nagpa-medical na kami.
Sa labas ng university clinic, may dalawang medical technicians (dalawang boy), isang taga-kuha ng blood pressure tapos isang taga-bigay ng lalagyan ng urine sample. Unang step ang pag-bigay ng urine sample tapos next ang BP. Eh yung student bago ako, kinuha yung ballpen nung taga-BP kaya hindi ko mailagay name ko. Eh si Kuya na taga-kuha ng BP, bungisngis pala tapos kung makatawa wagas. Hahahahaha. =)))
After non, pupunta sa university doctor para magpa-check ng count ng heartbeat. After nun, pupunta ka sa isang room na puro medical technicians. Yung iba naman eh tambay lang. Dalawa lang yung talagang may ginagawa (dalawang girl). Yung isa, kukuha ng dugo mo. 2 samples sa parang test tube pero kasing payat ng karayom tapos 2 samples na nakalagay sa glass slide. Eh alam niyo naman ako, madaldal kaya chinichika ko sila.
Tiny: Ate, tutusukin niyo po ba ako?
MedTech1: Malamang. Hahahaha.
Tiny: Pwede ko po ba makita yung blood type ko? Hindi ko po kasi alam eh.
MedTech1: Oo naman, hintay mo na lang. Mga 1 minute lang yon or less pa.
Nung tapos na mailagay sa slide yung dugo ko, may pinatak si Ate MedTech2 na parang kulay blue.
MedTech2: Type A ka.
Tiny: Sure po ba yan?
MedTech2: Bakit? May gusto ka bang ibang type?
Tiny: Eh hindi po. Baka lang po kasi ampon ako eh. =))))
Tapos nung lumabas na ako, si Kuya na MedTech1, na bungisngis din pala, eh chinika ako.
Kuya: Ikaw ba yung nagtanong kung baka ampon ka lang? (tuwang-tuwa na siya nyan)
Tiny: Opo! Hahahaha.
Kuya: Eh bakit? Anong type ba kasi yung nanay mo?
Tiny: Type O po yata eh. (Pero A pala si Mommy. Tinanong ko pagkauwi ko para sure. Hahahaha)
Kuya: Eh baka yung tatay mo.
Tiny: Eh wala na po akong tatay eh.
Kuya: Ay eh bakit?
Tiny: Nasa langit na po.
Kuya: Eh kailan pa? (Oo, ang chika ni Kuya hane? Hahahaha)
Tiny: Nung October lang po.
Kuya: Ano kinimatay?
Tiny: Inatake po.
Kuya: Ilang beses siya inatake?
Tiny: Isa lang po.
Kuya: SIGURO MATABA YUNG TATAY MO NOH?
Tiny: Opo! Hahahahaha. (Napatawa talaga ako. Kagaling ni Kuya eh)
Kuya: Boyfriend mo ba yung nasa loob? (Ka-chika talaga hane? hahahaha)
Tiny: Opo.
Kuya: Siguro kayo yung nag-aaway diyan sa may stage kahapon noh?
Tiny: Ay opo! Kami nga. Hahahaha. Naririnig niyo po ba? =))))
Kuya: Oo! Tuwang-tuwa nga kami sainyong dalawa eh. XD
Tapos after non, lumabas na si Jorenn. Pupunta naman kami sa x-ray room na nakalagay sa sasakyan. First time ko e-x ray-en. Kasama namin dito si Kuyang tagakuha ng BP na bungisngis. Tapos yung rad technician, mediyo matanda na. Mga mid-thirties.
Nung e-x ray na ko, papasok pala sa maliit na room. Eh si Kuyang rad tech sumama sa loob! Eh madilim pa!
Tiny: Kuya may mangyayari ba sa loob?
Kuya: Bakit gusto mo ba? (Pero pa-joke lang)
Tiny: AYAW KO PO!!!
Kuya: Hahahahahaha. AKO DIN EH. =))))))
Tapos si Kuyang bungisngis, tawa na naman ng tawa. Grabe lang. Hahahahaha. =))) Tapos nung mag-isa na lang ako sa room na isa, eka ni Kuyang rad tech, mag-inhale daw ako. Narinig ko naman na na nag-click na yung machine, kaya lang hindi pa sinasabi kung pwede na ko mag-exhale. Kaya sumigaw ako ng,"Kuya, pwede na po bang mag-exhale?!!!!" Eh naririnig pala sa labas, kaya nung paglabas ko, si Kuyang bungisngis eh tuwang-tuwa sakin. Hahahahahaha. Paulit-ulit pang ginagaya yung,"Kuya pwede na po bang mag-exhale?" Hahahahahahahaha. =))
Yun lang! Ang haba na pala. Shinare ko lang. Nakakatuwa yung mga medical technicians eh. XD
No comments:
Post a Comment