Dahil hindi kami nakapasok (oo, nakapasok. hahahaha) kahapon (June 13) after ng program ni JV Ejercito dahil hindi namin alam kung saan yung room namin (oo, hindi namin alam. hahahaha), tumambay na lang kami kay Ma'am Aya sa LHS! Yay! Sobrang na-miss ko siya at ang high school life. Binilan namin siya ng pasalubong, turon ng Chicboy. Tapos bumili din muna kami saglit ng food kaya nung pagbalik namin:
Sir Gervin: Ang sarap ng lumpia niyo!
Tiny: Ser turon yun, turon!
Hahahahaha. Mula 2pm hanggang 5pm nakatambay lang kami sa computer lab ng high school (yung dating Neon). Tapos sakto at shop ng mga 4th year. Nakakatuwa! Nakakamiss. At chaka maiisip mo na, ganito din kami kagulo nung panahon namin. Hahahaha. =))) Hindi na masungit si Ma'am Santos samin ni Jorenn kasi hindi na niya kami estudyante at hindi na kami high school. Sa desk pa ni Ma'am Vicencio kami nakaupo ni Jorenn. XD
After nun, pumunta kami sa meeting ng HS Band. Masaya, na yung mga dating first year eh ga-graduate na next year. Nakaka-overwhelm! Kasi... ang tanda ko na pala! Shet lungs. Hahahahaha. =))))
Yoooooooon. Ang saya lang. Sarap sa NEUST. :-bd
No comments:
Post a Comment