Matagal-tagal ko na ding gustong i-post yung tungkol sa bahay namin. Pero dahil soooobrang habang istorya, iisipin ko pa lang kung paano ko mag-sisimula, nakakatamad na. Pero dahil wala akong ginagawa ngayon (tapos na ang assignments), ku-kwentuhan ko na kayo tungkol sa bahay namin.
Yung bahay namin na luma, pinagawa yun ng lolo ko noong 1968. Kasabay yun ng Manrio Hotel. Kasi yung engineer na gumawa sa Manrio, yun din yung gumawa ng bahay namin. Kay Epa (lolo ko) kasi kumukuha ng cement and other building materials ang Manrio Hotel nun kaya sinabay na niya ang pagpapagawa sa bahay niya.
Malaki yung bahay namin. Mostly made of wood. Pero yung kisame at yung bubong (dahil sa tagal ng panahon) eh sira-sira na. Kaya nung nagka-pera kami, naisipan na namin magpagawa ng bahay kahit hindi pa naman talaga sira yung bahay namin na luma.
Yung lupa kasi na kinatitirikan ng bahay ni Epa, eh kasama dun yung lupa ng kapatid niya. Ngayon, kaya lumiit ng bongga yung bahay namin ngayon, kasi nung nagpagawa kami ng bahay, hindi na namin pinatayuan yung lupa ng kapatid ni Epa para maisoli na namin sa kanila.
At take note, kahit napaka-tagal ng panahon nung mga kahoy, sobrang matitino padin. Kaya yun pa din yung ginamit namin at hangang-hanga pa nga yung gumawa ng bahay namin ngayon kasi above standard daw lahat ng gamit. Yung kisame lang daw talaga ang sira.
So yon nga. Ginawa yung bahay namin nung bandang April. Natapos nitong last week ng May. Nakatira na ngayon kami pero hindi pa tapos. Wala pang palitada at tiles yung sahig kasi inuunti unti pa namin. Pero kahapon (June 15), napalagyan na namin ng palitada yung gawi ng lababo at may tiles na din. Ewan ko lang kung ano yung susunod na gagawin. Baka yung banyo naman.
Yung bahay namin ngayon, mga ten times ang iniliit sa bahay ng lolo ko. Ang daming nanghinayang nung pinatibag naming bahay lalo na yung mga pinsan ni Mommy (pamangkin ni Epa). Eh kaya lang, kung hindi namin ibibigay yung lupa ng kapatid ni Epa, bubwisitin lang naman kami non at hindi naman kasi talaga sa amin yon.
Sa ngayon, mixed emotions ang nararamdaman ko. Masaya kasi hindi na tumutulo tuwing umuulan, pero malungkot din kasi hindi man lang naabutan ni Daddy `to at chaka wala si Kuya nung nagpagawa kami ng bahay kaya parang malungkot din siya na hindi man lang niya nakita muna bago bagbagin.
Pero yung nangingibabaw talaga eh yung gratefulness ko sa Diyos kasi kahit minsan hirap na hirap na kami, hindi pa din niya kami pinabayaan. Na patuloy pa din niya kaming binibigyan ng mga biyaya. Maraming maraming salamat po Lord. Sobra po. Sobrang thankful ako.
Yun lang. Sa susunod na yung pictures! Kapag talagang tapos na yung finishing ng bahay. :-D
No comments:
Post a Comment