6.23.2012

Medical examination.

Nung Wednesday kasi (June 20) may orientation kami sa school. Tapos nabanggit dun na yung mga hindi pa nagpapa-medical examination, hindi makakakuha ng midterms. Eh si Jorenn kasi, ayaw magpa-kuha kasi natatakot sa injection. Kaya nung Thursday (June 21), no choice kami kaya after class, nagpa-medical na kami.
Sa labas ng university clinic, may dalawang medical technicians (dalawang boy), isang taga-kuha ng blood pressure tapos isang taga-bigay ng lalagyan ng urine sample. Unang step ang pag-bigay ng urine sample tapos next ang BP.  Eh yung student bago ako, kinuha yung  ballpen nung taga-BP kaya hindi ko mailagay name ko. Eh si Kuya na taga-kuha ng BP, bungisngis pala tapos kung makatawa wagas. Hahahahaha. =)))
After non, pupunta sa university doctor para magpa-check ng count ng heartbeat. After nun, pupunta ka sa isang room na puro medical technicians. Yung iba naman eh tambay lang. Dalawa lang yung talagang may ginagawa (dalawang girl). Yung isa, kukuha ng dugo mo. 2 samples sa parang test tube pero kasing payat ng karayom tapos 2 samples na nakalagay sa glass slide. Eh alam niyo naman ako, madaldal kaya chinichika ko sila.

Tiny: Ate, tutusukin niyo po ba ako?
MedTech1: Malamang. Hahahaha.
Tiny: Pwede ko po ba makita yung blood type ko? Hindi ko po kasi alam eh.
MedTech1: Oo naman, hintay mo na lang. Mga 1 minute lang yon or less pa.
Nung tapos na mailagay sa slide yung dugo ko, may pinatak si Ate MedTech2 na parang kulay blue.
MedTech2: Type A ka.
Tiny: Sure po ba yan?
MedTech2: Bakit? May gusto ka bang ibang type?
Tiny: Eh hindi po. Baka lang po kasi ampon ako eh. =))))

Tapos nung lumabas na ako, si Kuya na MedTech1, na bungisngis din pala, eh chinika ako.

Kuya: Ikaw ba yung nagtanong kung baka ampon ka lang? (tuwang-tuwa na siya nyan)
Tiny: Opo! Hahahaha.
Kuya: Eh bakit? Anong type ba kasi yung nanay mo?
Tiny: Type O po yata eh. (Pero A pala si Mommy. Tinanong ko pagkauwi ko para sure. Hahahaha)
Kuya: Eh baka yung tatay mo.
Tiny: Eh wala na po akong tatay eh.
Kuya: Ay eh bakit?
Tiny: Nasa langit na po.
Kuya: Eh kailan pa? (Oo, ang chika ni Kuya hane? Hahahaha)
Tiny: Nung October lang po.
Kuya: Ano kinimatay?
Tiny: Inatake po.
Kuya: Ilang beses siya inatake?
Tiny: Isa lang po.
Kuya: SIGURO MATABA YUNG TATAY MO NOH?
Tiny: Opo! Hahahahaha. (Napatawa talaga ako. Kagaling ni Kuya eh)
Kuya: Boyfriend mo ba yung nasa loob? (Ka-chika talaga hane? hahahaha)
Tiny: Opo.
Kuya: Siguro kayo yung nag-aaway diyan sa may stage kahapon noh?
Tiny: Ay opo! Kami nga. Hahahaha. Naririnig niyo po ba? =))))
Kuya: Oo! Tuwang-tuwa nga kami sainyong dalawa eh. XD

Tapos after non, lumabas na si Jorenn. Pupunta naman kami sa x-ray room na nakalagay sa sasakyan. First time ko e-x ray-en. Kasama namin dito si Kuyang tagakuha ng BP na bungisngis. Tapos yung rad technician, mediyo matanda na. Mga mid-thirties.
Nung e-x ray na ko, papasok pala sa maliit na room. Eh si Kuyang rad tech sumama sa loob! Eh madilim pa!

Tiny: Kuya may mangyayari ba sa loob?
Kuya: Bakit gusto mo ba? (Pero pa-joke lang)
Tiny: AYAW KO PO!!!
Kuya: Hahahahahaha. AKO DIN EH. =))))))

Tapos si Kuyang bungisngis, tawa na naman ng tawa. Grabe lang. Hahahahaha. =))) Tapos nung mag-isa na lang ako sa room na isa, eka ni Kuyang rad tech, mag-inhale daw ako. Narinig ko naman na na nag-click na yung machine, kaya lang hindi pa sinasabi kung pwede na ko mag-exhale. Kaya sumigaw ako ng,"Kuya, pwede na po bang mag-exhale?!!!!" Eh naririnig pala sa labas, kaya nung paglabas ko, si Kuyang bungisngis eh tuwang-tuwa sakin. Hahahahahaha. Paulit-ulit pang ginagaya yung,"Kuya pwede na po bang mag-exhale?" Hahahahahahahaha. =))
Yun lang! Ang haba na pala. Shinare ko lang. Nakakatuwa yung mga medical technicians eh. XD

6.22.2012

Camille Co is ♥.

Shet!!! Kinilig ang pwet at internal organs ko!!! Pwede na ko mamatay! Chos. Hahahahaha. =))) Hindi ko naman ine-expect na re-reply-an niya ko. Gusto ko lang malaman niya na gusto ko siya magkaron ng show tapos... yon! Ni-reply-an niyo ko. Shet lungs. :"""> Kahit talo ang OKC ngayong araw, bawi bawi ako dito! Hahahahahaha. =)))) :-bd

6.17.2012

PBB Teens 4 Big Night bets.

Ang mga bet ko para sa The Big Four ay ang mga sumusunod:
  • Alin kay Joj and Jai. Para sakin, hindi pwedeng dalawa sila sa Big 4 kasi ang unfair naman nun. Kasi 50% na agad yung chance nila. Pero para sakin, sigurado akong makakapasok ang isa sa kanila kasi talagang deserving sila sa spot na yun.
  • Roy. Hindi naman sa bias ako, pero para sakin siya yung pinaka-mabait. Base sa obserbasyon ko, siya yung hindi ma-epal, papansin, plastik, atbp. Ewan ko lang din kasi hindi naman ako madalas manuod pero sa twing manunuod ako, wala naman akong nakikitang masama sa kanya.
  • Karen. Kasi kung si Ryan, ang unfair kasi mayaman na siya. At chaka kahit naman maingay, maarte, papansin, at epal si Karen, para sakin isa siya sa pinaka-totoo yung ugali. Sa totoo lang, mas gusto ko siya kesa kay Myrtle. Hahahaha. Di ko din alam kung bakit pero.. yon.
  • At kahit ayoko, as in ayoko talaga dahil si Tom ang gusto ko, para sakin ang isa sa mga magiging Big Four ay si Yves. Hindi pwedeng maging si Alec kasi si Yves, kailangan niya talaga ng pera kaya baka bigyan siya ng place sa Big Four. At siya talaga yung pinaka-ayaw ko.
Logical and practical observation ko yan. Pero malay din natin mapasok sa Big Four sila Ryan, Alec at Myrtle. Opinyon ko lang naman `to. Hahaha! =))))))

6.16.2012

First Haircut! ✄

Hindi ko din alam kung bakit ayaw ni Mommy na magpa-gupit ako sa salon pero nung bata ako kapag tinatanong ko siya, ang lagi niyang sagot eh papangit daw yung buhok ko. Pero dahil sabi nga ng matatanda, kung ano ang ayaw yun ang gusto, lagi kong pinipilit na magpa-gupit sa salon. At after many, many years... naka-chamba din! Hahahahaha.
Nung May 21, mag-a apply kami ni Mommy sa CELCOR ng new meter. Eh magpapa-picture siya, so magpapa-gupit daw muna siya. Tapos sabi ko, ako din. Nagulat na lang ako nung pagkatapos niyang gupitan, sabi niya,"Ikaw na". Hahahahahaha.
Perstaym ko talagang gupitan!!! Perstaym na hindi straight cut na mahaba o maikli yung buhok. Perstaym na may konting arte at style! Hahahaha. Tangina lungs! Pagbigyan niyo na ko matuwa. Perstaym kong tanungin ng mang-gugupit kung anong gusto kong hairstyle!
Pero ang totoo, yung buhok ko ngayon hindi naman ganyan dapat ang itsura. Umikli ng bongga. Gusto ko lang kasi eh medium-length, yung parang kay Emma Stone ba. Kaya lang umikli naman ng parang kay Marian Rivera! Pero ayos lang, maganda din naman yung hairstyle niya, yun nga lang siya yun. Hindi ako. Hahahahaha. =)))
Wala lang. Na i-kwento ko lang! Nasa mood kasi ako mag-blog eh. XD

Bahay.

Matagal-tagal ko na ding gustong i-post yung tungkol sa bahay namin. Pero dahil soooobrang habang istorya, iisipin ko pa lang kung paano ko mag-sisimula, nakakatamad na. Pero dahil wala akong ginagawa ngayon (tapos na ang assignments), ku-kwentuhan ko na kayo tungkol sa bahay namin.
Yung bahay namin na luma, pinagawa yun ng lolo ko noong 1968. Kasabay yun ng Manrio Hotel. Kasi yung engineer na gumawa sa Manrio, yun din yung gumawa ng bahay namin. Kay Epa (lolo ko) kasi kumukuha ng cement and other building materials ang Manrio Hotel nun kaya sinabay na niya ang pagpapagawa sa bahay niya.
Malaki yung bahay namin. Mostly made of wood. Pero yung kisame at yung bubong (dahil sa tagal ng panahon) eh sira-sira na. Kaya nung nagka-pera kami, naisipan na namin magpagawa ng bahay kahit hindi pa naman talaga sira yung bahay namin na luma.
Yung lupa kasi na kinatitirikan ng bahay ni Epa, eh kasama dun yung lupa ng kapatid niya. Ngayon, kaya lumiit ng bongga yung bahay namin ngayon, kasi nung nagpagawa kami ng bahay, hindi na namin pinatayuan yung lupa ng kapatid ni Epa para maisoli na namin sa kanila.
At take note, kahit napaka-tagal ng panahon nung mga kahoy, sobrang matitino padin. Kaya yun pa din yung ginamit namin at hangang-hanga pa nga yung gumawa ng bahay namin ngayon kasi above standard daw lahat ng gamit. Yung kisame lang daw talaga ang sira.
So yon nga. Ginawa yung bahay namin nung bandang April. Natapos nitong last week ng May. Nakatira na ngayon kami pero hindi pa tapos. Wala pang palitada at tiles yung sahig kasi inuunti unti pa namin. Pero kahapon (June 15), napalagyan na namin ng palitada yung gawi ng lababo at may tiles na din. Ewan ko lang kung ano yung susunod na gagawin. Baka yung banyo naman.
Yung bahay namin ngayon, mga ten times ang iniliit sa bahay ng lolo ko. Ang daming nanghinayang nung pinatibag naming bahay lalo na yung mga pinsan ni Mommy (pamangkin ni Epa). Eh kaya lang, kung hindi namin ibibigay yung lupa ng kapatid ni Epa, bubwisitin lang naman kami non at hindi naman kasi talaga sa amin yon.
Sa ngayon, mixed emotions ang nararamdaman ko. Masaya kasi hindi na tumutulo tuwing umuulan, pero malungkot din kasi hindi man lang naabutan ni Daddy `to at chaka wala si Kuya nung nagpagawa kami ng bahay kaya parang malungkot din siya na hindi man lang niya nakita muna bago bagbagin.
Pero yung nangingibabaw talaga eh yung gratefulness ko sa Diyos kasi kahit minsan hirap na hirap na kami, hindi pa din niya kami pinabayaan. Na patuloy pa din niya kaming binibigyan ng mga biyaya. Maraming maraming salamat po Lord. Sobra po. Sobrang thankful ako.
Yun lang. Sa susunod na yung pictures! Kapag talagang tapos na yung finishing ng bahay. :-D

6.14.2012

“Great Day. Great Life. Great Wall. Grateful.”

― Jason Mraz.

Goodreads challenge.

Sad right? -.- Pero kailangan. From 200 to 80!!! Aaaaaaah. Nakakainis. Pero hindi na talaga ako makapagbasa madalas, makapag-computer madalas, atbp. Haaaayyy. Sana makumpleto ko naman na yan. Goodluck sakin! Hahahaha. =))))))

LHS is ❤.

Dahil hindi kami nakapasok (oo, nakapasok. hahahaha) kahapon (June 13) after ng program ni JV Ejercito dahil hindi namin alam kung saan yung room namin (oo, hindi namin alam. hahahaha), tumambay na lang kami kay Ma'am Aya sa LHS! Yay! Sobrang na-miss ko siya at ang high school life. Binilan namin siya ng pasalubong, turon ng Chicboy. Tapos bumili din muna kami saglit ng food kaya nung pagbalik namin:
Sir Gervin: Ang sarap ng lumpia niyo!
Tiny: Ser turon yun, turon!
Hahahahaha. Mula 2pm hanggang 5pm nakatambay lang kami sa computer lab ng high school (yung dating Neon). Tapos sakto at shop ng mga 4th year. Nakakatuwa! Nakakamiss. At chaka maiisip mo na, ganito din kami kagulo nung panahon namin. Hahahaha. =))) Hindi na masungit si Ma'am Santos samin ni Jorenn kasi hindi na niya kami estudyante at hindi na kami high school. Sa desk pa ni Ma'am Vicencio kami nakaupo ni Jorenn. XD
After nun, pumunta kami sa meeting ng HS Band. Masaya, na yung mga dating first year eh ga-graduate na next year. Nakaka-overwhelm! Kasi... ang tanda ko na pala! Shet lungs. Hahahahaha. =))))
Yoooooooon. Ang saya lang. Sarap sa NEUST. :-bd

Konichiwa! ☺

After 5 days, ngayon lang ulit ako nakapag-internet and after 2 weeks, ngayon lang ako nakapag-open ng Blogger. Haaaay... School's keeping me busy these days. Pero hindi dahil nag-aaral ako o dahil marami kaming assignments pero dahil sa pag-iintindi ng mga bagay-bagay.
Books, 1x1 pictures, 3R picture (biruin mong merong teacher na nanghihingi ng 3R photo ng mukha mo), at iba pa. Ayoko kasi ng professors na nanghihingi ng pictures. Dagdag gastos na nga, hindi rin naman nila natatandaan yung estudyante nila. Sayang lang ang P60.00 mo. Ang effort na magpa-picture, atbp. Hahahahaha. Wala lang. Type ko lang na mainis sa kanila dahil kasalukuyang wala akong pera. =))
Yon, sorry kung wala akong posts. Yung akala kong makakapag-blog ako madalas dahil 4 days a week na lang ako? Mali pala. Hindi man lang ako makapag-computer dahil pagdating sa bahay, hindi mo na hahanap-hanapin ang computer. Kain at tulog na lang. At nuod ng TV. XD
Anyway, so far so good ang first month in NEUST ko! Sana kayo din, masaya ang first month niyo this semester! :-bd

6.02.2012

Sabihin mo ng sabihin sa sarili mo, malay mo balang araw magka-totoo.

Eh malay mo lang naman... Malay mo nga?

NBA Playoffs 2012.

Mainit init na topic ngayon `yan these days. Anong team ka ba? Ako? Oklahoma City Thunder poreber. Nung isang taon pa lang, gusto ko na sila. Gusto namin sila nila Daddy at Dikong, kasi nga mga baguhan sa basketball scene. Akala ko ngayong 2012 Playoffs, konti lang magkaka-gusto sa kanila. Ngayon ngang wala na si Daddy, akala ko kami lang ni Dikong eh. Kaya nagulat ako na marami din palang may gusto sa kanila nowadays. Sabi nga ni Miggy Chavez of Chicosci,"Usong team" daw ang OKC Thunder. Well... Ayos lang na malait. Hahaha. Eh magaling naman. Hindi nga ganong magagaling at bihasa, ayos lang. Basta Thunder poreber ako. Masaya na ko na natalo nila ang Los Angeles Lakers. (lol to that)
Ang ayaw ko naman na team eh Miami Heat. Hindi ko alam. Dati gusto ko sila. Lalo na nung andun pa si Shaq (jusko napakatagal na non) pero ngayong andun na si Lebron, ayoko na sa kanila. Eh bias na kung bias, pero ayoko talaga sa kanya kahit na sabihin magaling "daw" siya. Hindi naman ako judgmental about it. Basta ayoko sa kanya. Period.
Sa ngayon, malaki ang chance na matalo ang OKC vs. San Antonio Spurs. Magaling kasi ang SAS. Lalo na si Tony Parker at Manu Ginobili. Gusto ko din sila. Matagal-tagal na sila sa NBA at mediyo matagal-tagal na din ang nakalipas nung umabot sila sa Western Conference Finals. Actually, gusto ko naman sila. Sa ngayon, ang ayaw ko lang naman na team eh LAL at MIA. Ewan ko. Siguro dahil ang daming may gusto at minsan ang overrated na ng mga comments tungkol sa kanila. Pero yung LAL gusto ko na din ngayon. Gusto ko na din si Kobe. Sana mag-retiro na siya. (hahahaha gusto pa daw eh noh)
As of now, ang palagay kong maglalaro sa The Finals eh SAS at MIA. At namamataan ko ding matatalo ang Heat. Yun lang. 

Inggit.

Walang biro. Sadyang nakakalason. Sadyang nakakamatay. Isa sa mga pinaka-makasalanang gawain ng mga tao, at isa din sa pinaka-madalas.
Inggitero. I had a share of experience dealing with people like them. Yung mga taong nananahimik ka na, pero guguluhin ka pa dahil sila sa sarili nila walang peace of mind. Yung mga taong sa sobrang inggit nila sa posisyon mo sa buhay, kung ano-ano na sinasabi sa'yo.
Meron pa nga akong kakilala, sabi papatayin daw niya kami. Minsan naman, papalayasin daw. Ganyan ba talaga yung mga taong inggit? Ayaw na nakikitang masaya at mapayapa ang mga tao sa paligid nila? Tangina, eh. Kulang pa ba na nakikita niyong wala ng nagtataguyod samin? Di pa ba sapat na nakita niyo ang mga paghihirap namin para bumangot ulit? Tangina niyo lang. Oo, tangina niyo ho. Sa bawat luha na pinatak ng mga mahal ko sa buhay, sa lahat ng sama ng loob na dinulot niyo sa Mommy ko tandaan niyo na babalik din lahat sa inyo.
Pero sabi nga nila, ipag-dasal na lang natin ang mga taong nabubuhay sa mundong ganyan. Ipaubaya na natin sila sa karma at kay Lord.
Kaya sa mga taong inggit, hinay-hinay lang. Nakamamatay.

Nakaka-bobo ka poreber, HTML.