5.31.2012

Eto na naman...

(Tono ng `Di Na Natuto)
Eto na naman ako. Nag-sa sad trip na naman. Ang hirap pala noh? Ang hirap pala kapag may gusto kang ipag-damot pero hindi mo magawa. Yung tipong galit na galit ka kasi nakukuha siya ng iba. Tapos bigla ka na lang parang masasapak ng malakas sa mukha sabay sabing,"Tangina. Ano karapatan ko? Hindi naman siya sakin." Ang hirap pala, pre. Ang hirap pala kapag may gusto kang ipagdamot na hindi naman sa'yo. Ang hirap sa puso. Sagad hanggang buto.
Yung tipong natatakot ka na mawala siya... pero teka? Sa'yo ba siya? Hindi naman `di ba? Kaya wala ka dapat ika-emo diyan. Pano na yung mga moments, memories, atbp? Pano na lahat? Ganon na lang yon? Mawawala kasabay ng pagkawala niya sa buhay ko?
Eh tangina pala. Pabatok nga ng isang malakas para matauhan naman ako. Eto na naman ako eh. Sasabihing ayoko na. Sasabihing tama na. Pero tuloy pa din. Umaasa pa din. Na kahit ilang beses ka ng nasaktan, kahit ilang beses ka ng nag-mukhang tanga, andiyan ka pa din. Ilang araw pa? Ilang buwan? Taon? Millenium? (chos)
Ang hirap pala kapag nag-e expect ka kasi sobrang sakit pala kapag na-disappoint ka. Eh bastusan eh. Nag-mukha ka lang tanga. Nakaka... speechless.
Sana wala na lang mga taong paasa. Para wala na lang taong nasasaktan. Kasi pre... Yung totoo? Masakit, eh.

5.28.2012

One Direction - What Makes You Beautiful (Boyce Avenue cover)


Shit lang. I love them.

Yung totoo? Hindi ka kawalan.

Lady Gaga.

Hahahaha. I know. Ilang araw na ang nakalipas mula ng mag-concert si Lady Gaga dito sa Pinas. Pero! Wait lang. I-she-share ko muna ang aking mga opinyon tungkol dito. Ang totoo niyan, nasabi ko naman na, kaya lang sa Twitter. Kaya lalagyan ko din dito sa blog ko para may mabasa lang kayo. Hahahaha. =))
De, seryoso na. Ang dami-daming problema sa Pilipinas, tapos si Lady Gaga ang pino-problema ng ibang tao. Di ba? Nakakagago lang sila. Ang tagal ng kino-commercial ng concert ni Gaga tapos ngayon lang sila nagsipag-reklamo? Nakakaasar lang. Pa-pampam lang amputs.
Bakit, narinig ba sa bahay nila ang boses ni Lady Gaga nung nag-concert siya sa MOA last week? Lumabas ba sa monitor ng computer mo o sa TV mo yung mismong concert niya? Hindi naman kayo pinilit bumili nung ticket niya tapos kung mag-reklam kayo, wagas. Kung ayaw niyo sa kanya, baka magulat kayo na ayaw din niya sainyo.
Sabi nga sa isang quote sa internet,"Liking Lady Gaga’s songs won’t make you a demon. Same as listening to Hillsong’s music won’t make you a saint." — Maria Agatha E. Rediga. Naging banal ka ba nung sinabi mong ayaw mo sa kanya? Hindi naman di ba? Naging demonyo ba yung mga nanuod sa kanya nung isang linggo? Hindi naman di ba?
Oo, dapat respetuhin namin yung opinyon niyo tungkol sa kanya. Pero yung gusto niyo pang ipa-cancel yung concert niya dahil lang ayaw niyo sa kanila, ibang usapan na yan. Yung iba nga nakikigaya lang na magsabing ayaw nila kay Lady Gaga. Ako, nakikigaya lang din naman ako sa iba eh. Hahahahahaha. =)))
Seryoso na ulit... DI BA?! Ang hapdi sa bangs men. Ang hapdi. Abay kung gusto niyong respetuhin kayo, matuto din kayong respetuhin ang ibang tao.

Click the photo!

Wala lang. Kinilig lang ako kasi sa twing iti-tweet ko si Sir Chito sakin, nag-rereply siya. :p =)))))))))))) #babaw

Pa-pampam lang?

Alam mo yung mga taong mag-po post ng picture nila (mukha, binti, paa, ilong, etc.) online tapos lalaitin lang nila yung sarili nila? Tangina eh. Meron akong nakita, mas mataba lang ng kaunti sa palito yung braso niya tapos eka,"Sorry. Malaki braso ko." Tangina `te? Kung malaki braso mo, pano pa ko? Ano yung akin, kasing laki lang ng elephant? Tae.
Meron namang iba, ang ganda ganda na nila, eka pa,"Kung naging maganda lang sana ako, sana etc, etc." Tanginaaaaa? Kung panget ka, ano pa ko? Nakakaloka talaga.
Di maganda sobrang vain. Sa totoo lang. Baka kapag nag-de date kayo ng boypren mo eh tingin ka ng tingin sa salamin. O kaya naman kapag may picture-taking eh, mga ilang minuto muna ang lilipas bago maayos "ang tamang pose" mo. `Wag ganon. Kakainisan ka ng mga tao sa paligid mo kapag ganon.
Matuto tayong tanggapin kung pano tayo ginawa ng Diyos. Wala namang taong panget. Wala namang taong perpekto. Wala namang taong sinapo lahat ng magagandang traits sa mundo. Lahat tayo may pagkukulang. Instead of pointing out your flaws, ipakita mo ang best na binigay sa'yo ni God. Mapa-talent man yan, mapa-love for society man yan, o kung ano pa man yan. Matuto tayong mag-appreciate. Di yung puro lait lang. Lait ng lait, pati yung sarili nilalait na. `Wag ganon men. `Wag ganon.

5.25.2012

Before anything else, I just want to say something to someone very important to me. Hi, I just want to say that even though I don't always say it, I care. I always have and I always will. It's just, showing people how much they mean to me is very hard for me to do. And the thing is, I'm not good in expressing my feelings towards people because I feel that they tend to become awkward (the people) and overrated (the feelings). Another aspect is I feel that you're not good in expressing your thoughts and emotions to other people as well, no matter how close you are with them so I want to make it easier for you. I don't want to make you feel obliged to be always there for me and that goes the same for me. It's more important that even though we don't always talk and see each other, we know that we will always be there to share a comforting shoulder to one another.
And I also want to say I'm sorry if there are times when I'm not there when you need someone to talk to or if you just need someone to feel that you're not alone. I don't have any excuse for the wrong things I do and I feel sorry for myself, too. You were always there when I needed you and I know you deserve much more than that.
So before I end this, I want you to know that I love you. I'm not perfect and I know I always fix the spotlight on me and I always forget to ask how are you feeling, but I do love you. I hope you know who you are! I know you do. ;p
P.S. Hindi si Jorenn to.

5.24.2012

Reprieve.

Kung napansin niyo naman, wala akong masyadong posts ngayong bakasyon. Dahil yun sa maraming bagay tulad ng bakasyon. Eh yun nga, wala akong masyadong mai-post. Wala din akong masyadong inspirasyon. Isa pang dahilan ang pag-gising ko ng tanghali araw-araw. Eh yun nga, kapag gumising ako ng tanghali, gising na din yung kapatid ko. Tapos kapag nag-computer ako, papanuodin ako. Ayoko kasi ng ganun. Lalo na kapag may tina-type ako. Nakaka-imbyerna, tangina. Tapos isa pang dahilan yung mga putanginang taong hanggang ngayon eh ginugulo pa yung buhay namin. Tangina niyo lang. Nananahimik na kami. Tangina niyo lang talaga.
Kaya kung yung ibang bloggers (tulad ng favorite book blogger ko) eh nag-ha hiatus dahil may pasok, ako baliktad. Dahil once the new school term starts, I will be around more. Bakit? Dahil:
  1. Apat na araw lang ang pasok ko. At yung Tuesdays and Thursdays ko pa eh half-day lang. Madami na akong maku-kwento, madami pa akong time.
  2. May pasok na din si Dikong. That means wala na kong kaagaw sa computer. Well, pwera si Mommy. Hahahahahaha. =))
  3. Tapos na yung mga iniintindi ko nun. Sa ngayon kasi, madami-dami pa. Kaya hindi pa mapakali yung utak ko.
Kaya `wag niyo kong masyadong mami-miss! Hahahaha. Mag-po post pa din naman ako, kaya lang hindi na madalas. Tulad nung weekend getaway namin sa Baguio nung 19, hindi ko pa nai-ku kwento. Tsaka yung first time ko magpa-gupit sa salon! Yung ichura ko ngayon. At madami pang iba! Sa susunod na. Hahahaha. Basta. Kapag nag-June na, bobonggahan ko na ulit ang mga posts ko. "Ang pagbabalik." Lol. Hahahaha. =))
Enjoy the rest of your vacation! Konting kembot na lang yan at magpa-pasukan na naman! XD

5.18.2012

Plans this coming June.

  • Bumili ng books! Secondhand or brand new, hardbound or paperback, romance or action... Gusto ko lang magbasa sa totoong libro for a change. Pero syempre, magbabasa parin ako via ebooks (expert in piracy). Pero yun nga, para maiba naman!
  • Magpa-payat. Hahahahahaha. Every time na lang na magpa-plano ako, kasama `to lagi kasi hanggang ngayon hindi pa din natutupad! Lol.
  • Mag-aral mabuti at `wag na maging pasaway. O:-) Oo! Totoo na `to. Tengene. Hindi na ko mag-ka cut ng classes (jusko naman. sa ganda ng sched ko malamang hindi na ko mag-ka cutting niyan)
  • Hindi na ko iinom ng softdrinks!!!
  •  Mag-ipon. Ito yung hindi ko nagawa sa unang taon ko sa college. As in. Mas may naiipon pa ko ng bakasyon kesa may pasok. Hindi ko alam. Kasi siguro madaming bayarin sa school o talagang mahal ang pamasahe o magastos sa CLSU, hindi ko alam. Nung high school kasi ako, wagas ako kung mag-ipon. Talagang nakakabili ako ng mga gusto kong bilin. Pero this year, sana maibalik ko na yung pag-iipon ko.
Yown! Konting araw na lang at magkikita na tayo baon! Kalma lang!

Schedule for the first semester.


Hindi pa 100% sure kung halfday nga ako ng Tuesdays and Thursdays pero... SANA!

“I have known the joy and pain of friendship. I have served and been served. I have made some good enemies for which I am not a bit sorry. I have loved unselfishly, and I have fondled hatred with the red-hot tongs of Hell. That's living.”

― Zora Neale Hurston

“You can change your hair and you can change your clothes. You can change your mind, that's just the way it goes. You can say goodbye and you can say hello, but you'll always find your way back home.”


5.13.2012

Happy Mother's Day! ♡

Gumising ako ng maaaga dahil may usapan kami ni Jorenn na bumili ng gift para sa aming mga Mommies! Hahahaha. Secret yun at hindi alam ni Mommy. Kaya pag-uwi ko, imbis na matuwa eh nagalit pa ata. Kanina pa pala kasi ako hinahanap dahil mag-su swimming nga kami (yes natuloy!). Hahahaha. =))
 Chocolate cake and carrot cake from Edna's Cakeland! (Sorry kung hindi na perfect yung ayos ng icing. Nadagnan kasi ng pintuan eh. Hahahaha.) Anyway, ang sarap ng carrot cake!! *ehermmm* Lol.
So yun. Sa Almon Waterpark kami mag-su swimming at dali-dali kong nilagay yung mga damit ko sa bag ko. At dahil kay Kuya Jayjay kami sasakay, kasama namin sa sasakyan si AJ! Cute cute cute! :) Nung nasa daan kami, tinatanong namin siya, ano sabi ng cow, dog, cat, bird, at chaka sheep. Dire-diretso ang sagot at tama lahat! Minsan wala kasi siya sa mood sumagot kaya tuwang-tuwa kaming lahat. XD
Numbah two!
Hungry and thirsty AJ from swimming! Hahahaha. Cute. :")
May namura pa nga akong bata nung nag-slide kami. Kasi naman, pinapauna na namin sila mag-slide at kaming apat na mag-pi pinsan eh gusto mabagal (Si Aira at Kyla lang pala), tapos bigla ba namang nakisabay! Ang bilis tuloy tapos nabunggo ako kasi ako yung nasa dulo tapos muntik na malunod yung pinsan ko (maliit pa kasi). Nung instant na bumalik hininga ko sabi ko,"SINO YUN?!!!" Tapos may tinuro sila. Technically hindi ko naman siya minura, ang sabi ko lang,"Putangina ha! ANG SAKIT NON POREBER!!!" Hahahaha. Tapos nadinig nung lifeguard kaya sinumbong sa announcer. Nalungkot tuloy yung bata. As in nakakaawa yung mukha niya. =))) Well, sorry pate. Masakit talaga eh. XD
Yown. After namin mag-swimming (or magbabad sa tubig), dumiretso ulit kami sa Cecilia para mag-miryenda. As if namang gutom kami dahil napaka-dami naming dala sa Almon. Hahahahaha. =)) Pero kahit na, dahil paborito namin yung handa (Fiesta kasi sa Cecilia).
Peborit ni Abuy! XD (Happy Anniversary Abuy and Ate VIna! :-D)
Then after nun, umuwi na kami. Sobrang pagod at masaya kaya pagkaligo ko, natulog ako kaagad. =)))
How's your summer guys? Malapit na naman ang pasukan kaya mag-enjoy na! :)))

5.12.2012

May 12, 2012.

Happy birthday, Titz! Birthday ng Tita ko (bunso nila Daddy) at pumunta kaming Cecilia. Pero bago ako pumunta dun, sumama muna ako kay Jorenn sa Mega. Sinama ko din yung pinsan ko (si Anna Bunana) kasi bihira lang gumala yun ng hindi kasama ang Mommy or mga tita namin.
Bumili pa kami ng card sa National Bookstore. Hahahaha. =))
Ang cute noh? Dalawa na lang silang natitira kaya buti na lang nakita ni Jorenn. After nun, pumunta na din kaming Cecilia ni Anna. Pagdating naman namin dun, inutusan ulit kami sa Pacific para bumili ng gift kay Ninong Andy (asawa ni Titz). Wedding anniversary din nila kasi today kaya pinabili kami ng cue (billiards) sa Toby's. Pero syempre hindi muna kami umuwi agad-agad. Naglibot muna kami sa Robinson's. Well, ako lang pala kasi yung dalawa eh nag-Tom's World. XD
Ang cute nitong Hufflepuff shirt ng Whatever! At chaka yung lion na stuffed toy. Ang tagal tagal ko na kasing naghahanap ng stuffed toy na lion tapos ngayon lang ako nakakita. Ang cute pa. :-D
 Tapos umuwi na kami sa Cecilia. Videoke time naman at hintay para sa pagdating ni AJ. Nakakatawa sila Anna, Kyla, at Aira kasi akala mong tatlong taong hindi nakita si AJ eh! Hahahahaha. =))) Nagpustahan pa kami kung anong oras dadating. Walang nanalo dahil 7:47pm yung sabi ni Kyla tapos 7:48pm nung dumating sila. XD
Pagbaba ni Kuya Jay, binigyan si Tita ng isang piling na saging. Sabi ko naman,"Alam ko na kung bakit saging ang gift mo Kuya! Kasi saging lang ang may puso." HAHAHAHAHA I know, korny. :p At least puma-punchline! =))
Ayun, after nun hinatid na kami ni ABUY. Yes, si Abuy ang nag-drive. Gusto ko na din tuloy umiprove ng 4-wheels! Hahahaha. =)))
Then, may balak silang mag-swimming tomorrow. Sana matuloy!

5.10.2012

Productive day, I think?


Thank you Aira & Kyla for lending me two books today! Naging productive naman kahit papaano (at last) ang araw na'to. I've read 49 books so far this year at sana ma-complete ko yung challenge ko sa Goodreads for 2012. :) Anyway, ngayon lang ulit ako nakahawak ng "totoong" libro for months. Madalas kasi puro ebooks lang kasi
  • Bakasyon
  • At dahil bakasyon, walang pera
  • At kapag walang pera, walang pambili ng libro
Hahahaha. Gustong gusto (as in gusto ko talaga) na bumili ng books to start a collection for myself. Pero dahil kailangan natin maging practical these days, kung meron namang pirata, eh yun na lang.
You can read my reviews on certain books that I've read in my other site: Tiny and her books! Pero dahil kapag mag-sisimula na akong mag-start mag-type, wala nang masyadong pumapasok sa isip ko kaya konting books lang ang meron dyan. Pero kung may time ka, why not read some? :)
Yown... Happy Summer! Enroll enroll din next week and my surprise post ako tungkol dun. Hahahahahaha. "Anong course ang kukunin ni Tiny". Lol. Stay tuned! =)))

“To be happy... you must let go of all negative beliefs, emotions, things, and people which are holding you back in life.”

— Robert Tew

5.09.2012

“I wanted a perfect ending. Now I've learned, the hard way, that some poems don't rhyme, and some stories don't have a clear beginning, middle, and end. Life is about not knowing, having to change, taking the moment and making the best of it, without knowing what's going to happen next. Delicious Ambiguity.”

Gilda Radner

“Don't let negative and toxic people rent space in your head. Raise the rent and kick them out.”

— Robert Tew

Monopoly: Philippine Edition.

Ayon sa photo at title ng post na ito, malamang puro yun ang ike-kwento ko. Kasi...shet lang. Kung wala itong laro na `to ng pinsan ko (kung hindi nawala yung pinsan ko sa Toy Kingdom kasi naiwan siya ng tita ko kaya sya meron nito. pang suhol. hahahaha) napaka-boring siguro ng summer naming mag-pipinsan na naka-bakasyon sa bahay.
Araw-araw yan ang routine namin nila Aira, Kyla, Anna, at Dikong. Pag-punta nila dito galing Cecilia, kakaen kami ng almusal at magkikita-kita. Tapos mag-aayaan ng Monopoly. Tapos kapag lunch time na, magtuturuan kung sino ang bibili ng juice. Yung "Tang Galaxy". Hahahaha. Tapos kakaen ng lunch. Depende kung saan namin napag-trip-an kumaen. Kung dito sa bahay o sa bahay ng mga lola ko (kila Anna). Bring your own food. Pati na din plato. Juice lang ang libre. Hahahahaha. =)))
Tapos Monopoly ulit! Kapag nagsawa na, maliligo muna. Minsan basaan nalang. Mas masaya. Katulad nga nung post ko na ito. Wala lang. Mainit eh. =)) Tapos kapag nagkita-kita na naman kami, mag-aayaan naman. Depende ulit kung ano trip namin kasi may Pictionary din sila. Huahahahaha. Di pa namin na-try gamitin yung Scrabble nila. XD
Tapos miryenda naman! Hahahahahahahaha. =))))) Tapos laro ulit! Tapos kapag uuwi na yung mga pinsan ko (Aira and Kyla), bukas na naman ulit! XD
Sarap buhay lang `pag bakasyon. Para kaming mga patabaing biik at baboy. Hahahahahahaha. =))))
Happy Summer sa lahat! At advance Happy Mothers Day! Exhale hate and spread the love love love! (korny ko tangina) :-bd

5.08.2012

May 7, 2012.

(Late post)
Ayon sa post ko, nanuod na kami ni Dags nung April 27 at dahil sobrang nag-enjoy ako at nagandahan sa movie at the same time, pag-uwi nila Jorenn galing Baguio (again), inaya ko siya manuod ng The Avengers! =))))))))) :-bd
Kumaen sa Jollibee then naghanap ng phone na bibilhin ko. Wala akong nakita. Nakakainis lang. Walang JAVA! Ang pinakamurang phone na may Java eh 2k na. Psh~
So after namin maghanap, nagpunta na kaming sinehan para manuod. Syempre, laptrip at enjoy na naman ako ng bongga dahil sa kagwapuhan ni Captain America (kay Dags na daw si Hawkeye. :p) at Thor, ka-sexy-han ni Black Widow, at sa ka-comedy-han (ano daw) nila Hulk at Iron Man. =))))
Tapos nung uuwi na kami, nag-away na naman kami ni Jorenn. As usual. Syempre. Benta eh. Hahahaha. Pano nga kasi, ayoko pang umuwi tapos nag-aya na siyang umuwi. Tapos nung nasa bahay na kami, nag-aya naman siya umalis ulit. Di ba? Nakaka-init ng ulo. Eh ang init init pa naman non. Hahahahaha.
Kaya warning sa mga gusto mag-jowa, kung gusto niyo ng stress-free life, `wag na lang kayo mag-jowa. Hahahaha. Nakakapagod. Pero sabi nga nila, nasa tao lang yan. Kaya kung kaya pa, go lang ng go. ;)
YOWN!
Mag-su-swimming dapat kami nung May 6 pero hindi ako nakasama kasi nag-ayos kami ng gamit dito sa bagong bahay. -____-" Matatapos na yung bakasyon pero hindi pa din ako nakakapag-swimming! :|