(Tono ng `Di Na Natuto)
Eto na naman ako. Nag-sa sad trip na naman. Ang hirap pala noh? Ang hirap pala kapag may gusto kang ipag-damot pero hindi mo magawa. Yung tipong galit na galit ka kasi nakukuha siya ng iba. Tapos bigla ka na lang parang masasapak ng malakas sa mukha sabay sabing,"Tangina. Ano karapatan ko? Hindi naman siya sakin." Ang hirap pala, pre. Ang hirap pala kapag may gusto kang ipagdamot na hindi naman sa'yo. Ang hirap sa puso. Sagad hanggang buto.
Yung tipong natatakot ka na mawala siya... pero teka? Sa'yo ba siya? Hindi naman `di ba? Kaya wala ka dapat ika-emo diyan. Pano na yung mga moments, memories, atbp? Pano na lahat? Ganon na lang yon? Mawawala kasabay ng pagkawala niya sa buhay ko?
Eh tangina pala. Pabatok nga ng isang malakas para matauhan naman ako. Eto na naman ako eh. Sasabihing ayoko na. Sasabihing tama na. Pero tuloy pa din. Umaasa pa din. Na kahit ilang beses ka ng nasaktan, kahit ilang beses ka ng nag-mukhang tanga, andiyan ka pa din. Ilang araw pa? Ilang buwan? Taon? Millenium? (chos)
Ang hirap pala kapag nag-e expect ka kasi sobrang sakit pala kapag na-disappoint ka. Eh bastusan eh. Nag-mukha ka lang tanga. Nakaka... speechless.
Sana wala na lang mga taong paasa. Para wala na lang taong nasasaktan. Kasi pre... Yung totoo? Masakit, eh.
No comments:
Post a Comment