5.28.2012

Lady Gaga.

Hahahaha. I know. Ilang araw na ang nakalipas mula ng mag-concert si Lady Gaga dito sa Pinas. Pero! Wait lang. I-she-share ko muna ang aking mga opinyon tungkol dito. Ang totoo niyan, nasabi ko naman na, kaya lang sa Twitter. Kaya lalagyan ko din dito sa blog ko para may mabasa lang kayo. Hahahaha. =))
De, seryoso na. Ang dami-daming problema sa Pilipinas, tapos si Lady Gaga ang pino-problema ng ibang tao. Di ba? Nakakagago lang sila. Ang tagal ng kino-commercial ng concert ni Gaga tapos ngayon lang sila nagsipag-reklamo? Nakakaasar lang. Pa-pampam lang amputs.
Bakit, narinig ba sa bahay nila ang boses ni Lady Gaga nung nag-concert siya sa MOA last week? Lumabas ba sa monitor ng computer mo o sa TV mo yung mismong concert niya? Hindi naman kayo pinilit bumili nung ticket niya tapos kung mag-reklam kayo, wagas. Kung ayaw niyo sa kanya, baka magulat kayo na ayaw din niya sainyo.
Sabi nga sa isang quote sa internet,"Liking Lady Gaga’s songs won’t make you a demon. Same as listening to Hillsong’s music won’t make you a saint." — Maria Agatha E. Rediga. Naging banal ka ba nung sinabi mong ayaw mo sa kanya? Hindi naman di ba? Naging demonyo ba yung mga nanuod sa kanya nung isang linggo? Hindi naman di ba?
Oo, dapat respetuhin namin yung opinyon niyo tungkol sa kanya. Pero yung gusto niyo pang ipa-cancel yung concert niya dahil lang ayaw niyo sa kanila, ibang usapan na yan. Yung iba nga nakikigaya lang na magsabing ayaw nila kay Lady Gaga. Ako, nakikigaya lang din naman ako sa iba eh. Hahahahahaha. =)))
Seryoso na ulit... DI BA?! Ang hapdi sa bangs men. Ang hapdi. Abay kung gusto niyong respetuhin kayo, matuto din kayong respetuhin ang ibang tao.

No comments:

Post a Comment