Alam mo yung mga taong mag-po post ng picture nila (mukha, binti, paa, ilong, etc.) online tapos lalaitin lang nila yung sarili nila? Tangina eh. Meron akong nakita, mas mataba lang ng kaunti sa palito yung braso niya tapos eka,"Sorry. Malaki braso ko." Tangina `te? Kung malaki braso mo, pano pa ko? Ano yung akin, kasing laki lang ng elephant? Tae.
Meron namang iba, ang ganda ganda na nila, eka pa,"Kung naging maganda lang sana ako, sana etc, etc." Tanginaaaaa? Kung panget ka, ano pa ko? Nakakaloka talaga.
Di maganda sobrang vain. Sa totoo lang. Baka kapag nag-de date kayo ng boypren mo eh tingin ka ng tingin sa salamin. O kaya naman kapag may picture-taking eh, mga ilang minuto muna ang lilipas bago maayos "ang tamang pose" mo. `Wag ganon. Kakainisan ka ng mga tao sa paligid mo kapag ganon.
Matuto tayong tanggapin kung pano tayo ginawa ng Diyos. Wala namang taong panget. Wala namang taong perpekto. Wala namang taong sinapo lahat ng magagandang traits sa mundo. Lahat tayo may pagkukulang. Instead of pointing out your flaws, ipakita mo ang best na binigay sa'yo ni God. Mapa-talent man yan, mapa-love for society man yan, o kung ano pa man yan. Matuto tayong mag-appreciate. Di yung puro lait lang. Lait ng lait, pati yung sarili nilalait na. `Wag ganon men. `Wag ganon.
No comments:
Post a Comment