Nakita ko kasi sa blog ni Peyt na na-mi-miss niya ang high school. At ako din. Sobrang nakaka-miss mag-cut ng classes. Sobrang nakaka-miss yung kahit sumakit lang ng konti yung ulo mo, pwede ka na umuwi. Yung tipong kahit mag-half day ka lang sa school, okay lang. Eh ngayon, 5 days ka na ngang may sakit, iniintindi mo pa yung na-miss mong classes. May sakit ka na nga, sumasakit pa yung ulo mo sa pag-aalala kung paano ka hahabol.
Tangina. Sobrang nakaka-miss. At sobrang hirap mag-adjust. Sobrang hirap baguhin yung nakasanayan mo. Yung tipong nag-kokopyahan lang kayo sa exam. Walang majors. Walang nakaka-putangnang minors. Eh ngayon, lumingon ka lang sa katabi mo o mag-text ka habang nag-e exam, pupunitin na term exam mo, singko ka pa.
Nakaka-miss yung Calculus, na kahit wala ATA akong naipasang quiz at exam eh, 80+ pa rin ang grade ko. Nakaka-miss si Sir Ortile. At sabi nga ni Peyt, ang nakakatamad na MAPEH na sobrang dali at naka-98 pa ko. Eh yung PE 100 ko ngayon? Ay puta. Puro sakit ng katawan aabutin mo every Tuesday.
Nakaka-urmf lang. Nakaka... ewan.
Kaya sa mga high school students, ang payo ko sa inyo, mag-enjoy kayo ngayon. `Wag kayo mag-gago sa college, sa high school niyo gawin yan. Kung mag-ka cutting ka, gawin mo na. Kung tinatamad kang pumasok kay Sir Fortunato, `wag kang pumasok. Kung inaantok ka kay Ma'am G., `wag kang pumasok. Kung gusto mo mag-dota, mag-dota ka na lang.
Kasi sa kolehiyo, mag-iiba na lahat. Oo, pwede pa din natin gawin lahat ng `yon sa college, pero tandaan mo, ikaw ang mawawalan kapag sa college ka nag-gago.
Grabe! Sobrang totoo 'to!! Kaya nga ngayon yung mga late ko sa Filipino hirap na hirap akong humabol! :'(((( Oo nga yung PE ko ngayon punit ang buto mo wala pang 90 ang grades mo. Huhuhuhu :"(((
ReplyDelete