9.24.2011

Documentary Film: Nilupak in Caridad Norte.

September 24, 2011. Nagpunta kaming Caridad Norte, Llanera para gumawa ng documentary tungkol sa Barangay na `to na 99% ng mga pamilya ay gumagawa ng nilupak or nilubyan. As in, lahat silang magkaka-barangay eh magkaka-kumpitensya. Not exactly, kasi may kanya-kanya silang route kaya may isang naka-destino sa lugar na `yun, tapos siya lang ang pwede magtinda dun.
Ang galing kasi mano-mano na pagbabayo ang ginagawa nila sa kamoteng kahoy. At ang bigat nung pang-bayo! Grabe lungs. Pampa-payat. XD
Tapos isa lang ang source nila ng tubig, isang napaka-lalim na balon. Shit. Ngayon lang ako nakakita ng balon at nakaka-takot talaga. Para kang lalamunin. O.o
Tapos, dati daw ang service lang nila sa pag-ninilubyan eh bike. Hindi ko siya actually ma-imagine kasi from Llanera to Talavera, Muñoz, o kaya San Jose. Tapos mag-ba bike ka lang. `Di ba? Pero ngayon, dahil sa pagtitinda nila, nakabili na sila ng sari-sarili nilang motor.
At kung ako yung Presidente, o Mayor, o Governor, tutulungan ko ang mga masisipag na tao na `to. Wala silang kuryente kaya siguro sa isang pamilya, eh tatlo mahigit ang anak. At ang babata pa.

Pero all in all, sobrang saya! Naging ka-close ko yung mga blockmates ko na hindi ko kinakausap dati. Tapos ngayon, kinakausap na nila ko. Jamming-an na. Tapos bagong lugar na napuntahan. At ngayon lang ako nakapunta sa ilog! Hahaha! =)) Tapos nag-hiking. Nag-lakad. Nag-bayo. Nag-picture picture. Nag-gaguhan. Kumaen. At kung ano ano pa!
Buti na lang at sumama ako! Isang napaka-ganda at sayang experience sa unang taon ko sa koleihyo! Thank you co-docu friends! Sa uulitin! >:D< :-bd \m/

No comments:

Post a Comment