Sobrang komplikado kasi ng buhay. May mga problema, may mga obstacles, may mga bagay na sadya talagang nakakapag-pagulo sa buhay. And I think it's natural. We really have a complex life.
Like for example, yung mga bagay na dapat simple lang, tapos pinapa-kumplika pa. Tulad ng pag-ibig. Bakit ba pinapagulo ang mga lovelife natin? `Di ba pwede naman sanang, kapag ayaw niyo na, eh `di tapos na. At kapag nararamdaman niyong kayo talaga, bakit kailangan mo pang maghanap ng iba? Ganun lang `yun `di ba? Pa-simplehan lang `yan. Simpleng mga sagot sa mga simpleng problema ng buhay. Kung sinaktan ka, iwan mo. Bakit kailangan mo pa mag-mukmok at mag-reklamo? You have a choice. Kung mahal mo, at mahal ka din niya, oh adi masaya. Mag-mahalan kayo. Ganun lang yun eh. Simpleng simple lang.
Kung ayaw mo sa isang tao, bakit hindi mo sabihin? O kung ayaw mong sabihin, bakit hindi ka lumayo? `Di ba? Bakit kailangan mong magtiis na makasama sila o siya, kung pwede ka namang umiwas? You have the right to move on with your life. At hindi pagka-plastic yun. It's being true to yourself.
Sa buhay natin, maaaring isa o dalawa lang ang mga tunay mong kaibigan. Halos lahat ng mga taong makikilala mo sa mundo, pag-uusapan ka din kapag nakatalikod ka na. Dahil ikaw din mismo sa sarili mo, ginagawa mo yon. But always remember that you have a choice to avoid those things, and to be happy with your own life.
Lahat sila may masasabi sa'yo. Lahat sila may malalait sa'yo. Lahat sila mapapansin ang mga desisyon mo. Lahat tayo ganun. Lahat tayo may masasabi sa kapwa natin.
But always remember that life is complicated enough to make it even more miserable.
No comments:
Post a Comment