9.20.2011

Bigla na lang.

Kanina, nung papasok ako, sumakay ako sa isang jeep na kulay maroon. Actually, ang gusto ko sanang masakyan eh yung nasakyan ko dati na may service na 7AM para makarating ako ng maaga sa school dahil may tumbling practical and presentation kami sa PE.
Tapos nung pagsakay ko, sa harap ako sumakay. Biglang nag-kwento yung driver tungkol sa anak niya. Na graduate na daw, na maganda na yung trabaho ngayun. Yung tipong proud na proud siya. Tapos sabi niya na, kung mananalig lang tayo kay God, kahit ano pa yung pinapasan natin, malalagpasan natin. Na kailangan natin magkaron ng relationship kay God. Hindi kailangan na magsimba ka araw araw kung hindi mo naman binabasa ang salita ng Diyos. And dumating na raw sa punto ng buhay niya noon na, ilang beses nga lang ba niya sinasabi ang pangalan ni Lord sa isang araw at kailan nga lang ba niya tinatawag si Lord.
Nung una ang awkard, kasi `di ba stranger tapos bigla ka na lang niya kakausapin and papangaralan. And you know what? Siya yung jeep na inaabangan ko. Siya yung may service na 7AM and I get to go to school early.
I know, some of you might find this creepy, pero I think it's a message from Him. Nakapag-perform ako ng tumbling kahit hindi ako marunong, nakapasa ako sa quiz ko sa Bio kahit hindi ako nakapag-review, and nakauwi ako ng maaga sa bahay kasi kahapon ko pa hinihiling `yun dahil gusto ko talagang matulog, and nagka-totoo.
Kung sino ka man Manong, thank you so much for sharing the Word of God to me. Thanks for reminding me, although hindi mo alam na pagod na pagod ako kanina, na kahit puro problema tayo, He's always there for us. Kailangan lang natin manalig, makinig, at maniwala sa Kanya at magagawa mo lahat ng kabutihan na gusto mong magawa. For me, you're an angel Manong. Kung nasan ka man ngayon, thumbs-up ako sa'yo. :-bd
And thank you Lord, for not leaving my side. Although sometimes I forget when I'm confused and hurt, that You're there. I love you Lord! Saludo ako sa Iyo. O:-bd

No comments:

Post a Comment