9.30.2011

(Source)
Shizz. This is sooo me, sobrang accurate. Grabe lungs. Lalo na sa jeep, kapag bumabyahe. I always smile at strangers, kumakanta sa jeep, nag-aabot ng bayad with matching smile, tatawa sa mga bagay sa daan na nakakagago. Yun, you get the picture. Lalo na kapag kakilala mo ko. Hahaha. Alam mo ng ginagawa ko talaga yung mga `yun. Hahahaha. XD =)) :-bd

Eeeeh. Hello?

Actually, wala akong gana na mag-blog dahil katatapos lang ng Bagyong Pedring at may parating na naman na bagyo bukas na kapangalan pa ng epa ko, si Quiel. Matagal din akong hindi nakapag-blog dahil Signal No.3 ang Nueva last Tuesday at nag-mistulang ilog ang buong Cabanatuan City dahil sa baha hanggang Wednesday. Kaya nakakawalang gana talaga mag-kwento kasi walang magandang iku-kwento.

Pero siguro, maganda na ding i-kwentong hindi kami pinabayaan ni Lord. At infairness, hindi natanggal ang bubong namin. Hahaha! Saka na ko mag-ku kwento ng mga nangyari nung Tuesday sa dormitory dahil wala talaga ako sa mood kasi may mga bisita pa kami sa bahay.

Kaya, sa susunod na lang! Byers. :-bd :-h

9.24.2011

(Source)
I know.

Documentary Film: Nilupak in Caridad Norte.

September 24, 2011. Nagpunta kaming Caridad Norte, Llanera para gumawa ng documentary tungkol sa Barangay na `to na 99% ng mga pamilya ay gumagawa ng nilupak or nilubyan. As in, lahat silang magkaka-barangay eh magkaka-kumpitensya. Not exactly, kasi may kanya-kanya silang route kaya may isang naka-destino sa lugar na `yun, tapos siya lang ang pwede magtinda dun.
Ang galing kasi mano-mano na pagbabayo ang ginagawa nila sa kamoteng kahoy. At ang bigat nung pang-bayo! Grabe lungs. Pampa-payat. XD
Tapos isa lang ang source nila ng tubig, isang napaka-lalim na balon. Shit. Ngayon lang ako nakakita ng balon at nakaka-takot talaga. Para kang lalamunin. O.o
Tapos, dati daw ang service lang nila sa pag-ninilubyan eh bike. Hindi ko siya actually ma-imagine kasi from Llanera to Talavera, Muñoz, o kaya San Jose. Tapos mag-ba bike ka lang. `Di ba? Pero ngayon, dahil sa pagtitinda nila, nakabili na sila ng sari-sarili nilang motor.
At kung ako yung Presidente, o Mayor, o Governor, tutulungan ko ang mga masisipag na tao na `to. Wala silang kuryente kaya siguro sa isang pamilya, eh tatlo mahigit ang anak. At ang babata pa.

Pero all in all, sobrang saya! Naging ka-close ko yung mga blockmates ko na hindi ko kinakausap dati. Tapos ngayon, kinakausap na nila ko. Jamming-an na. Tapos bagong lugar na napuntahan. At ngayon lang ako nakapunta sa ilog! Hahaha! =)) Tapos nag-hiking. Nag-lakad. Nag-bayo. Nag-picture picture. Nag-gaguhan. Kumaen. At kung ano ano pa!
Buti na lang at sumama ako! Isang napaka-ganda at sayang experience sa unang taon ko sa koleihyo! Thank you co-docu friends! Sa uulitin! >:D< :-bd \m/

Caridad Norte invasion!









Tama! I prefer to be alone at most times. Pero I can be sociable if I want to, and kung kinakailangan. Lol. Hahaha! :-bd

9.23.2011

Missed midterm exam!

Yey! Sa wakas. Nagkaron din ng konting awa si Ma'am Divina. Hahaha! De, joke. Major subject kasi kaya naghahanap pa ng medical certificate nung hindi ako nakakuha ng midterm sa kanya. Badtrip nga, eh. Buti na lang at hindi na siya blunt. Mediyo na lang. Hahaha. Kfine. Kung hindi lang 60% ang passing at kung hindi lang 5 units ang subject niya. But well, that's life. We have to move on. Hahaha. Anyway, masaya naman ako sa resulta ng e-mail ko kaya happy happy tayo. Rakenrol lang! :-bd \m/

9.20.2011

Life, it's complicated enough to make it even more miserable.

Sobrang komplikado kasi ng buhay. May mga problema, may mga obstacles, may mga bagay na sadya talagang nakakapag-pagulo sa buhay. And I think it's natural. We really have a complex life.
Like for example, yung mga bagay na dapat simple lang, tapos pinapa-kumplika pa. Tulad ng pag-ibig. Bakit ba pinapagulo ang mga lovelife natin? `Di ba pwede naman sanang, kapag ayaw niyo na, eh `di tapos na. At kapag nararamdaman niyong kayo talaga, bakit kailangan mo pang maghanap ng iba? Ganun lang `yun `di ba? Pa-simplehan lang `yan. Simpleng mga sagot sa mga simpleng problema ng buhay. Kung sinaktan ka, iwan mo. Bakit kailangan mo pa mag-mukmok at mag-reklamo? You have a choice. Kung mahal mo, at mahal ka din niya, oh adi masaya. Mag-mahalan kayo. Ganun lang yun eh. Simpleng simple lang.
Kung ayaw mo sa isang tao, bakit hindi mo sabihin? O kung ayaw mong sabihin, bakit hindi ka lumayo? `Di ba? Bakit kailangan mong magtiis na makasama sila o siya, kung pwede ka namang umiwas? You have the right to move on with your life. At hindi pagka-plastic yun. It's being true to yourself.
Sa buhay natin, maaaring isa o dalawa lang ang mga tunay mong kaibigan. Halos lahat ng mga taong makikilala mo sa mundo, pag-uusapan ka din kapag nakatalikod ka na. Dahil ikaw din mismo sa sarili mo, ginagawa mo yon. But always remember that you have a choice to avoid those things, and to be happy with your own life.
Lahat sila may masasabi sa'yo. Lahat sila may malalait sa'yo. Lahat sila mapapansin ang mga desisyon mo. Lahat tayo ganun. Lahat tayo may masasabi sa kapwa natin. 

But always remember that life is complicated enough to make it even more miserable.

Bigla na lang.

Kanina, nung papasok ako, sumakay ako sa isang jeep na kulay maroon. Actually, ang gusto ko sanang masakyan eh yung nasakyan ko dati na may service na 7AM para makarating ako ng maaga sa school dahil may tumbling practical and presentation kami sa PE.
Tapos nung pagsakay ko, sa harap ako sumakay. Biglang nag-kwento yung driver tungkol sa anak niya. Na graduate na daw, na maganda na yung trabaho ngayun. Yung tipong proud na proud siya. Tapos sabi niya na, kung mananalig lang tayo kay God, kahit ano pa yung pinapasan natin, malalagpasan natin. Na kailangan natin magkaron ng relationship kay God. Hindi kailangan na magsimba ka araw araw kung hindi mo naman binabasa ang salita ng Diyos. And dumating na raw sa punto ng buhay niya noon na, ilang beses nga lang ba niya sinasabi ang pangalan ni Lord sa isang araw at kailan nga lang ba niya tinatawag si Lord.
Nung una ang awkard, kasi `di ba stranger tapos bigla ka na lang niya kakausapin and papangaralan. And you know what? Siya yung jeep na inaabangan ko. Siya yung may service na 7AM and I get to go to school early.
I know, some of you might find this creepy, pero I think it's a message from Him. Nakapag-perform ako ng tumbling kahit hindi ako marunong, nakapasa ako sa quiz ko sa Bio kahit hindi ako nakapag-review, and nakauwi ako ng maaga sa bahay kasi kahapon ko pa hinihiling `yun dahil gusto ko talagang matulog, and nagka-totoo.
Kung sino ka man Manong, thank you so much for sharing the Word of God to me. Thanks for reminding me, although hindi mo alam na pagod na pagod ako kanina, na kahit puro problema tayo, He's always there for us. Kailangan lang natin manalig, makinig, at maniwala sa Kanya at magagawa mo lahat ng kabutihan na gusto mong magawa. For me, you're an angel Manong. Kung nasan ka man ngayon, thumbs-up ako sa'yo. :-bd
And thank you Lord, for not leaving my side. Although sometimes I forget when I'm confused and hurt, that You're there. I love you Lord! Saludo ako sa Iyo. O:-bd

9.16.2011

Hello, BSBio 1_1!


At oo, dahil maliit ako, nasa harap ako! Haha! =))
(Source)
This.
(Source)
To be free from the past...

Buti na lang!

Buti na lang at 20th monthsary namin ngayun ng Baby ko! Hihi. :"> Sa Jollibee San Jose kami kumaen at oo, tao na ako. Haha! Nakalagpas na din ako sa wakas sa Muñoz at nakita ko na din ang PhilMech at PCC! Hahahaha. XD =))


Ayun, kumaen nga kami sa Jollibee dahil walang McDo, then pumunta sa 7-eleven at kumaen ng napaka-laki nilang sundae cone. Grabe, ang laki lang talaga. Haha! At ang mura pa. ;) :-bd


Thank you sa treat Babe! I love you so much! Happy 1 year and 8 months! I love you. :"""> <3

9.11.2011


(Source)
It's too cuuuuuute to not be reblogged! <3 <3 <3

Compromising.

Ako'y nakikipagtalo pa sa aking isip, sa matino at sa abnormal na side. Hahaha. Nagtatalo sila kung mag-do-dorm pa ba ko next sem, o hindi. Kaya may constant war sa utak ko these days. Lol. XD

Sabi kasi ng matinong side ng utak ko, mag-dorm pa din ako next semester. Para daw hindi ako mapagod kaka-commute, para daw makapag-concentrate ako sa studies ko, para daw `di ako laging hassle sa time. Kapag daw nag-dorm ako, ma-e-enjoy ko yung activities next sem, lalong lalo na sa Christmas season.

Eh eka naman ng abnormal na side ng utak ko, mag-commute daw ako. Kasi mas masarap mapagod araw-araw, tapos matutulog ka pa din sa sarili mong kwarto at kama. Mas masarap mag-aral buong hapon tapos kapag uwi mo sa gabi, pede ka ng humilata kung saan saan. Mas masarap daw magka-baon ng 40 pesos araw araw, at hindi makaipon, kasi araw-araw, luto naman ng Mommy mo ang dinner mo. At mas hamak sarap daw kasi mag-net hanggang madaling araw kesa mag-aral.

Kaya ayun. Hahahaha! Ikaw, ano pipiliin mo? =))

Tangina mo lang. Sarap buhusan ng asido ang mukha mo.

Eh `di ayun, ok na sana ang araw ko eh. Masaya na eh. Nakapag-class picture na kami para sa P.E.100, nakapag-practice na kami't lahat sa pep squad, tapos ayaw pa rin mag-pauwi ng putangina kong kaklase. Badtrip ka lang eh. Puta. Mag-iinarte ka sa harap namin na nahihilo ka na and everything tapos papasayawin mo pa kami ng papasayawin kahit alam na alam na namin at magsisi-uwi pa kami?


Kung hindi lang kasalanan sa Diyos na pumatay ng tao, unang beses pa lang kitang nakita, patay ka na sigurado. Ay hayop. Nakaka-gigil ka. Tangina ka lungs. ..|..

At sa tingin mo susunod ako sa'yo? Gago ba you? In your face. 

“…ibabalik natin ang kahapon. Mabubuhay sa noon. Nakaraan laging masaya. Pakikinggan si Ely Buendia. Kahit ako’y mapuyat pa matagayan lang kita. Minsan lang kita makasama, salubungin ang umaga. Panahon ng nangongopya sa skwela. Agawan sa gitna ng kalsada. Panahon ng mga tunay na banda, ninakaw lang ng mga pirata. Panahon ng bulag na sistema. Malayang nag-ra-rally ang masa. Pabalik sa Dekada `90.”

-- Dekada `90 ng Silent Sanctuary.

“Hey,” I whispered, as Ash slipped his arms around my waist from behind, drawing me close. I could feel his glare aimed at Puck over my head, a silent, protective gesture that spoke louder than any words. “Mine. Back off."

-- The Iron Queen
(Source)

Benefits!

Isa sa benefits ng pagiging isang kolehiyo ay, kapag tinatamad ka na at bwisit na bwisit ka na sa isang subject mo, next semester magpapalit ka na. At kapag may ayaw kang professor/instructor, next semester hindi na din kayo magkikita. Hahahaha!

De, seryoso lang... HAHAHAHA! XD =))))
(Source)

9.10.2011

Now he's walking part 2 [HD]


No copyright intended. From Ate Gina. :-D

September 9. 2011.

We had a symposium about Embryo Technologies: Development and Trends yesterday at the CLSU Auditorium led by The Department of Biological Sciences. Our speaker was Dra. Danilda H. Duran, the Senior Agriculturist for the Philippine Carabao Center.

So ayun. Haha! Dahil nga pakana ito ng Bio people, kaming Bio students ang nasa harap ng Audi. The topic was the Embryo Techs na ginagawa sa PCC para sa reproduction ng superior water buffaloes. Nakaka-takot, or nakaka-pressure lang mag-BS Bio kasi yung speaker namin was also a graduate of BS Bio in CLSU and ang bigatin ng thesis niya kaya kung iisipin mo, parang "Hala, kaya ko din kaya yun?". Yung tipong ganun and sobrang nakaka-pressure.

Pero naisip ko din na gagawin ko yun na inspiration ko and for me to prove to other people na hindi porket hindi in demand ang kursong kinuha ko, hindi na ko mapapasok ng trabaho. At papatunayan ko sa kanila that Bachelor of Science in Biology is one of the best course there is.

The Paradox of Our Age

By Dr. Bob Moorehead
The paradox of our time in history is that we have taller buildings but shorter tempers; wider freeways, but narrower viewpoints. We spend more, but have less; we buy more, but enjoy less. We have bigger houses and smaller families; more conveniences, but less time. We have more degrees but less sense; more knowledge, but less judgment; more experts, yet more problems; more medicine, but less wellness.
We drink too much, smoke too much, spend too recklessly, laugh too little, drive too fast, get too angry, stay up too late, get up too tired, read too little, watch TV too much, and pray too seldom. We have multiplied our possessions, but reduced our values. We talk too much, love too seldom, and hate too often.
We've learned how to make a living, but not a life. We've added years to life not life to years. We've been all the way to the moon and back, but have trouble crossing the street to meet a new neighbor. We conquered outer space but not inner space. We've done larger things, but not better things.
We've cleaned up the air, but polluted the soul. We've conquered the atom, but not our prejudice. We write more, but learn less. We plan more, but accomplish less. We've learned to rush, but not to wait. We build more computers to hold more information, to produce more copies than ever, but we communicate less and less.
These are the times of fast foods and slow digestion; big men and small character; steep profits and shallow relationships. These are the days of two incomes but more divorce; fancier houses but broken homes. These are days of quick trips, disposable diapers, throwaway morality, one night stands, overweight bodies, and pills that do everything from cheer, to quiet, to kill. It is a time when there is much in the showroom window and nothing in the stockroom. A time when technology can bring this letter to you, and a time when you can choose either to share this insight, or to just hit delete.
Remember, spend some time with your loved ones, because they are not going to be around forever.
Remember to say a kind word to someone who looks up to you in awe, because that little person soon will grow up and leave your side.
Remember to give a warm hug to the one next to you, because that is the only treasure you can give with your heart and it doesn't cost a cent.
Remember to say "I love you" to your partner and your loved ones, but most of all mean it. A   kiss and an embrace will mend hurt when it comes from deep inside of you.
Remember to hold hands and cherish the moment for someday that person will not be there again.
Give time to love, give time to speak, and give time to share the precious thoughts in your mind.

AND ALWAYS REMEMBER:
Life is not measured by the number of breaths we take, but by the moments that take our breath away.

Dr. Bob Moorehead is former pastor of Seattle's Overlake Christian Church. He retired in 1998 after 29 years in that post. The essay appeared in 'Words Aptly Spoken,' Dr. Moorehead's 1995 collection of prayers, homilies, and monologues used in his sermons and radio broadcasts.

9.06.2011

Tangina. Nakaka-miss ng sobra-sobra.

Nakita ko kasi sa blog ni Peyt na na-mi-miss niya ang high school. At ako din. Sobrang nakaka-miss mag-cut ng classes. Sobrang nakaka-miss yung kahit sumakit lang ng konti yung ulo mo, pwede ka na umuwi. Yung tipong kahit mag-half day ka lang sa school, okay lang. Eh ngayon, 5 days ka na ngang may sakit, iniintindi mo pa yung na-miss mong classes. May sakit ka na nga, sumasakit pa yung ulo mo sa pag-aalala kung paano ka hahabol.

Tangina. Sobrang nakaka-miss. At sobrang hirap mag-adjust. Sobrang hirap baguhin yung nakasanayan mo. Yung tipong nag-kokopyahan lang kayo sa exam. Walang majors. Walang nakaka-putangnang minors. Eh ngayon, lumingon ka lang sa katabi mo o mag-text ka habang nag-e exam, pupunitin na term exam mo, singko ka pa.

Nakaka-miss yung Calculus, na kahit wala ATA akong naipasang quiz at exam eh, 80+ pa rin ang grade ko. Nakaka-miss si Sir Ortile. At sabi nga ni Peyt, ang nakakatamad na MAPEH na sobrang dali at naka-98 pa ko. Eh yung PE 100 ko ngayon? Ay puta. Puro sakit ng katawan aabutin mo every Tuesday.

Nakaka-urmf lang. Nakaka... ewan.

Kaya sa mga high school students, ang payo ko sa inyo, mag-enjoy kayo ngayon. `Wag kayo mag-gago sa college, sa high school niyo gawin yan. Kung mag-ka cutting ka, gawin mo na. Kung tinatamad kang pumasok kay Sir Fortunato, `wag kang pumasok. Kung inaantok ka kay Ma'am G., `wag kang pumasok. Kung gusto mo mag-dota, mag-dota ka na lang.

Kasi sa kolehiyo, mag-iiba na lahat. Oo, pwede pa din natin gawin lahat ng `yon sa college, pero tandaan mo, ikaw ang mawawalan kapag sa college ka nag-gago.